Chapter five: Leaving

12:30

Gumising na ako at inihanda ang mga dadalhin.

Lumabas ako ng kwarto ko at naupo sa sofa.

Mayamaya ay dumating na si Xander. Naupo siya sa tabi ko at pumikit.

Sunod-sunod na din silang dumating .

5 more minutes at umalis na kami.

Nauna akong lumabas sa dorm namin.

Tumuloy lang ako sa innova na sinasabi ni daddy. Kulay itim ito at tinted ang bintana.

Inilagay ko ang pagkain sa unang row. At pumunta na sa driver's seat.

Dumukdok ako sa manibela ng kotse at pumikit. May naramdaman akong naupo sa tabi ko.

Nagising nalang ako ng may nag-ingay. That means nandyan na sila.

Pinaandar ko na ang kotse at umalis na sa academy. Tiningnan ko muna kung sino ang nasa passenger's seat. The heck?? Bakit siya??

"Xander??" Hindi makapaniwala na sambit ko.

"Hmmm" siya habang nakapikit.

"Nothing." Ako at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Sinilip ko sila sa rear view mirror at nakita kong tulog na sila.

Sandali lang sila natulog at nag-ingay ulit lalo na sina Lucky at Candy.

"Ayy tangina!!! Marunong magdrive ang kingina!!! Siya lang ang marunong ahhh!!!!" Si Candy. Tiningnan ko siya sa salamin at nagtama ang paningin namin. Hindi kaya nila alam na marunong magdrive si Xander. Hmm sa bagay 3 years na nubg huli kaming nagkita at sa pagkakaalam ko eh ayaw na niyang magdrive.

"Sheyyyt!!!! Pano magdrive!!! Gusto kong matuto!!!" Paghihiyaw naman ni Lucky.

Nakakabingi naman.

"Then I'll teach you all then." Nakangiting ani ko sa kanila.

"Good to hear. Thena. Pero kapag nandoon na tayo." Mahinahong sabi ni Liah.

"I can hire driving teachers for all of you. For us to go anywhere." Sabi ko agad. Bumaling ako sa katabi Kong tahimik. "How about you?" Tanong ko sa kaniya na ikinalingon niya sakin. Shemayyy go. Nagtama ang mata namin. Ang gwapo niya talaga. Sana ma--uhmmm. Ang swerte naman ng mapapangasawa niya.... naalala ko lang ang mga nangyari nung nakaraan.

Ngumiti siya bago sumagot. Jeez lalo siyang gumagwapo kapag ngumingiti siya. "How about me?" Tss. Slow amputa. Hanggang ngayon ba naman.

"Do you wanna know how to drive?" Tanong ko sa kaniya nang nakatuon sa kalsada ang tingin.

"If you want me to." Sagot ng hinayupak. Tsssss. Bakit? Ako ba magdedesisyon? Ako ba may hawak ng buhay niya?? Bwisettttttttttt. Parang may na alala ako. Nasabi na niya sakin yan dati eh.

Flashback

Nandito kami ngayon ni Xander sa bahay ko. Halos araw-araw naman eh. Mayaman ang pamilya niya. At halos wala sa kanila. Matagal na naming alam na kami ay mga anak ng demigod. Nasa amin siya lagi upang tumambay. Tss. May bahay naman sila.

Patuloy akong nag-iisip habang nakatingin sa mukha niya.

Nagitla ako ng tawagin niya ang pangalan ko.

"Athena, may dumi ba ang mukha ko? Kanina ka pa nakatitig eh." Saad niya. Hahahaha amg panget mo nga eh. Hahahhh.

"Wala!" Sagot ko sabay iwas ng tingin.

"Owwssss. Baka naman....." Pambibitin niya sa sasabihin niya.

"Baka naman?! Ano?!" Pagmamataray ko .

"Gusto mo ko." Namilog ang mata ko sa pagkabigla. Tss feelingero. Talaga. "Alam mo Athena. Hindi naman masamang umamin eh. Malay mo may gusto di~~" I cut him off.

