Chapter 5

"mukha kang na-rape" unang bungad ng katabi ko kaya sinimangutan ko sya. Nagsisidatingan na rin ang iba naming kaklase dahil pasado 12:00PM na rin at nakatunganga lang ako rito magdamag buong oras.

"May ipapakita ako sayo" tsaka ko kinuha ang librong walang pamagat sa bag at nilagay sa table niya, taas kilay niya lang akong tinignan kaya sinenyasan ko syang tignan ang loob.

"Oh? Ang ganda naman, ikaw nagdrawing nito? Hindi ko alam may talent ka pala sa pag dradrawing."

"Aishh! Hindi ako ang nagdrawing niyan! Eh kasi kahapon wala naman nakalagay dito oh!" Ako sabay turo sa larawan ng buong bukid nila lola Emilla at lolo Dante

"Oh? Edi sino?"

"Hindi ko nga alam eh, piling ko nagdedeliryo na ako. Alam mo bang napunta ako sa kakaibang lugar kanina? Alam kong mahigit isang oras ako nagstay doon, akala ko nga late na ako tapos pagbalik ko tatlong minuto lang pala ako nawala? Tapos ayan! May guhit na ng mga nangyari sakin kanina dyan." Mahaba kong paliwanag

"Alam mo Czarina, hindi rin kasi maganda ang palagian mong pagbabasa ng kung ano anong libro. Katulad niyan, masyado ka ng kinain ng sistema pati utak mo nadamay." Iiling iling niyang tapik sa balikat ko

"P-pero hindi ko iyun guniguni..." mahina kong pahayag

"Just quit reading, ipahinga mo muna yang isip mo kahit isang linggo. Believe me, it just your all imagination"

Nanlulumo akong umayos ng upo at hinilot ang sintido, sumakit na naman ang ulo ko. Maybe she's right, kakabasa ko rin ito ng mga fantasy and mystery kaya kung ano-ano na lang ang nakikita ko.

Nagsimula na ang klase at doon ko na lang tinuon ang atensyon, much better kasi naaaliw ako sa mga topic and almost forgot what happened earlier.

.

***

"C'mon sabay tayo kumain sa labas, 1 hour pa naman ang vacant natin." Sabay hila nito sakin, until now hindi ko pa rin alam pangalan niya.

"Hindi pa ako nakakapag-withdraw."

"It's ok, ako na bahala" Kindat niya sakin tsaka ako hinila palabas.

Nang makarating sa mall ay dumeretso muna kami sa ATM machine para makapag-withdraw, nakakahiya naman kung kakain ako tapos walang pambayad.

Pumunta kami sa food court at sya na ang nag order habang ako naghahanap ng bakanteng lamesa.

.

Cza...  ri...  na...

.

Lumingon ako sa paligid kung may natawag ba sakin.

.

Cza...  ri...  na...

.

Tinignan ko ang pwesto kung saan nakapila ang kasama ko, hindi naman siya ang tumawag?

Matapos niyang makapag order ay nagsimula na rin kaming kumain. Wala na rin yung kakaibang tinig na tumatawag sa pangalan ko.

"Hmm Czarina pwede ba ako mag overnight sa bahay mo?" Napaismid ako agad sa sinabi niya kaya dali-dali akong lumunok ng juice.

"Why?" Taas kilay kong tanong

"You know gusto ko sana magkaroon tayo ng bonding, to know each other." nakapalumbaba at ngiti nito sakin, never pa akong nakapag-imbita ng ibang tao sa bahay ko aside from Dad.

"Sorry pero pupunta ako bukas sa bahay ng grandparents ko." Sagot ko na lang

"Ay? Ganun ba, sayang naman." Malungkot nitong tugon, actually hindi talaga ako pupunta kina mamita bukas kahit pa na walang pasok dahil sabado. Palusot ko lang yun para hindi na mamilit itong kaharap ko.

Hindi naman sa hindi ko sya pinagkakatiwalaan kahit sya lang ang bukod tanging sumasama sa akin kahit hindi ko pinapansin, mas gusto ko kasi na ako lang mag-isa. I can do whatever i want ng walang matang nakatitig, gusto ko rin kasi ng tahimik at walang maingay knowing na itong kasama ko, jeez! Napakadaldal.

