Kabanata 1:"Sa ilalim ng Punong mangga"
"Ma, malayo pa ba tayo? Kanina pa tayo nag da drive pero parang wala naman tayong nararating" reklamo ni Theo habang nakatingin sa kawalan, "ano ba Theo, pang sampo mo ng reklamo yan, kelan kaba titigil ha?", galit na sagot ng kanyang ina.
[Siya nga pala si Theodor Anwil Dacanay, ang bida ng ating kwento]
"Sorry na ma, Ikaw naman nagagalit agad", pagsuyo niya sa kanyang ina, hindi na ito sumagot at nanatili na lamang na nakatutok sa pagmamaneho. Tahimik ang mga sumunod na oras sa biyahe at tanging tunog ng mga huni ng ibon at banayad na ihip ng preskong hangin ang maririnig sa paligid.
Isang oras ang nakaraan at sawakas ay narating na rin nila ang baranggay Dulong bato, liblib at halos wala gaanong nakatira sa lugar na iyon.
"Ma sigurado ka ba na dito na tayo titira?", tanong niya habang sinusuri ang paligid ng dalawang palapag na bahay. "Oo", tipid na sagot ng kayang ina at pagkatapos ay naglakad na patungo sa pinto ng bahay.
"Yung susi nga Theo paki kuha sa sasakyan", utos ng kanyang ina, "bakit ako di ko naman alam kung saan nakalagay yun", reklamo niya, "nasa pouch lang yun doon sa luob ng maleta natin, kunin mo na at gusto ko ng magpahinga", sagot ng kanyang ina, habang patungo sa sasakyan ay napatanaw si Theo sa Puno, Ilang metro ang layo mula sa bahay. Habang nakatanaw duon ay nakita niya ang isang batang lalaki na umaakyat, natuon duon ang pansin niya at Ilang minuto ding nakatitig lang sa lalaking halos kaedad niya lang din.
Napansin ng kanyang ina na Ilang minuto na ay wala paring Theo na bumabalik kayat sumigaw na ito. "Theo matagal kapa ba diyan?", sigaw ng kanyang ina na umagaw sa atensiyon niya, agad niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at nagmamadali ng kinuha ang susi ng bahay. Ng makabalik siya ay tinanong ng kanyang ina ang dahilan kung bakit natagalan siyang bumalik, "bakit ang tagal mo yata?", tanong ng kanyang ina, "may tiningnan lang po", sagot niya, tumango lang ang kanyang ina at hindi na nag usisa pa.
Sa gitna ng katahimikan ng paligid ay bigla nalang tumunog ang langitngit ng lumang pinto ng bahay habang binubukas ito ng kanyang ina, bumungad sa kanila ang mga puting tela na puno ng mga alikabok at naka taklob sa mga gamit ng bahay.
"Grabe ma o, ang kapal ng alikabok", saad ni Theo habang nililibot ang paningin sa loob ng bahay, "wag kang lumapit sa mga yan at baka malanghap mo yung alikabok", paalala ng kanyang ina. Umakyat sila sa ikalawang palapag at tinungo ang isang kwarto, "dito na muna tayo matulog sa kwarto ko, bukas kana pumili ng kwarto mo", saad ng kanyang ina.
Nang pakagat na ang takip silim ay humanap na si Theo ng switch ng Ilaw at ng makahanap ay binuksan agad niya at ganon nalang ang pagka dismaya niya ng wala siyang nakitang liwanag. "Ma bakit walang Ilaw?", tanong niya sa kanyang ina, "pinaputol kasi yung koryente nung wala ng nakatira dito, hayaan mo bukas tatawag ako ng magkakabit", sagot ng kanyang ina habang tinatanggal ang tela na naka saklob sa kama. "Ma....bakit ba tayo lumipat dito?", tanong niya sa kanyang ina. Hindi sumagot ang kanyang ina dahilan para magtanong siyang muli. "Ma, bakit ba tayo lumipat dito?", tanong niyang muli, "ano ba Theo pagod ako, wag mo muna akong gulohin", pagalit na sagot ng kanyang ina. Ikinagulat niya iyon dahil iyon ang unang beses na napag taasan siya ng boses ng kanyang ina, tumahimik na lamang si Theo at ipinagpatuloy ang pagtulong sa kanyang ina sa pag aayos ng kanilang gamit.