"Sayo?! Gusto?! Yuckkkkkk! Mamatay na ang uwak. Halika na nga mag gala tayo." Pagkasabi ko noon ay tumayo na siya at sabay na kaming lumbas.

Sumakay na kami sa kotse ko at napansin kong tahimik lang siya.

"Woii. Gusto mo bang matutong magmaneho?Para naman kapag gumagala tayo hindi naman puro ako ang nagdadrive."sa tagal na namin kasing gumagala hindi ko pa siya nakasamang siya ang nagdadrive.

"If you want me to. "

End of flashback

Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho at dumating na kami sa mabahay na lugar. May kumalabit sakin at tiningnan ko ito sa may salamin. Nakita ko ito pala ay si Liah.

"What?" Tanong ko dahil sa kinalabit niya ako.

"Kain ka oh. Masarap." Pag-aalok niya sakin ng pagkain. Sandwich iyon tapos cake. Kinuha ko iyong sandwich at kinain. After kong kainin iyon ay inabutan ako ni Xander ng inumin.

Patagal ng patagal ay dumarami narin ang mga bagay.

Medyo kabisado ko narin naman na itong lugar na ito. Napabilis na din ang pagpunta sa city.

Actually hindi kami sa city pupunta. Sa probinsya.

Nalagpasan na namin ang city nayun at malapit narin kami sa bahay namin....ayyyy....bahay ko pala.

Wala pang 20 minutes eh nakarating na kami sa bahay ko. Pinabuksan ko kay Xander ying gate at pinasok na ang kotse.

Tang*na.

Kakababa palang nila eh. Ang iingay na. Buti nalang itong Xander na ito eh tahimik.

"Ayyy potaena. Ang ganda ng bahay ahh. Sana alllllllll." Malakas na sigaw ni Candy. Hayssst kahit kelan talaga.

"Candy. Don't say bad words." Mahinahong utos ni Liah.

Iginya ko na sila sa loob at pinaupo sa sofa.

I miss this place.

May tumayo sa kanila at umakyat sa taas.

(a/n: malamang. Tangang toh. Angalan namang umakyat pababa.)

Your too intervining. Pabayaan mo nga ako. Sinundan ko ito ng tingin at nakita ko si Xander papunta sa dati niyang tinutulugan dito sa bahay.

Tumingin ako sa orasan.

6:54

Magluluto muna ako. Pagpalahingahin ko muna sila.

Tumayo na ako at nagtungo sa kusina. Kinuha ko na ang mga kakailanganin ko sa ref. May mga stock pa naman ako kaya pede na akong magluto.

Kumuha ako ng baboy, sibuyas, bawang at toyo.

Trip ko lang magluto ng adobo kahit di ko alam kung paano hehehe.

Mayamaya ay natapos narin akong magluto. Umakyat muna ako sa taas at kumatok sa pinasukan ni Xander.

Isa

Dalawa

Tatlo .

Walang sumagot.

Hinawakan ko ang doorknob at pinihit. Buti nalang at bukas ito.

Nakita ko siyang nakahilata sa higaan niya noon.

Lumapit ako sa kaniya at tinitigan ang mukha niya habang nakaupo sa gawing paanan ng kama. .

Tagal na simula noong huli kitang nakita. sana ikaw nalang. ang gwapo mo pa rin. saan kaba pinaglihi ng mama mo ha? Sana hindi ka parin nagbabago. sana maalala mo pa rin ako. ikaw parin naman kasi eh. ahahaha. ang kinis talaga ng muka mo. itong mukang toh. ang mukang pinagsasampal ko noon. mukang namumula na dahil sa hapdi.

Bumalik ako sa katotohanan ng magsalita si Xander. Nagulat ako syempre dahil kung saan-saan umabot ang isipan ko. "tapos ka na bang pagmasdan ang muka ko?" sabi niya habang nakapikit. napansin kong may tumulo na luha sa pisngi ko kaya tumalikod ako sa kaniya at pinunasan ang luha. grabe ang drama ko.

"umiiyak kaba--" hindi pa nalalagyan ng question mark ay pinutol ko na agad ang sasabihin niya.

