02

...Zianna's POV:...

Hi guys first of all I need to introduce myself but wait... ehem... My name is Zianna Dyvonne Nuevas and kasama ko ang mga kaibigan ko ngayon sa RELM's Mall na pagmamayari ng Daddy ni Amber.

At ewan ko lang sa babae na ito kung bakit na lang siya nagyaya na pumunta sa Mall nila. Siguro para bumili ng bagong school supplies in fact two weeks pa lang kami doon sa Moran Int. High dahil sa parati kaming na e-expelled sa ibang school dahil sa ginagawa namin.

"So what are we doing here, Am?" Tanong ni Alyanna and thank god straight english na yun hindi na conyo. Kaloka sakit sa bangs si Yanna kapag conyo kakairita na minsan eh pero nasanay na rin ako sa babae na 'to. Tsaka dyan lumalabas ang mga mean side niya kapag conyo is active.

"Shop a new stuff." Maikling sabi ni Amber tsaka naglakad na papunta sa Cañon's Book Store and yes sakanila yan. Kaya pwede kaming kumuha na kahit ano na gusto namin kahit sobrang mahal pa yan.

Pagpasok pa lang namin doon ay binati kami agad ng mga sales lady dahil sa kilala na nila kami at parati kami nandito noon bakasyon.

"Good day Ma'am." Sabi nila sabay baw ngumiti lang si Amber tsaka pumunta sa may mga Note's station. (Ps. gawa-gawa ko lang yung mga station ng book store *peace sign* sorry po✌ ni hindi pa ako naka punta dun so sorry talaga)

Si Yanna naman pumunta sa book station si Elly naman nasa Art's station. Wala akong pwedeng puntahan kaya sumunod na lang ako kay Elly sa Art's station. Ng maka rating ako doon parang naka feel ako ng bored kaya napag-isipan ko na pumunta sa Dyvonne's Shop pero syempre sinabihan ko muna si Elly bago umalis ng tuloyan.

"Elly punta muna ako sa shop kita-kits na lang tayo sa restaurant niyo ha." Sabi ko sabay beso sa pisngi niya tsaka naglakad na papunta sa Shop ni Mommy. Actually nandito lang sa mall na 'to ang mga shop's ng mga parent's namin.

Tita Coleen and Tito Kyle owns the Flare's Restaurant which is Elly parents and Tita Yvie and Tito Clyde owns the Al's Hotel and Chase Company which is Yanna parents while Zielle and Dylan owns this Dyvonne's Shop and Nuevas International High and that's my parents. Well as for Amber, Tito Raever and Tita Angelica owns RELM's Mall, Cañon Book Store and ARA's Magazine.

Ng makarating ako sa shop namin ay pumunta agad ako sa mga bagong gawa na mga summer outfit. And do I forget to tell you guys that Tita Angelica or should I say that Amber's Mom died five years ago? Well let me tell you Tita Angelica died dahil niligtas niya si Amber sa isang car accident noon and that's why nagbago ang ugali ni Amber. From being a goodgirl change to be a meangirl, and it's good to be bad *evil laugh*.

At hanggang dyan muna kasi may nakita akong white summer outfit and it looks perfect for me to wear it. Kukunin ko na sana ng bigla na lang may kamay na humawak din doon sa outfit na type ko. Napatingin naman ako sa kanya at..... O_O

Jusmiyo marimar napaka gwapong nilalang naman ito ang nasa harap ko ngayon.

"Miss alam ko na gwapo ako pero sana wag mo na lang ei pahalata ng ganyan." Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Tss gwapo nga mayabang naman.

"Grabe ang lakas ng hangin nilunok mo po ba lahat ng aircon ng mall na ito? Lakas kasi ng tupak mo eh." Sabi ko sa kanya dahilan para matawa siya ng mahina.

"Alam mo Miss ganyan naman talaga kayo mga babae eh. Pa ganyan-ganyan pa kayo nalalaman o siya cge sasabihin ko sayo kung sino ang pangalan ko, I'm Nath----." Hindi ko na siya pinatapos pa at nagsalita na ako agad.

"Hindi ko tinatanong kung sino ang pangalan mo. And please let go na to my perfect summer outfit baka kasi madumihan ng kamay mo naka hawak dyan." I said then pinilit na alisin yung kamay niya pero ayaw talaga eh.

"I'm sorry Miss pero nauna ako sayo." Sabi niya sabay alis ng kamay ko sa damit at hindi ako makapaniwala na mabilis niya lang nakuha yun.

Magsasalita na sana ako ng bigla niya na lang ako iniwan at pumunta sa counter tsaka niya binayadan yung damit na kinuha niya sakin.

Ng maka labas siya sa shop namin at patagong ko siya sinundan at nakita ko na binigay niya ang biniling damit sa isang babae and I think mga first year high school ang babae. Pero hindi ibig sabihin na crush ko siya kaya ko siya sinusundan. Eww wag na lang kung ganun.

"Thank you Kuya your the best." Sabi ng babae sabay yakap sa Kuya niya.

"Everything for you Evie." He said then hug back to he's sister? Kapatid niya yan?

