Marou Marupok (Tagalog)

Marou Marupok (Tagalog)

PROLOGUE

Gumising ako ng maaga dahil 6:00 AM ang start ng klase namin. Hay, pambihira. Mas gusto ko pa na pang hapon ang schedule ng klase e.

Agad akong bumangon para magluto at i-check si Malou kung gising na ba. Mahimbing pa rin ang tulog niya.

"Papasok ka na sa school?" sabi ni daddy, bagong gising lang.

"Opo"

"Galingan mo, 'nak" dumiretsyo siya sa kusina habang ako na nandito sa sala, sa harap ng salamin habang inaayos ang buhok ko.

"Miss ko na si mommy, daddy." malungkot na sabi ko.

Parang last year lang si mama pa ang nag aasikaso sa'kin kapag first day of school ko, pero ngayon sarili ko na lang ang nag aasikaso sa'kin.

"Ako rin, 'nak. Kain ka muna, kumain ka na ba?" umiling lang ako at simahan ko siya sa dining table.

May pritong itlog, hotdog at tinapay na nakahain sa lamesa.

Habang kumakain ako, bigla na lang ako nawalan ng gana nang may naalala ako.

Matapos ang mahabang bakasyon, makikita ko na ulit sila.

Makikita ko na ulit ang mga dumurog ng puso ko.

Makikita ko na ulit ang mga nanloko sa'kin.

Makikita ko na ulit ang ex-boyfriend ko at ang ex-bestfriend ko.

Hindi pa ako handa na makita ulit sila. Masyado pa ring masakit ang ginawa nila sa'kin.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap at paulit-ulit na pumapasok sa isip ko kung saan ba ako nagkulang? May nagawa ba akong mali? Hindi ba ako naging mabuting partner at kaibigan sa kanila kaya silang dalawa na lang ang nagsama?

"Okay ka lang?" tanong sa'kin ni daddy, napansin ko na hindi ko na pala ginagalaw ang pagkain ko.

"O-opo"

"Nak, kung kailangan mo ng advise ko, nandito lang ako, ha? Okay lang 'yan! Marami pang lalake diyan at marami ka pang magiging kaibigan, lalo na kapag nag college ka na. Baka nga magkaroon pa ng pila ng mga manliligaw mo rito sa bahay e hahahaha, sa ganda mong 'yan. Manang-mana ka sa mommy mo." ang haba ng sinabi ni daddy pero natawa ako sa sinabi niya. Grabe naman 'yung magkakaroon ng pila ng mga manliligaw.

Nang matapos ako mag almusal, tumayo na ako at nagpaalam sa kaniya.

"Bye, daddy!" humik ako sa psingi niya.

Parang dati lang hinahatid niya pa ako pero ngayon kailangan ko na tumayo mag isa. Hindi pwede maiwan si Malou sa bahay e.

Sinuot ko ang earphones ko habang naglalakad papuntang school, tamang patugtog lang.

Nang makarating ako sa school, nadatnan ko sina Rj na nakatayo sa tapat ng classroom.

"Uy! Marou! Long time no see! Musta puso na'tin diyan?" tanong sa'kin ni Paul.

"Okay lang"

"Nandoon na sila sa loob" umiiling na sabi ni Rj.

Napasilip ako sa loob ng room, nandoon na nga ang mga manloloko. Magkatabi pa. Nakita ko rin na nakaupo na roon sina Thea.

"Si Xands? Bakit hindi niyo kasama?" tanong ko kay Rj.

"Wala pa, iniintay nga namin kaya kami nakatayo rito." sagot niya.

"Hay, Marou" huminga ng malalim si Louis at tinapik-tapik ang balikat ko habang nakatingin doon sa mga manloloko. "You don't deserve this" bulong niya.

"Huwag mo na lang pansinin, Marou. Mas maganda ka naman e, yieee" sabat ni Junjun.

Parang gusto ko na lang maiyak sa salubong nilang lahat sa'kin. Feeling ko tuloy nagkasakit ako sa loob ng 3 months tapos ngayon lang ulit nila ako nakasama.

Walang pake ako na pumasok sa loob ng classroom, dumiretsyo sa pwesto nina Thea. Naramdaman ko naman na nagtinginan sa'kin ang mga kaklase ko at sa dalawang manloloko na nakaupo sa likuran malayo sa pwesto namin.

Saksi sila sa lahat ng nangyare sa'min last year. Pati panloloko na ginawa nung dalawa alam nila, syempre sa kanila ko pa nga nalaman e. Kung hindi lang nila sinabi sa'kin hindi ko pa malalaman.