"Is there any problem para umiyak ako?" tanong ko tapos humarap ako sa kaniya. wrong move Thena konti nalang at malapit ng maglapat ang aming mga labi.

Tumayo ako kagad para umiwas. "get your *** up cause the food is ready." saad ko at lumabas na sa kwarto.

sshemayy muntikan na ko doon. kaasar na man. sa susunod kokontakin ko muna yung mga nerve niya para masiguro kong tulog siya.

Candy's POV

Nakarating na kami sa napakagandng bahay ng aming napakagandang lider. nakaupo kani sa soa habang nanonood ng tv ng biglang tumayo si Thena at dumeretso sa kusina niya. magluluto siguro.

(a/n: anong gusto mong gawin don ng lider niyo. Maligo? ito rin eh... may pagkasaltik.)

Tumahimik ka nalang dyan at pagandahin ang sinasabi ko. mayamaya pa ay pabalik na siya. umakyat siya sa kwarto na pinasukan ni Xander kanina.

"Ano kayang gagawin niya don?" tanong ko sa isip ko.

"Ewan. Siguro aayain ng kumain o gigisingin niya." sagot naman ni Ivy what the???? sumagot si Ivy?

syete parang hindi ko sa isip ko sinabi yun. kainis naman

"Baka naman... Pagagalitan siya ni Thena dahil biglabigla nalang siyang pumasok sa kwarto eh ala pa naman siyang sinasabi. Eto naman kasing si Xander. Feel at home lang ang peg." Sabat naman ni Chase.

"Oh baka...." Pabitin ni Lucky habang nakangiti ng nakakaasar.

"Baka naman...alam niyo na.... Yung ano.... Yung ginagawa ng mag on... Ang swerte talaga ni Xa~~" bago paman niya matapos ang sasabihin niya ay pinutol ko na.

"Siraulo! Napakabano mo! Sa tingin mo ba ay gagawin ni Thena yun?! Lumayas ka dito kung pag-iisipan mo ng masama si Thena! Dun ka! Tsupeee!!!" Sabi ko habang may patulak effect pa.

"Etoh naman di mabiro. Syempre masungit si--joke lang"  pagbawi niya ng sinamaan ko siya ng tingin.

"Tumahimik na kayo nandyan na si thena." Pagbawal samin ni Liah.

"So... The food is ready. Let's eat?" Tanong ni Thena matapos niyang bumaba.

Tumango lang kaming lahat at dumeretso na sa kusina.

Nakalatag na sa lamesa ang adobo na niluto niya.

"Hmmm. Mukang masarap ah?  Tanong ni Lucky sabay amoy sa ulam.

"Abnoy ka ba? Kita kong pagkain yan tapos isasawsaw mo yang kadiri mong ilong!" Sigaw ko sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Sino kadiri? And for your information hindi ko isina--" hindi pa man nakakatapos sa sasabihin itong si Lucky ay pinutol na ito ng lider naming maganda. Lagot. Mukang galit siya ihhhhh.

"Shut up you two."

Ayun. Tumigil na kami at nagsimula ng kumain.

Habang kumakain kami ay pinag-uusapan narin namin ang mangyayari sa school na papasukan namin.

"Mag-eenroll na tayo bukas sa

Acasia Misigh. Tapos sa makalawa nalang tayo pumasok." Si Xander yan. Kahit tahimik ang kinginang yan hindi yan pipe.

"Paano ang mga papeles na kakailanganin natin?" May curiosity kong tanong. Ano ba kasi yun? Papasok kami ng walang background info?

"I can use my ability to them." Sagot ni Athena. Kaya ayun nga natapos na kaming kumain. Si Ivy na ang nagligpit ng pinagkainan.

Isa-isa narin kaming pumasok sa kwarto na sinabi samin ni lider kanina.

Hinagis ko ang katawan ko sa higaan namin. WTF?? Namin?? Hala... Lagot ako kay Liah. Oo si Liah ang katabi ko. Paktay.

"Candy! Magdahan-dahan ka naman. May nakahiga dito oh." Galit na sabi sakin ni Liah. Ihhh sowry.

Nag peace sign ako sa kaniya hegeheh.

1657

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play