"Kuya I need to go besides your friends are waiting for you at the restaurant and si Manong Luis nasa parking lot lang naman." Sabi ng babae na nangangalan Evie? Tama si Evie nga.

"You sure Evie? If not I can go with you and -----." Naputol ang sasabihin ng Kuya niya ng bigla na lang siya magsalita ulit.

"No Kuya kaya ko na punta ka na lang sa mga kaibigan mo." Sabi niya sabay halik sa pisngi ng Kuya niya tsaka kumaway habang naglalakad palayo.

Wala na rin siya nagawa kaya umalis na siya doon. Ako naman ay bumalik na sa book store at in time naman kasi mukhang ngayon lang sila naka labas doon. Bakit kaya?

"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong ko sa kanila tumingin naman sakin si Amber sabay taas ng isang kilay.

"Eh sa mabagal ang isang 'to eh." Aniya sabay turo kay Yanna na ngayon may hawak na dalawang paper bags that I'm pretty sure na puro mga libro ang mga laman yan.

"Libro na naman Yanna." Sabi ko sa kanya kaya inirapan niya lang ako. Abah! Problema nito at sa akin pa binuhos ang katarayan niya.

"Yeah, book is life kayo nga food eh." Saad niya samin tsaka nauna ng lumakad papunta sa restaurant nila Elly.

*******

...Amber's POV:...

Papunta pa lang kami sa restaurant nila Elly ng bigla na lang mag vibrate yung phone ko...... at si Tita Janna pala ang nagtext sakin siya yung girlfriend I mean fiancée ni Daddy they just engaged last, last, last week and I'm fine with Tita Janna she's really nice to be my StepMom.

From: Tita Janna

Hi hija you need to come here at Alth restaurant and your Dad told me you have to go right now, I'm sorry for disturbing you.

Basa ko sa text niya napatingin naman ako sa mga kaibigan ko na ngayon naglalakad papunta sa resto. Tinawag ko naman sila kaya napa lingon sila sakin na nakakunot ang noo.

"What?!" Inis na tanong ni Yanna. Tss na gutom atah kakahanap ng libro kanina o sadyang bad trip siya ngayon?

"I can't go with you guys pinapatawag ako nila Daddy at Tita Janna. Kayo na lang muna bye." Sabi ko sabay beso sa pisngi nila.

Pero nung kay Yanna na ako bebeso inirapan niya muna ako bago makipag beso sakin. Abah! Problema ng bruha na ito at sinusungitan ako ngayon?!

"Okay, mag inggat ka Amber ha." Sabi ni Elly tumango naman ako sa sinabi niya tsaka naglakad papunta parking lot ng mall na 'to.

Pagkadating ko sa parking lot ay nakita ko dun ang kotse ni Zyd yung boy bestfriend namin slash driver pfft... Naglakad ako papunta sa sasakyan niya at walang sabi-sabi na pumasok dun. Nakita ko naman ang inis sa mukha niya, abah sino naman ang hindi ma iinis sa ginawa ko? Kasi naman pumasok lang ako ng walang permiso niya. Tss bahala siya dyan parang hindi na nasanay sakin ang unggoy na 'to.

"Hindi uso kumatok bago pumasok?" Inis na sabi niya kaya pinipigilan ko lang ang sarili ko wag tumawa baka kasi magtampo kawawa naman. Pfft...

Dahil sa sinabi niya binuksan ko naman yung pinto ng kotse tsaka binaba yung bintana nito tapos nilabas yung isang kamay ko at kumatok ng tatlong beses.

Tok! Tok! Tok!

Katok ko tsaka tumingin kay Zyd na ngayon mukha pikon sakin kaya ngumiti na lang ako at nag peace sign sa kanya.

"Ang galing mo talaga Brie." Iritang sabi niya kaya natawa ako ng mahina. Siya at ang isang kaibigan namin na lalaki lang ang tumatawag sakin na Brie ewan ko ba kung bakit ganyan ang tawag nila sakin.

"Sayo lang yun ang uso, sakin hindi." Sabi ko at sinara yung pinto ng kotse tsaka yung bintana.

"Oo na lang Brie, by the way ano ginagawa mo dito sa kotse ko?" Tanong niya sakin sabay taas ng isang kilay.

"Ei ka-carnap ko siguro Zyie." Prangka na sabi ko sa kanya dahilan para sumimangot yung naka taas kilay niyang mukha.

"Nagtatanong ako ng maayos Brie." Saad niya kaya ngumisi lang ako sa kanya.

"Obvious naman Zyie eh. Hatid mo ako sa Alth restaurant right now." Sagot ko kaya naman natahimik siya.

"Ayoko nga labas na sa kotse ko." Aniya sabay tulak sakin palabas sa kotse niya. Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumigil siya kakatulak sakin.

"Ei hahatid mo ako dun o hahatid mo ako dun?" Tanong ko sa kanya kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Wala naman ako dyan mapipilian eh! Ang daya mo talaga Brie!" Nagtatampo'ng sigaw niya sakin sabay pitik sa noo ko.

