Episode 2

Episode 2~

Natulala na lamang sa kawalan si kath. Halos mabaliw na sya sa dami ng tanong na umiikot sa utak nya. Kung ano ano ang kanyang naiisip at nararamdaman. Nagagalit sya at nalulungkot sa iisang minuto. (* Mixed feelings.)

Pano na ang kanilang pag-iibigan?

Ganto na lamang ba ito matatapos?

Sumulat ng ilang daang liham si kath. Ngunit, niisa sa nga ito ay hindi sinulatan pabalik ni celes.

Mistulang, parang di na nila kilala ang isa't isa. Hindi man ito pinapakita ni celes, ngunit sya ay labis na nalulungkot dahil sa kanyang ginawa. Pero alam nyang huli na ang lahat kaya hindi na nya pa sinubukang kausapin si kath. Ang hindi alam ni celes, ay ganoon din ang akala ni kath.

《Pagkatapos ng 3 taon, desyembre 2,

1975》

Nabalitan ng lahat at pati ni celes na si kath ay nagkaroon ng malubhang sakit na nakamamatay. Naging biktima si kath ng sakit na dumadayo tuwing malamig ang panahon. Madami na ang mga nabibiktima ng sakit na ito. Ngunit hanggang ngayon, hindi padin alam ng mga tao ang eksaktong dahilan kung paano nahawa ang iba. Labis na ikinalungkot ito at nagsisi si celes. Nagtatalo ang isip at puso ni celes. Hindi sya mapakali. Susundin ba niya ang nais ng kanyang puso at bibisitahin nya si kath o mananaig ang isip nya at mananatili na lamang syang tahimik?

Sa wakas, nakapag-desisyon na si celes. Hinayaan nyan manaig ang kanyang puso.

Hinanap nya si kath at plinanong bisitahin ito. Nahanap na ni celes ang bahay ng kaniyang minamahal. (Lumipat kasi ng bahay si kath kasi na-broken hearted hshshshs)

'Tok, tok, tok' tunog ng pagkatok ni celes ng tatlong beses sa pintuan ng bahay ni kath. (Kahit aq yung nagsusulat pati aq kinakabahan HAHAHAHA)

'........' nanatili ang katahimikan dahil walang sumagot.

Naghintay ng ilan pang minuto si celes at muling kumatok.

'Tok, tok' tunog ng pagkatok nya.

"Ehem ehem, ugh, saglit lamang" *umabot sa mga ulap ang pag-asa ni celes ng marinig nya ang boses ni kath, ngunit rinig mo sa kanyang boses na malala ang kanyang kalagayan. (*Meaning umaasa padin sya sa love nila👽)

Nagulat si kath ng makita nya si celes sa pinto ng kanyang bahay.

"C-celes?! Anong ginagawa mo dito?!" -k

"Binibisita lamang kita kath, sapagkat nabalitaan ko na ikaw ay may malubhang sakit."

"Paano k-kung makita tayo ng iba?! O ni roberto?! Parang awa mo na celes! Wag mo na ako gambalain at umalis ka na!" -k

Sinarado ni kath ng malakas ang pinto at hindi ito binuksan kahit ilang beses pa man kumatok si celes.

Lumipas ang ilang oras at gabi na.

Pagbukas ni kath ng pinto, laking gulat nya at nakita nya si celes na nakatulog na sa pagiintay nya na buksan ni kath ang pinto. Mukha itong pagod at nahihirapang matulog ng nakasandal lamang sa isang kahoy na upuan. Mistilang, gumuho ang mataas na pader na naghihiwalay sa kanilang dalawa. Naawa si kath kay celes kaya ipinasok nya ito sa kanyang tahanan at pinatulog sa kama na malambot.

Mapapatawad ba ni kath si celes? Matutuloy pa ba ang kanilang pag-iibigan o ito ay mapupunta nalang sa wala?

《End of Ep. 2》

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play