WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO (Tagalog)
Chapter 1
Kate/Sandra
Ano ba kasi ang pumasok sa kokote mo at nilapitan mo ang lalaking 'yon, anak?
Halos ininsulto niya ang pagkatao ko!
Nakakabadtrip siya ha?! At nakakabadtrip ka rin!
Michael
Mama, sorry na po. G-gusto ko lang magkaroon ng papa.
Naiinggit kasi ako sa mga kaklase ko, lagi nila akong inaasar.
Actually, he's 7 years old at nasa grade 2 na siya.
16 years old ako nung nabuntis ako, kaya gano'n na lamang ang panghuhusga sa akin ng mga kapitbahay namin.
Pero wala akong pinagsisihan sa ginawa ko, dahil alam kong nagmahal lang ako.
At yung pagmamahal ko, nagbunga ng isang makulit at madaldal na Michael.
Kate/Sandra
Baby, kahit wala kang papa. Nandito naman si mama diba? Pwede mo ako maging mama at papa.
Michael
But I want papa. Bakit ba kasi, hindi ka nag-ayos kanina, mama?
Kate/Sandra
Anak naman, tuwing gabi lang ako nag-aayos. At mabuti na rin 'yon noh, at least, nalaman ko na lahat ng lalaki, habol lang ay maganda.
Tsk. Manang daw!
Naramdaman ko naman ang pagyakap ng baby boy ko sa aking legs na tila naglalambing.
Michael
Sabagay mama, tama ka po. Medyo bad nga si kuyang pogi. Pero bagay po kayo mama.
Kate/Sandra
Alam mo Michael, wala ka pang alam sa love. Kaya 'wag mong sabihin na bagay kami. Kinikilabutan ako.
Michael
Ano ba kasi ang gusto mo sa lalaki, mama?
Kate/Sandra
Mabait, marespeto at may mabuting kalooban. 'Yon ang gusto ko. Pero sa ngayon, hindi ko muna 'yan kailangan. Dahil para sa akin, masaya na ako na nandyan ka.
Simple lang ang buhay namin ng anak ko
Hindi kami mayaman dahil nakatira lang kami sa maliit na bahay.
At matapos naming maglambingan, pinatulog ko na si Michael.
Malapit na kasing sumapit ang gabi kaya kailangan ko ng mag-ayos.
Gabi-gabi kasi ang trabaho ko sa sikat na club.
Hindi ako pokpok, dahil waitress lang ako do'n.
And besides, kailangan ko lang magpaganda para magkaroon ako ng tip sa mga lalaking makakausap ko.
Nilagay ko ang contact lens at kinulot ko ang aking buhok. Nag-apply na rin ako ng make-up. Kasabay no'n, sinuot ko na ang fit kong damit at sandal.
Bago ako umalis ng bahay, hinalikan ko muna sa noo si Michael.
Siya kasi ang nagpapalakas ng loob ko para gawin 'to.
___
Huminga ako ng malalim bago tumungo sa club.
This is it!
Madami na agad na customer.
Balita ko, mga bigatin ang pupunta ngayong gabi. Kaya sana, swertehin naman ako dahil masyado ng malaki ang utang ko.
Celine
Bilisan mo na ang kilos mo, Kate. Ikaw ang naka-assign sa table ni Sir David.
Galingan mo ha? Dahil CEO 'yon ng company. So be friendly.
Kate/Sandra
Sige. Akong bahala.
Tinuro niya ang pwesto ng binatang tinutukoy niya kaya kaagad akong naglakad do'n.
Nakatalikod ang lalaki, at sa tingin ko, gwapo siya dahil likuran palang, matikas na ang pangangatawan
Kate/Sandra
Good evening Sir. Eto yung wine na inorder niyo.
Unti-unti namang napalingon ang tao dahilan para manliit ang mata ko.
Ta-ta-tangina!
Yung lalaking tumawag sa akin ng Manang, siya ang ite-table ko?!
What the ****?!
Comments
Alre
chapter two
2023-11-16
0