"Hanap"
Tayo lng ba
Kasi alam mo may hinahanap akong iba
Na gustong makita nang aking mga mata
Hindi kona sasabihin kung sino sya
Alam mo nag ka gusto ako sakanya
Tapos sa huli nalaman kong manhid naman pala
Ano pang kwenta na gusto ko siya
Kung iba naman ang tinitingnan niya
Alam mo naman kung sino siya
No need nang banggitin ang pangalan niya
Hindi ko man ito masabi sakanya
Atleast alam nang iba
"Limot"
Iniignore kita pero hindi ibig sabihin akoy nakalimot na
Ang aking nadaramang hindi maipinta
Dito lamang makikita
Sa puso kong pinipilit na wag kang makasama
Sana hindi mo ito mabasa
Kasi dito ko sasabihin ang aking nadarama
Na sanay malimot kona
Ang pag tingin na diko pinapakita
Nakakahiya lang kasi talaga
Lalo na kanina
Gusto ko sanang pag selosin ka
Sa huli ikaw ay tumawa
Sa aking pag kaloka loka
"Masakit"
Alam mo kuya minsan nakakayamot ka
Alam mo namang ayaw ko syang makita
Pero ikaw sa kabilang banda
Ay lagi siyang kasama
Na para bang nananadya ka
Kasi iyong nakikita
Na iniiwasan ko siya
At ako ay susuko na
Lagi mo saking sinasabi na "bahala ka na"
Pero sa pinaka huli di mo ako kinakaya
At bumibigay ka
Yun nga lang huli na
Dahil sa iyong pagsuporta
Hindi mo inakalang may nasasaktan na
At ako iyon kuya
Kasi pinipilit ko talagang malimutan siya
Habang ikaw pinipilit mo na kami ay mag sama
Dahil sabi nga nila
Sabi ninyo kuya
Na bagay kaming dalawa
"Kaibigan"
Gusto kong ipaalam sayo
Sa sulat na ito
Kung gaano kita kagusto
At kung paano nila sinasabi na bagay tayo
Kahit alam ko
Na masasaktan lang ako
Dahil ako lang ang may gusto
Sa isang manhid na gaya mo
Ang totoo
Ayaw ko talagang malaman mo ito
Itong na darama ko
Habang ang tingin mo sakin ay kaibigan mo
Kasi natatakot ako
Na iwasan mo ko
Sa oras na malaman mo
Na may gusto pala ako sayo
"Waiting"
Ilang tula naba ang nagawa ko
Para lang sa isang manhid na gaya mo
Aamin na sana ako
Ngunit tumawa ka lang nung nalaman mo
Na may gusto ako sayo
Tanong mo "joke ba to?"
Syempre dahil hindi mo alam ang isasagot at sasabihin mo Iniwasan mo ko
Habang ako
Nag hihintay lang nang reply mo
Umaasa na magiging tayo
Sa oras na sinagot mo ako
"Tula"
Gumagawa ako nang tula
Habang nakatulala
Iniisip ano ba ako sayo sinta
Kaibigan lang ba
Kasi tumitingin ka sa iba
Habang ako dito umaasa
At tinatanggihan yung iba
Dahil mahal kita
Sa huli nalaman kong gusto mo siya
Yung taong nag sasabing boto daw siya sa ating dalawa
Itong kaibigan ko pala
Ang iyong sinisinta
Bakit kasi ganto ka
Nag papaasa
Akala ko ako na
Yun pala iba
Alam mo namang gusto kita
Pero bakit ganon umaarte kang hindi mo maalala
Ang aking pag amin nung tayoy mga bata pa
Kaya ngayon oras na
Para isuko ka
Isuko lahat nang mga ala ala
Na pinag samahan nating dalawa
Noong tayoy mga bata pa
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments
Unknown
hala bat ganun may mga sinta sinta hala🥲🥲🥲
nu ba tong ginawa ko dati🙂
2023-08-04
0