After namin kumain ay bumalik na kami ng school, ako na rin nagbayad ng pamasahe para wala na akong utang na loob sa kanya. Mabilis lang din lumipas ang oras at tapos na ang buong klase namin.

"Gotta go Czarina!"

"You have a date with Calli?"

"Hindi rin ako makatanggi kasi nandyan na sya sa labas, susunduin ako." kinikilig nitong pahayag sabay labas ng kumekerengkeng. I just rolled my eyes.

Lumabas na rin ako at sumakay ng tricycle, nararamdaman ko na ang antok. Para akong exhausted ngayon.

Pagkauwi ng bahay ay dumeretso ako agad sa couch sabay higa. Muli kong siniyasat ang librong walang pamagat at tinignan ang buong bukid sa larawan, ipinadaan ko ang daliri rito at napangiti. Mukha syang naprint lang, ipinatong ko na ito sa gilid at pumikit, i need to rest.

.

***

"Bakit kinakabahan ako?" Tanong ko sa sarili habang nakatayo sa labas ng bahay, I'm wearing a white sleeveless dress.

Hindi ko inaasahang may balak pa akong bumalik sa lugar na iyun! Lately ko kasi napapanaginipan ang mahiwagang puno maging ang kakaibang tinig na iyun ay naririnig ko. Para bang may tumutulak saking bumalik sa lugar na iyun kaya ito ako sa labas ng bahay, hawak hawak ang libro habang nagdadalawang isip.

Namalayan ko na lang na dinala na ako ng mga paa ko sa nakakatakot na gubat, muling humangin ng malamig na nakapagpasayaw sa nakalugay kong buhok. Nang nasa bungad na ako ng kagubatan ay walang pag aatubili akong pumasok hanggang sa makarating sa gitna ng gubat. Sinalubong ako ng punong mahiwaga at liwanag galing sa mga alitaptap na nakapaligid dito.

"Nandito ka na Czarina, aatras ka pa ba?" pahayag ko sa sarili

Dahan dahan akong humakbang sa daan papunta sa nakasisilaw na liwanag.

.

Pagmulat ko ng mata ay ang pamilyar na lugar ang sumalubong sakin, nagbago na rin ang suot kong damit. Yung dati kong suot sa unang tungtong ko rito ay suot ko pa rin. Bumaba ako ng burol para puntahan si lola Emilla sa poultry farm.

"Kamusta ang paglilibot iha?" Bati nito sakin

"Ok lang naman po lola, naenjoy ko naman ang mga tanawin." Sabi ko na lang, inaya na niya akong pumasok dahil hapon na rin.

Tumingin ako sa paligid ng nakakunot noo, wierd. Akala ko lumipas na ang isang araw dito katulad kahapon?  Inaasahan ko ring magtatanong si lola Emilla kung saan ako nagpunta? Parang ito pa rin yung araw at oras na nakilala ko sila.

"Magluluto ako ng ihaw na isda at mag-gugulay, ayos lang ba sayo iyun iha?" Tanong ni Lola Emilla pag pasok namin sa kubo

"Don't worry lola, kumakain ako ng kahit ano." napapailing namang tumango sya at tumalikod. Why?

Pumunta ako sa kanilang bintana at pinagmasdan ang paligid, lumulubog na ang araw siguro 6PM na sa kanila rito? Teka ano ba ang basehan ng orasan nila rito?

"Lola Emilla? Anong oras na sa tingin niyo po?" kagat labi kong tanong nang makapunta sa kusina nila

"Palubog na rin naman ang araw, sa likod iha makikita mo roon ang orasan."

Pumunta ako sa likod dahil gusto ko makita kung anong bagay ang ginagamit nila para malaman ang oras.

