The Maid Of De Fuego

The Maid Of De Fuego

Chapter one

KIRA'S POV

"Ang gwapo gwapo mo talaga, bakit ba ang gwapo mo na naman!!" Kinikilig na sambit ko habang tinititigan ang litrato ng magazine kung saan nandoon ang crush ko na si Arkin Isiah De Fuezo

Isa syang model sa paris at kahit na mahirap makakuha ng magazine nya pinagtyatyagaan ko talaga makita lang sya kahit sa magazine man lang.

Kapag may interview sya napunta talaga ako sa labas ng building nila makita ko lang sya kahit na sa malayo, ganon ko sya kamahal eh bwahahahaha hindi naman kasi sya madalas mag upload ng litrato sa social media niya kaya sa magazine ko sya pinagpapantasyahan, sa personal naman di ko makita ng maayos kasi ang layo layo nya tapos ang dami pang body guard kainis!

"Hoy , Kira! kung ano ano na naman yang inaatupag mo may order ho doon sa kabilang table" Bulyaw sa akin ni Yna, kaibigan ko

"Oo na sandali, kanina pa kaya ako pabalik balik saka nasakit na ang paa ko eh kaya kumukuha muna ako ng lakas sa baby Arkin ko" Sambit ko

"Hay nako bes! bilisan mo riyan mahuli ka pa ni Mader patay ka doon" —Yna

Nagbugtong hininga na lang ako saka kinuha yung tray pero bago yun tinitigan ko muna ang napakagwapong mukha ni Arkin my love.

"Mamaya na ulit baby magtatrabaho na ako" Bulong ko sa litrato nya.

Ewan ko ba kung bakit patay na patay ako sa kanya, lalo na kapag ang litrato nya sa magazine ay nakaboxer waahhh patawarin ako sa langit pero sa ibaba talaga ako unang tumitingin, iniisip ko kung gaano kalaki yung ano nya tapos kung mahaba ba hahahaha

"Hoy, Kira bilis!" —Yna

"Oo na, ito na" Aniko

Dali dali kong inabot yung order nung tinutukoy ni Yna tapos bumalik na ako sa pagcacashier, hindi pa nga pala ako nagpapakilala.

Ako si Akirah Sage Cristobal, 20 years old graduate na ako ng college pero dahil sa mag isa na lang ako sa buhay hindi na ako nag abalang mag apply pa ng magandang trabaho, nasanay na rin kasi ako dito sa maliit na restaurant na pinagtatrabahuhan namin ni Yna dahil ito din ang nakatulong sa akin para matustusan ang pag aaral ko sa kolehiyo noon.

Si Lariena Daphne in short (Yna) my bestfriend, mayaman at anak ng isang business man pero dahil sa ipapakasal daw sya sa taong hindi nya kilala naglayas sya kaya ito nagpapakahirap din sya sa pagtatrabaho at magkasama rin kami sa iisang apartment.

"Kira, Yna pagkatapos nyo riyan pumunta kayo sa opisina may mahalaga akong sasabihin" —Mader

Sya naman ang amo namin, bakla sya kaya mader ang tawag namin.

"Sige po" sagot ko

"Opo, mader" —Yna

Pag alis ni mader nagkatinginan kami ni Yna

"Bigla akong kinabahan don ah" Mahinang sambit ni Yna

"Ako rin" aniko pabalik.

Ilang minuto rin kami sa pag aasikaso sa mga customer at nang matapos na kami doon nagpasya na kami ni Yna na magtungo sa opisina ni Mader.

"Maupo kayo" Panimula nya

"Uhm, bakit niyo po pala kami pinatawag?" -Yna

Nagbugtong hininga si Mader saka tumingin sa akin.

"Hindi ko alam kung paano ako magsisimula pero, alam mo naman Kira kung paano kita tinanggap dito sa negosyo ko diba? ilang beses na rin kitang pinautang pero ang dami ng nagrereklamo sa iyong customer, ang tagal daw ng order nila tapos palagi ka lang nakatutok sa ibang bagay, hindi sa ayaw kita ah pero unti unti na akong nawawalan ng customer at ayaw ko namang dumating pa sa punto na malugi na itong negosyo ko." —Mader

"P-Po? eh mader maayos naman po ah saka wala naman pong may galit sa akin" sagot ko

"Wala nga, dahil hindi naman sila nagrereklamo sa iyo eh kundi sa akin, at isa pa ikaw, Yna. kulang kulang yung order na inaabot mo, pasensya na sa inyo alam kong matagal na kayong nagsisilbi sa akin pero kailangan ko na kayong alisin sa negosyo ko" —Mader

Napatungo naman ako.