"Aray ko" Saad ko ng pitikin niya ito. "Pipili ka o sasapakin kita?" Tanong ko ulit sa kanya sabay akmang sasapakin ko siya. Umusog naman siya palayo sakin tsaka nag peace sign.

"Ito naman hindi mabiro, syempre ei hahatid kita baka mapagtrippan mo pa ako eh." Sapilitan na sabi niya kaya ngumiti ako sa kanya tsaka siya tinapik sa braso niya sabay sabing.

"Good, nice answer." Sabi ko tsaka nag seatbelt at sinuot yung earphone sa tainga ko.

"Alth restaurant right?" Rinig kong tanong niya tumango naman ako sabay play ng music sa phone ko.

******

@Alth Restaurant

Bumaba si Zyd tsaka umikot papunta passenger seat tapos pinagbuksan ako ng pinto kaya bumaba na rin ako at nagpaalam sa kanya.

"Bye Zyie." Sabi ko sabay kaway sa kanya.

"Salamat sa pagpahatid Brie." Prangka na sabi niya sakin kaya natawa ako.

"Welcome Zyie." Saad ko kaya sumimangot na naman yung mukha niya kaya mas lalo ako natawa.

"Just kidding, thanks for the ride Zyie." Ani ko sabay ngiti at ngumiti na rin siya sa wakas.

"Welcome Brie, alis na ako." Paalam niya sakin tsaka ako niyakap at hinalikan sa noo ko.

"Okay Zyie inggat sa pagdra-drive." Sabi ko sa kanya tsaka ngumiti. Eh kasi naman kahit na parati siya pikon at sobrang inis sakin ang sweet niya pa rin.

"I will Brie sayo din, bye." Aniya tsaka pumasok sa kotse niya at umalis na ng tuloyan.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa luob ng resto. Pagkapasok ko dun ang hinanap ng mata ko sila Tita Janna at si Daddy tumingin ako sa may right side ng resto dun sa may pinaka last baka kasi nandun sila. At tama nga ako kasi nakita ko sila dun at may nakita rin ako na isang binata na lalaki. Lumakad ako papunta sa table nila hanggang sa nandun na nga ako mismo nakatalikod sakin yung binata na lalaki kaya hindi ko makita yung mukha niya. Napa tingin naman si Daddy sakin at ngumiti sabay tayo at pumunta sakin.

"Hi princess." Sabi niya sakin tsaka nagkiss ako sa pisngi niya sabay ngiti.

"Hey Daddy." Saad ko tsaka tumingin kay Tita Janna na ngayon naka upo lang sa upoan at nakatingin samin ni Daddy.

"Hi Tita Janna sorry I'm late." Dagdag ko tsaka lumapit sa kanya at nakipag beso sa kanya. Ngumiti naman siya sakin at umiling.

"No Am, tama lang ang dating mo." Aniya tapos tumingin sa binata na lalaki na kaharap lang niya ngayon.

Tumingin din ako sa binata at nakita ko din na naka tingin ito sakin mismo. Ngumiti siya sakin ng malapad sabay sabing.

"So siya pala yung step sister ko Mommy?" Sabi niya tsaka tumayo at lumapit sakin.

"Step sister?" Takhang tanong ko sa kanya. Tumingin naman ako kay Daddy at binigyan siya ng tingin na what-is-he-talking-about look na get's naman niya yun kaya sinabi niya sakin.

"By the way princess this is Jace anak siya ni Tita Janna mo and he's your step brother eversince na engaged na kami ng Tita mo." Page-explain niya kaya tumango-tango na lang ako tsaka tumingin sa anak ni Tita Janna na Jace daw ang pangalan.

"Hi I'm Jace Grey Collins you can call me whatever you want." He said then smiled at me. Tinignan ko siya ng mabuti muna ulo hanggang paa ko siyang sinuri bago magpakilala. At mahahalata mo sa mukha niya ang pagtataka kasi seryoso ko siyang tinignan.

"Amber Relm Cañon you can call me Am if you want" Saad ko sabay ngiti na sobrang tamis sa kanya yung hindi plastic.

Nakita ko naman nakahinga siya ng maluwag nong ngumiti ako sa kanya. And I think mabilis lang kami magkakasundo ng step brother ko na ito. Tumingin ako kay Daddy at Tita Janna at halata mo sa mukha nila ang kasiyahan dahil nagkakilala kami ng step brother ko.

"So let's eat na po?" Sabi ko kaya ngumiti sila tsaka nagsiupo na. Pumunta naman ako sa tabi ng step brother ko at talagang pinaghila pa ako ng upoan ha. What a sweet and gentleman brother he is.

"Thanks" Pagpa pasalamat ko sa kanya ngumiti naman siya sakin sabay sabing.

"No problem sis." Aniya tsaka umupo na rin kaya nagsimula na kami kumain.

**

⠀ ︵ Hi~

(''(●-●)

\ / 0

( )''

_T_/

Please don't forget to Comment and Vote readers😊♡

...Lalisa Manoban as Zianna Dyvonne Nuevas♡...

...Ps. Zydric Jassfer Shintaro as Cha Eun Woo...

To be Continued..........

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play