"Oh! It's a shadow clock!" gulat kong sabi

"Ikaw talaga na bata ka hindi ko alam kung anong wika ang sinasabi mo." natatawang sabi ni lola Emilla

"Pasensya na po hehe" sino ba namang hindi magugulat kung makikita mo ang shadow clock na gamit nila rito ay isang malaking poste! Akala ko maliit lang tulad ng mga nakikita ko sa internet.

Tinawag na kami ni lola Emilla sa sala, inilagay niya ang tatlong inihaw na isda at ginisang gulay sa lamesa.

"Hindi po kayo nagkakanin?" Tanong ko sa kanila ng makaupo

"Naku pasensya na iha, mahal ang presyo ng bigas ngayon at hindi rin ganun kalaki ang kita namin dito sa bukid." lolo Dante

"Magkano po ba ang presyo ng bigas dito?"

Nacucurious din kasi ako kung paano ang takbo ng pera sa mundong ito.

"May kanya kanyang presyo ang bawat alaga namin dito, para sa baboy, tupa, baka at kalabaw ay dalawa pilak, sa kabayo naman ay tatlong pilak." Paliwanag ni lolo Dante

"Eh sa mga manok po?"

"Sa mga manok naman ang pinakamababang presyo iha, isang tanso para sa sampong manok." Si lola Emilla

"Magkano po ba ang presyo ng kaban ng bigas?"

"Ang isang kaban ng bigas ay nagkakahalaga ng tatlong ginto iha. Ang labindalawang pilak ay kapalit ng isang ginto at para naman sa tanso ay kinakailangan ng dalawampu para sa isang ginto. Kaya wala kaming bigas dahil sapat na para sa amin ang perang kinikita, may mga pananim pa naman kaming gulay at prutas sa bakuran. Nagpapadala rin kasi kami ng tulong sa anak namin sa bayan para may pang tustos sila roon ng kanyang asawa't mga anak." Litanya ni lola Emilla

Napakagarbo naman ng pera nila rito, ginto para lang sa bigas? Napakalaki ng palitan nila. Kawawa ang mga kapos palad kung ganoon, anong mabibili nila sa tanso? Siguro naman may mga prutas at gulay pa na ang halaga ay nasa tanso lang.

"Nga pala iha pupunta kami bukas ni lola Emilla mo sa bayan ng Epithamia, kailangan na naming mabenta ang mga manok para may malikom muli." Saad ni lolo Dante

"Epithamia?" Tanong ko habang pinapapak ang gulay, ang sarap ng pagkain nila rito infairness~

"Oo iha, napakasagana ng bayan na iyun kaya kahit malayo ay lalakbayin namin, dahil doon laman ang malaking palitan ng mga produkto."

"Ibig sabihin mabibisita niyo rin ang mga anak pati mga apo niyo?" walang muwang kong tanong

"Hindi iha, sa kabilang bayan namamalagi ang anak ko, sa bayan ng Akrin." Gaano kaya kalayo ang sibilisasyon ng bawat isa dito?

"Gusto mo bang sumama? Wala kang makakasama rito sa bahay iha dahil limang araw kaming mawawala. Dalawang araw kasi ang paglalakbay papunta sa Epithamia pagkatapos ay  magpapahinga kami ng isang araw doon at dalawang araw muli pabalik dito sa atin." Paliwanag ni lola Emilla, Epithamia? Sounds so enchantic.

"Sige po ayaw ko rin naman mabored dito." Kibit balikat kong sagot, sabay nalang din silang napailing sa turan ko.

Medyo nauunawaan ko na ang sitwasyon ko dito, medyo lang naman. Wala silang salitang Ingles dito, kaya pala hindi nila naiintindihan ang mga sinasabi ko.

Pagkatapos naming kumain ay iginayak nila ako sa isang kwarto, kwarto daw ito noon ng kanilang anak kaya dito muna ako makikitulog. Malinis naman sya at hindi maalikabok, humilata na ako sa kama at tulalang tumitig sa kisame. Tama bang dito muna ako magpalipas ng gabi? Maaga pa daw kami aalis bukas.

But on the other side, I feel something excitement, a tickle inside me. It's like I am looking forward for some magical experience in this world.

.

.

.

.

.

\*\*\*

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play