"Are you okay?" nag aalalang tanong sa'kin ni Thea.

Tumango lang ako sa kaniya kahit 'yung totoo parang sinasaksak na ang dibdib ko ng isang invisible knife.

Hindi ako mapakali at parang gusto ko tumayo at maglakad-lakad kung saan wala 'yung mga manloloko.

Dumating na ang bagong teacher at magpakilala raw kami isa-isa.

"Hi, I am Kendmar Richer Gonzales. Kaklase niyo na ako last year, dalawang quarter lang ang naabutan ko kaya babawi ako sainyo this year." sabi ni manloloko slash kutong lupa. Tsk. He look so happy, huh.

Nagpapakilala na naman isa-isa, third year high school na kami at blockmates na kami. Grade 7 pa lang, kami-kami na ang magkakasama, paulit-ulit din kami nagpapakilala sa isat-isa para sa mga bagong teachers.

"I am Antonietta Rhin Gueverra" pagpapakilala niya.

Ako na ang sunod na magpapakilala.

"I am Marou Mae Malinis" sanay na sila sa pangalan ko, maliban lang sa mga baguhan.

Sunod naman sa'kin ay ang katabi ko na si Liya.

"I am Ligaya Heart Matinez, you can call me Liya" hiniyaw ng mga kaklase ko ang pangalan ni Rj. Kinantyawan.

Sumunod naman sa kaniya si Thea.

"I am Althea Jean Ramos" dami niya rin sinabi, pati hobby niya sinabi niya na rin.

"Why are you late?" tanong nung bago namin teacher kay Zha na nakatayo ngayon sa pintuan.

Napakamot ako sa ulo ko, hanggang ngayon hindi pa rin siya nagbabago.

"Sorry po." dumaan siya sa harapan pero pinahinto siya ni ma'am.

"Introduce yourself"

"Po?" good thing, hindi na siya kabastos na katulad nung dati.

Tinaasan lang siya ng kilay ni ma'am. Napaayos siya sa pagkakatayo niya ng ma-reliaze kung ano ang dapat niyang gawin.

"A-ako si Nestizha Ali Sebastian" 'yun lang ang sinabi niya at dire-diretsyo na siya na umupo sa tabi ni Thea.

Nawalan na ako ng gana makinig sa introduce yourself na 'yan. Kilalang-kilala ko na lahat ng kaklase ko. Nagsasawa na nga ako sa pagmumukha nila e.

Natapos ang buong araw na puro pagpapakilala lang. Isang oras lang naman kasi bawat subject, eh 'yung iba kong classmate ang daming sinasabi tungkol sa mga sarili nila kaya ayun nauubos ang oras.

Hindi ko alam kung gusto talaga nila i-share ang tungkol sa sarili nila o ayaw lang nila na mag discuss agad.

Ay, sure pala ako na ayaw talaga nila na mag discuss agad. Nabasa ko 'yung pinag usapan nilang lahat sa gc kagabi, kabilang na si kutong lupa.

Tumayo na ako, kinuha ko ang bag ko ay sinuot sa likod ko. Naglalakad na ako sa harapan palabas ng classroom nang tawagin ako ni Liya.

"Marou" tawag sa'kin ni Liya.

"Hmm?"

"Uuwi ka na?"

"Oo? Bakit? May dapat pa ba puntahan?"

"Hindi mo pa ba sila kakausapin?"

"Sino?"

"Sila" tinuro niya si kutong lupa at ang traydor kong kaibigan.

Magkasama sila ngayon at nag tatawanan pa, akala mo mga walang niloko e.

"Hayaan mo sila, uwi na tayo." mas lalo akong nainis nung nakita may pahawak-hawak pa si traydor sa braso ni kutong lupa.

"First day of school ngayon, hindi mo man lang ba lalapitan o papatawarin si--"

"Bakit ko sila lalapitan? Ako ba ang nanloko?" pinutol ko siya, natahimik siya.

Naglakad na ako palabas, sumunod naman siya sa'kin. Matapos ang mahabang katahimikan nagsalita ulit siya.

"Marou" sa boses niya pa lang halatang mangungulit na naman siya.

"Oh?" tamad na sagot ko.

"Second chance?" pagmamakaawa ni Liya. Hinawakan niya pa ang kamay ko.

Huminga ako nang malalim bago ako sumagot.

"Hindi ako naniniwala sa second chance"

Tanga na lang ang maniwala doon.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play