Pagdating ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko at nagpahinga. I don't even remember how I fell asleep sa sobrang pagod ko.
"Anak, wake up."
"Hmm."
"Kakain na. Alexa, gising na."
"Hmm. Five minutes, Ma." Kinapa ko ang unan sa tabi ko at ipinatong sa mukha ko.
"Isa. Hindi ka babangon?" I could sense threat in my mother's voice-a sign for me to really get up.
Napakamot ako sa inis. "Okay, fine!" Bigla akong bumangon.
Tiningnan ko ang orasan. Eight o'clock na pala ng
gabi. Tatlong oras akong nakatulog?
Lumabas na si Mama sa kwarto ko, pero tumigil ito malapit sa pinto at lumingon sa akin.
"Bumaba ka na diyan. At saka nga pala-"
Tumayo ako. "Ma, oo na. Sige na. Baba na po." Hindi ko na pinatapos si Mama sa sasabihin niya. Sinarado ko muna ang pinto at naghikab.
Hinanap ko muna ang cellphone ko. Nasaan na
ba 'yon?
"Alexa!" Sigaw ni Mama sa baba. "Jeez, I'm coming!" I shouted back.
Mamaya ko na nga lang hahanapin ang cellphone ko.
Nagmartsa ako pababa sa hagdan. Dire-diretso ako sa kusina, pero laking gulat ko sa tumambad sa akin. "Tss." liling-iling pa ang lalaki na nakaupo sa dining
table namin.
"O, anak, we invited your Tita Imelda and Benji for dinner," nakangiting sinabi ng Mama ko.
Sanay ako na nandito si Tita Imelda palagi. Madalas din siya kumain dito sa amin. Close talaga sila ng Mama ko simula pagkabata, pero ang nakakagulat e ang anak niya na si Benjamin Cooper III. Ano'ng ginagawa nito dito?
I heard him chuckle
Pinandilatan ko siya ng mata. "Ano'ng problema mo? I mouthed. Buti na lang at abala na sa pag-uusap ang parents ko at ang mama niya. Kaya hindi nila napansin ang silent war na namamagitan sa amin.
"Ikaw," sagot niya, sabay turo sa akin. Hindi ko na siya pinansin at umupo na lang ako sa tapat niya.
O, anak! Ay! Diyos ko po," gulat na sinabi ni Papa...
Napansin ko ring nagulat sina Mama at Tita Imelda.
"Yes, Pa² I'm hungry. Kain na po tayo. Tita, kain na po. Sinimulan ko nang sumubo ng pagkain. Napansin ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sila sa akin. Natigilan ako sa pagkain at tumingin din sa kanila.
"Yes?" I asked lazily. Iling lang ang sinagot nila at kumain na rin.
Sina Mama at Papa, nagtinginan lang Ano bang nangyayari sa kanila? Samantalang si yabang e pulang-pula sa kakapigil ng tawa.He looked constipated.
Hindi ko na lang sila pinansin at itinuloy ang pagkain.
Busy kasi sila sa kwentuhan. Syempre, pabida na naman si tukmol. magalang. Siya ang topi, e, kesyo matalino raw, gwapo, mabait, at magalang.
Mabait at magalang? Aabutin na tayo ng zombie apocalypse, pero hinding-hindi siya magiging mabait at magalang!
Hindi na ako nakinig sa usapan nila, pero napansin ko na patuloy akong pasimpleng pinagtatawanan ni Benji. Pagkatapos kumain ay dumiretso na sila sa sala para ituloy ang kwentuhan.
"O, hija, saan ka pupunta?" tanong ni Tita Imelda nang makita niya akong paakyat ng hagdanan.
"Sa kwarto po, tita. Medyo masakit po kasi ang ulo ko, e," palusot ko.
"Ah, okay. You should rest na nga. Good night, hija." Dumiretso na si Tita Imelda sa sala at ako naman ay dumiretso na rin sa kwarto ko.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at napangiti ako nang tumambad sa akin ang kama ko. Nakangiti akong naglakad palapit dito. Pero bigla akong napahinto. May napansin akong hindi kaaya-aya nang mapadaan ako sa malaking salamin sa tabi ng kama ko. Dahan-dahan akong humarap sa malaking salamin. I gasped loudly.
Nakataas pala ang buhok ko at gulu-gulo. Napansin ko rin ang puting mantsa sa gilid ng labi ko.
Gusto kong himatayin. I actually went to dinner with
disheveled hair and dried drool at the side of my mouth!!!
At walang nagsabi sa akin ni isa sa kanila!
I suddenly screamed. It was so loud, and I swear I heard Benjamin's laugh from downstairs.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 5 Episodes
Comments
KrisTEA
pls.continue your work i wait for soo long
2021-09-30
0