"E-Eh, Mader. alam nyo naman na wala kaming magulang ni Yna na tumutulong sa amin diba? saka ito na lang ang bumubuhay sa amin" Sambit ko

"Wala na akong magagawa, negosyo ko ang nakasalalay rito" -Mader

"Pwede naman pong bigyan nyo kami ng pangalawang pagkakataon, promise aayusin na po namin ang trabaho namin please, Mader" Dagdag pa ni Yna

"Pasensya na talaga mga hija pero wala na akong magagawa, baka tuluyan na ako mawalan ng mga customers" -Mader

"E-Eh kung ganon po, baka po puwedeng wag nyo munang kaltasan yung sweldo ko, baka po pwedeng saka ko na lang bayaran yung mga na advance ko sa inyo kapag nakaluwag luwag na ako" Sambit ko

"Sige, ayos lang sa akin" Aniya

Tumayo naman si mader saka may kinuhang papel sa cabinet nya

"Ito bigay sa akin ni Mia, may hiring bilang secretary at maid riyan baka pwede nyo yang pag applyan, tapos kapag natanggap na kayo dyan saka mo na ako bayaran, ayos lang ba Kira?" —Mader

Kinuha ko naman yung papel na inaabot ni mader.

"Salamat sa lahat mader" Aniko

Yumakap naman kami ni Yna kay mader at ganon din sya sa amin.

"Kahit wala na kayo rito, puwede nyo pa rin ako lapitan kapag kailangan nyo ng tulong" Nakangiting sambit nya sa amin.

Tumango naman kami saka inayos na yung mga gamit namin.

Lumabas na kami ng restaurant tapos naupo kami ni Yna sa isang shed.

"Kailan tayo pupunta riyan sa tinutukoy ni Mader?" —Yna

"Hindi ko alam eh" Sambit ko

"Babalik na lang ako sa clinic" Sambit nya

"Huh? bakit? diba ayaw mong makita ka ng dad mo" Sambit ko

Nurse kasi si Yna ng mga pets kaso umalis sya doon dahil alam iyon ng Daddy nya.

"Hayaan mo na, Kira, saka isa pa ayaw ko namang mamasukang katulong wala akong experience" —Yna

"Edi, doon ka mag apply sa pagiging sekretarya ako na sa pagmamaid" Sambit ko

"Mahirap maging katulong, Kira. kaya babalik na lang ako sa clinic tapos ikaw mag apply ka dyan sa pag sesekretarya total graduate ka na rin naman ng college hindi kana mahihirapan mag apply" —Yna

"Yna naman eh, diba sabi mo gusto mo palagi tayong magkasama bakit naman lalayo ka pa" Sambit ko

"Ay ang oa bes ah, magkasama naman tayo sa apartment eh" -Yna

"Hindi yun ang ibig kong sabihin, I mean sa trabaho gusto ko kasama ka" Aniko

"Kira, hindi natin alam kung iisa lang ang magiging amo natin riyan" -Yna

"Yna naman eh"

"Kaya mo na iyan" —Yna

"Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho" Sambit ko

"Wag na sayang yan ano, maghahanap ka pa eh nandyan na nga yan mag aapply ka na lang" —Yna

"Paano kung makita ka ng daddy mo? baka kunin ka na nila tapos ipadala ka pa sa America edi mag iisa na lang ako" Aniko

"Bes naman, wag mong isipin iyon saka para sa iyo naman yang ginagawa mo, wala ka ng magulang Kira, kaya kailangan matuto ka na saka para sa baby mo lalaban ka hahahaha para kay Arkin" sabi nya kaya napangiti ako.

"Para sa Baby Arkin ko!" Sambit ko

"So, bukas sasamahan kitang mag apply dyan" Yna

"Oo, sige na" sambit ko

Tumayo na kaming dalawa sa pagkaka-upo saka nagsimula nang maglakad papunta sa apartment namin.

Kumain na kaming dalawa, matapos non nagpahinga na kami sa kanya kanya naming kwarto. Dalawa lang kasi ang kwarto ng apartment namin.

Nagbanlaw na ako ng katawan ko matapos non nagbihis na ako ng pangtulog saka nahiga sa kama habang nakatitig sa magazine ni Arkin

"Ang pogi pogi mo talaga Mr. De Fuezo, alam mo para sa akin ikaw na ang pinakagwapong nilalang na nakilala ko, gusto kong mapasakin ka pero hanggang pangarap lang iyon, gusto kong makilala mo ako kaso mukhang malabo kasi sikat ka tapos ako? ito lang ako" Natatawang sambit ko sa litrato nya

Ang dami kong litrato rito ni Arkin sa kwarto ko, tapos sa banyo meron din para naman habang naliligo ako nakikita ko sya at kunyari nakatingin sya sa akin bwahahahahhaa.