Kinabukasan ay maagang gumising ang kanyang ina at ipinaghanda siya ng agahan, habang nasa hapag kainan ay walang imik ang kanyang ina, si Theo na ang bumasag sa katahimikan dahil Hindi na niya matiis ang labis na katahimikan, "ma pwede po ba akong maglibot libot mamaya?", pag papaalam niya sa kanyang ina, tumingin sakanya ang kanyang ina at sumagot, "oo naman, basta wag kang lalayo ng husto", paalala pa ng kanyang ina.
Kinahapunan ay lumabas at nag libot libot na si Theo, nuong una ay ang tuwid lang na daan ang tinutumbok niya ngunit nuong napagtanto niya na malapit na siya sa Punong mangga kung saan niya nakita ang lalaking umaakyat ay lumiko siya at pinasok ang makapal na damuhan, ng marating niya ang Puno ay nagpalinga linga siya, nagbabakasakali na naruon ang lalaking nakita niya kahapon, ngunit wala ito, ng tingalain niya ang Punong mangga ay namangha siya dahil hitik ito sa bunga at ang mga mangga ay tila inaakit siya na kumuha ng isa.
Sa huli ay nanaig ang pagnanais ni Theo na kumuha ng mangga, inakyat niya ang mataas na puno kahit pa alanganin siya sa kakayahan niya. Nang nasa itaas na ng Puno ay naghanap siya ng manggang satingin niya ay matamis at ng nakakita ay agad siyang kumilos upang kunin ito, binalanse niya ang sarili sa paglalakad habang naka kapit sa mga sanga sa itaas, ng biglang maputol ang sanga na kanyang kinakapitan dahilan upang mahulog siya, ng mahulog siya ay umikot ang paningin niya hanggang sa tuloyan na siyang nawalan ng malay.
Ng imulat ni Theo ang kanyang mga mata Isang oras ang makaraan ay sinubukan niyang tumayo ngunit ganon na lamang ang pagka bigla niya ng mapagtantong napilayan siya, naupo siya at nilibot ang kanyang mga mata, nagbabakasakaling may makita siyang tao na maaring hingan ng tulong. Nang mapa tingala siya sa Puno ay may nakita siyang binata naka upo sa isang sanga, sinigawan niya ito dahilan upang magulat at mahulog ito.
"Ayos ka lang ba?", tanong ni Theo sa binata, hindi siya nito pinansin bagkos ay tumayo lang ito na tila ba walang nangyare. "Huy", sigaw niya dahil hindi siya nito pinansin, ngunit hindi parin siya pinansin ng binata, "huy!!! Ano ba? Bingi kaba ha", muli niyang sigaw at sa pagkakataong iyon ay may halo ng kaunting inis. Lumingon ang binata at nagtanong, "ako ba ang kausap mo?", tanong ng binata, "oo, may nakikita ka pa bang ibang tao?", sarkastikong sagot ni Theo, "pasensya ka na kung ganon", saad ng binata, "uhmmm, pasensya kana rin sa tono ko pero pwede mo ba akong tulongan?", saad ni Theo, naglakad palapit kay Theo ang binata ngunit ng Isang dipa nalang ang layo nila sa iasat isa ay tumigil ang binata, nag alangan ito at tumitig kay Theo.
"May problema ba?", tanong ni Theo, "w.... Wala", saad ng binata, inilahad ni Theo ang kamay niya, at sumenyas sa binata na abutin ito, tumingin ang binata sa kamay niya at nag aalangan itong inabot. Nang malapit na ang kamay ng binata ay hinablot niya na ito at nagsabing hilahin na siya upang maka tayo. "Bakit ba parang ayaw mo kong hawakan?", tanong ni Theo ng makatayo na, "huyy, kung iniisip mong may sakit ako nagkakamali ka", dagdag pa ni Theo. "Hindi naman sa ganon", sagot ng binata, "okay, uyy nga pala okay ka lang ba? Para kasing masama yung pagkakalaglag mo e?", nag aalalang tanong ni Theo. "Ayos lang ako", tipid na sagot ng binata, "ano palang pangalan mo? Ako pala si Theo", saad ni Theo sabay lahad ng kamay.
"Anghelito", tipid niyang sagot, nagulat pa siya ng kunin ni Theo ang kamay niya.
[Siya nga pala si Anghelito Tolintino, isa sa pangungahing karakter ng kwento]
"Uhmmmm.... Pasensya kana ha pero pwede mo ba akong ihatid samin", pakiusap ni Theo.
Nuong mga oras na iyon ay ang makauwi na sakanila ang tanging nasa isip ni Theo, bagamat hindi niya kilala ng lubos si Anghelito ay mas pinili niya parin na pagkatiwalaan ito.
