PROLOGUE
May mga tao talaga na darating sa buhay natin na ipaparanas sa atin na mahalaga tayo. Magiging dahilan ng mga ngiti natin at magiging parte ng buhay natin kung saan sila ang naging sentro ng kasiyahan natin.
Taong irerespeto at pahahalagahan ang mga gusto natin, handang sumuporta sa lahat ng bagay na pipiliin natin at higit sa lahat ay mamahalin tayo ng tapat at walang hinihinging kapalit.
Ngunit hindi lahat ng pag ibig ay perpekto, minsan kaylangan din na itago ang totoo, dahil hindi lahat ng katotohanan ay madaling tanggapin. Oo nga at iyon ang totoo, ngunit kakayanin mo ba itong tanggapin kung magdudulot ito sayo ng labis na sakit. Minsan hindi lahat ng katotohanan ay dapat malaman, dahil kadalasan ito ang nagiging dahilan kung bakit may nasasaktan.
Ito ang kwento ng dalawang pusong pinagtagpo ng panahon ngunit siya ding susubok sa kanilang katatagan at pagmamahalan.
Ang kwentong ito ay nagsimula sa mga tingin na kalaunan ay nabigyang pansin at nagsilbing mitsa ng pag ibig na susubukin ng reyalidad.