Nakakalimutan ko rin ang lungkot ko sa buhay kapag nakikita ko sya kahit sa magazine lang, ang lakas kasi ng dating nya sa akin ehh.

Sila Tatay at Nanay kasi parehas na silang wala dahil sa aksidente noong 15 years old ako. Nahirapan kasi talaga ko ng sobra lalo na't nag iisang anak ako, tapos yung mga kamag anak ko naman nasa probinsya pero ni isa sa kanila wala akong kilala dahil dito ako lumaki sa manila.

Ano ba yan naluluha ako sa pinagsasabi ko rito, kailangan kong maging matatag lalo na't panibagong bukas na naman ang haharapin ko kaya kailangan ko na matulog para hindi pangit ang gising ko.

Inayos ko na yung higa ko saka niyakap yung unan kong may punda ng mukha ni Arkin para kunyari katabi ko sya hahahaha.

*************

KINABUKASAN maaga akong naligo tapos nag ayos, dahil ngayon ako mag apply at sasamahan naman ako ni Yna bago sya pumunta sa clinic.

"Dito na tayo Kira, gusto mo ba samahan pa kita sa loob?"

"Hindi na bes kaya ko na yan, ako pa" Aniko

"Sige ah ngumiti ka lang palagi, be confident para naman wala na silang masabi sa iyo" Nakangiting sambit ni Yna

"Basta kapag natanggap ako libre mo ko ah" Aniko

"Oo, sige na bilisan mo na,pasok na!" Naeexcite na sabi nya.

Nagbugtong hininga naman ako bago pinihit yung doorknob.

"Goodmorning, may appoinment ka ba rito?" Ani ng isang babae na sumalubong sa akin.

"Uhm mag apply po sana ako" Aniko

"Ahh for secretary ba?" sabi nya pa

Tumango naman ako saka ngumiti, kagaya ng sabi ni Yna, ngumiti kaya nakangiti ako.

"Nako miss huli ka na eh, may nakuha na ang agency, so for now maid na lang ang available" Sambit nya

"H-Ho? eh maaga pa naman po ah paanong natapos agad?"

"Kahapon pa kasi nagsimula ang hiring for secretary kaso punuan talaga kaya wala ka na talagang maabutan ngayon" Sabi nya

"Ganon ba? eh yang maid na iyan ba saan mag apply, dito din ba?" tanong ko

"Ah oo pasok ka doon" Pagturo nya sa isang pintuan malapit lang sa tinatayuan namin

"Sige, salamat" Sambit ko.

Nakakalungkot naman pero ayos lang, wala namang masama maging maid diba saka maayos na trabaho iyon kahit na may kaliitan ang sweldo.

Pumasok agad ako sa loob noon at may kalbong nakaupo doon.

"Yes? anong kailangan nila?" Sambit nya sa akin.

bakla ata ito

"Uhm mag apply po ako"

"Maupo ka" Sambit nya

Naupo naman ako sa katapat nya tapos sinahod nya ang kamay nya kaya inabot ko agad yung hawak kong mga requirements na nakalagay sa isang brown invelop.

"Hmmm 20 years old ka lang? status single.... hmmm graduate ng nursing wait bakit nag aapply ka pa ng katulong eh tapos ka naman pala ng nursing?" Sambit nya habang nakatingin sa papel ko.

"Hindi ko na po kasi maasikaso eh saka nag iipon pa po ako para makapag simula ulit" Sambit ko

Tumango tango naman sya.

"Pakisulat na lang ang number mo riyan sa ibaba tapos kokontakin ka ng bagong sekretarya ni Mr. De Fuezo kung mahi-hired ka ba" Sambit nya saka tumayo at naglakad na papunta sa labas

"Sige po" Aniko

Kokontakin pa pala ako, so may bagong sekretarya na nga? bilis niya naman matanggap—

0__0

wait? tama ba yung narinig ko?

"A-Ahh sir, teka po!" pag habol ko sa kalbo.

"Oh may nakalimutan ka ba?"

"Anong sabi nyo? Mr. ano? De Fuezo? as in yung ano, sikat na model sa Paris?"

Tumaas naman ang kilay nya saka tumawa

"Oo, si Mr. Arkin ang magiging amo mo, kapag natanggap ka nga lang swerte mo naman kung ganon" Maarteng sambit nya saka tinalikuran ako.

Hindi ko naman mapigilang mapatili pero mahina lang ..

WAAAHHHHHHH!!!!!!! this is it! Hindi ako makapaniwala, kung sineswerte ka nga naman oh, hulog ng langit ka talaga mader..

MAKIKITA KO NA SIYA WAAAHHHH!

______________________________________________

GRAMMATICAL ERRORS AHEAD.

Episodes
Episodes

Updated 1 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play