"Saan kaba nakatira?", tanong ni Anghelito."Ihahatid mo ako? Thank you na agad, malapit lang naman dito itotoro ko nalang sayo ang daan", masayang saad ni Theo. Inakay siya ni Anghelito patungo sa kanila at habang nasa daan ay puro kwento lang si Theo habang si Anghelito naman ay matiyagang nakikinig sakanya, "pwede bang Anghel nalang itawag ko sayo? Tunog makaluma kasi yung Anghelito", saad ni Theo. "Ikaw ang bahala", sagot ni Anghel, "ang tipid mo naman magsalita", dagdag pa ni Theo, hindi na sumagot si Anghel at nagpatuloy nalang ito sa pagtumbok sa tinuturong daan ni Theo.
Ng makarating na sila sa kanilang paroroonan ay umalis na si Theo mula sa alalay ni Anghel at nagpasalamat muli, "thank you ulit", saad niya habang nakakapit sa kanilang bakod, "sandali lang ha tawagin ko lang si mama, hintay ka muna diyan", pagkatapos ay sumigaw upang tawagin ang kanyang ina, si Anghel ay nakatayo lang salikod niya at nakatitig sa kanilang bakuran, limang minuto pa ang lumipas bago lumabas ang kanyang ina, paglabas nito ay nagtanong agad ito, "bakit nandiyan ka? Pumasok kanga dito", saad ng ina ni Theo habang naka tayo sa harap ng pinto. "Ma... Hindi ko kaya", sagot ni Theo, napakunot ang nuo ng ina ni Theo ng marinig ang sagot niya, naisip nitong nagbibiro nanaman si Theo kayat muli ay sinabihan niya itong pumasok na, "Theodor Anwil Dacanay, pumasok kana dito", inis na saad ng kanyang ina. "Hindi ko nga kaya ma.......... Nalaglag ako sa Puno kanina", saad ni Theo, "Ano????", gulat na saad ng kanyang ina pagkatapos ay nagmadaling tumungo sakanya.
"Ano ka ba naman sabi ko sayo diba wag kang lalayo", nag aalalang saad ng kanyang ina habang inaakay patungo sa loob ng kanilang tahanan, "wait lang ma si Anghel", saad ni Theo pagkatapos ay lumingon sa kinaroroonan ni Anghel, ngunit ng lingunin niya ito ay wala na ito doon, "sinong Anghel?", nagtatakang tanong ng kanyang ina, "yung naghatid sakin", saad ni Theo, "umalis nayun, mag gagabi na o", saad ng kanyang ina.
Nang makapasok na sa loob ng kanilang bahay ay agad na inasikaso ng kanyang ina si Theo, "may koryente na pala tayo", saad ni Theo. "Wag kang makulit, saan kaba galing ha?", may inis sa tono ng kanyang ina ngunit may pagaalala parin, "dun po banda sa may gubat", saad ni Theo ng may malambing na tono, "Anong ginawa mo don?", tanong ng kanyang ina habang hinihilot ang kanyang paa, "aray!!!!.... Ma wag mong diinan masakit", saad ni Theo, "sigi hahanap ako ng maghihilot sayo maghintay ka dito", saad ng kanyang ina pagkatapos ay lumabas.
Kalahating oras ang lumipas at sa wakas ay dumating narin ang ina ni Theo, "ma bakit ang tagal mo?", bungad na tanong agad ni Theo, "pasok ho kayo, pasensya na at naabala ko pa kayo", saad ng kanyang ina, kasunod niya ay ang maglolo na nagpakilalang si Mang Ansel at apo nitong si Carlo.
"Mang Ansel yan nga po pala si Theo, yan pong kanang paa niya yung hihilutin", pagpapaliwanag ng kanyang ina sa matanda, lumapit ang matanda kay Theo at nagtanong, "sumasakit ba?", kalmadong tanong nito, "uhmmm.... Pag ginagalaw lang po", sagot ni Theo.
Hinilot ng matanda ang pilay na paa ni Theo, labis na sakit ang dinanas niya at mayroon pang punto kung saan napatanong siya kung tama pa ba ang ginagawa ng matanda. Nang matapos ay sinabihan ng matanda ang ina ni Theo na kumuha ng dahon ng banaba upang itapal sa pilay ni Theo, hindi na na humingi pa ng bayad ang matanda tumanggi rin ito ng iabot ng ina ni Theo ang dapat sana ay bayad dito.