Feeling nya binibinta nya ang kanyang katawan. Hindi narin masama, maganda naman ang katawan ko and not to mention gwapo sya at katulad ng ibang kabataan ay sumusunod sya sa uso.
Zenon's greatest asset was his eyes. Deep set iyun at animoy laging may malalim na iniisip at binagayan pa ng makakapal at itim na itim na kilay.
But hey. kanina pa sila magkasama ng dalaga pero hindi parin nya alam ang pangalan nito.
"I don't need your money, btw what is your name." tanong nya at bumalik sa pagkaka upo sa sofa.
Yeah right! sinong hindi kailangan ng pera? ako? kailangang kailangan ko nun!
Shit!
"Lorena. Lorena Madrigal. ikaw?" sabi nito at binuksan ang beer gamit ang ngipin nito. Nabigla si Zenon pero hindi nya iyun pinahalata.
"Zenon Foxx." Maikling sagot ni Zenon at ipinikit ang kanyang mga mata.
"So ilan na edad mo? sigurado akong masmatanda ako sayo." sabi ng dalaga habang naka tingin lang kay Zenon na naka pikit parin.
"Twenty two." Sagot ko sabay mulat ng aking mata, nakita kong saglit syang natigilan dahil dun.
Napangiti naman si Zenon dahil alam nyang nagulat ang dalaga dahil hindi halatang twenty two na sya dahil mukha syang masmatanda sa twenty two dahil malaki ang kanyang pangangatawan.
"Hulaan mo kong ilan na ang edad ko." sabi ng dalaga habang kumukuha uli ng alak at binuksan nanaman iyun gamit ang ngipin nito.
Hindi man aminin ni Zenon pero napaka hot tignan ng dalaga kapag ginagawa nito ang ganun.
"Twenty one? or twenty?" Sagot ni Zenon. base kasi sa nakikita nya ay maganda ang pangangatawan ng dalaga at masasabi mong maalaga ito sa katawan.
Nabigla si Zenon sa pagtawa ng dalaga na para bang kinikiliti iyun at hindi na makahinga dahil naka hawak na ito sa tiyan at patuloy paring tumatawa.
Anong nakakatawa sa sinabi ko? hindi alam ni Zenon kong ano bang nakakatawa sa sinabi nya at natatawa parin ang dalaga-wait! lorena ang pangalan nya! dalaga ka ng dalaga eh!
"Mali." sabi ni Lorea habang may pinapahidang luha sa gilid ng mata nito at halatang pilit na hindi matawa.
"Nineteen?" patanong na sagot ni Zenon at ang sunod na sagot ng dalaga ay hindi nya inaasahan. "Actually I'm already twenty nine year old." sabi ni lorena at parang nawala na si Zenon dahil hindi nya alam kong paano naging twenty nine year old ang babaeng nasa kanyang harapan.
Hindi kaya-- "Hoy! wag mong itutuloy yang nasa isip mo, hindi ako nagpa ritoki or something. Mas marami pang mahalagang bagay na paglalaanan ko ng pera kisa ang magpa ritoki no!" pagputol ng dalaga sa kanyang balak na isipin.
Kanina pa nya nahahalata na parang nababasa nito ang iniisip nya. Napailing nalang si Zenon.
"Wala naman akong iniisip na ganun. Ikaw lang ang nag a-assume." pagsisinungaling ni Zenon at kumuha ng Beer at binuksan yun.
"Sus wala daw, halata kaya sa mukha mo." sabi ni Lorena at uminom nanaman.
Well totoo naman yun, hanggang ngayun ay hindi parin alam ni Zenon kong totoo bang twenty nine na si Lorena.
Tinitigan ni Zenon ang magandang mukha ni Lorena at ang bawat parte ng katawan nito.
****... hindi ako manyak, nagagandahan lang ako sa kanya.
"So bakit ka naglalasing?" Tanong ni Zenon ng hindi manlang nagsasalita si Lorena, kanina pa ito tahimik at ilang bote narin ng alak ang naubus nito pero tuloy-tuloy parin ito sa pag inom.
"Gago kasi yung lalaking yun eh." puno ng pait na sagot nito na para bang inaalala ang nangyari dito.
So tama talaga syang kalahi ni adan ang nanakit kay Lorena and not to mention isang syang gwapong kalahi ni adan.
"Mahal na mahal ko sya tapos iiwan nya lang ako at ipagpapalit sa iba." sabi nito habang sunod sunod na pumapatak ang luha mula sa mga mata nito.
Hindi gustong makita ni Zenon na may babaeng umiiyak ng dahil sa mga walang kwentang lalaki.
Oo, aminado syang marami syang naging babae pero alam lahat nito na gusto lang nyang maglaro at hindi nya ito seseryosohin.
Kahit kailan hindi nya gustong maka kita ng babaeng umiiyak dahil naaalala nya ang kanyang ina nung bata palang sya at nalaman nitong may ibang babae ang kanyang ama.
Dahil dun ay nagpatiwakal ang kanyang ina at simula nung araw na iyun at hindi na nya itinuring na ama ang kanyang ama.
Dahil dun ay nagpatiwakal ang kanyang ina at simula nung araw na iyun at hindi na nya itinuring na ama ang kanyang ama.
"Pagkatapos nya akong huthutan ng pera at iwan kami ng anak nya, ito pang igaganti nya saakin?!" nagulat si Zenon sa narinig nyang sinabi ni Lorena habang patuloy parin itong umiiyak.
to be continued...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 33 Episodes
Comments
LOBO
hehe
2022-03-29
0