Please don't copy this story of mine since this has a deep meaning and one of the very important part of my life.
I loved writing but I rarely write because of someone, therefore, this is as just diamond as it can be.
This was the original version which was a Tagalog that I wrote year back 2017 (and now was year 2023, Happy New Year!🎉) and I'll try to translate this into English soon.
Please bear with my unprofessional writing since this was from long time ago and I didn't edit it except of the name censor.
____________________________________
Yung Feeling na nainlove ka
Sa taong hindi ka dapat mainlove
Dahil hindi pwede, baka kasi sa oras na inamin ang totoong nararamdaman
Ay baka mawalan ka ng isa sa mga mahal mong kaibigan.
Magpapaganda ngunit hindi lang pinapahalata
Pinapahalagahan ang mga gamit na dapat naitapon na
Parang tanga sa tuwing naaalala
Ang mga bagay na naging masaya.
Kapag sa school, tinititigan kung ito'y nakatingin sa iba
Sekretong nag-oobserba
Sa lahat ng kanyang ginagawa.
Kinikilig sa tuwing pawis na pawis siya
Hot kapag siya'y napagod
Hindi alam ang gagawin kapag napansin niya
Na siya'y aking tinititigan
Kapag siya ay ngumiti
Hindi ko alam pero parang nawawala
Ang mga kasama kong kaibigan
Na para bang kaming dalawa lang
Ang nasa mundong ito na magkasama.
Mahirap magtago ng tunay na nararamdaman
Lalo na sa taong lagi mong kasama
Sa taong lagi mong nakakasalamuha
Dahil sa takot na baka malaman niya
Ang tunay na turing sa kanya
Kung gaano ba siya kahalaga.
Kung walang pasukan,
Hindi maiiwasan na ma-miss siya
Kapag masaya siya kasama ang iba
Nagseselos ako, nagagalit ako
Hindi ko lang pinapahalata
Na dapat hindi ako naaapektohan
Dahil isang kaibigan ako lamang
Wala akong karapatan
Na magselos kanino man.
Naisip ko minsan
Pano kung may MAHAL siyang iba
Iba ang Type niya
Hindi katulad ko na simpleng babae lamang
Hindi ganon kaganda katulad ng iba
Hindi kasing yaman ng iba
Pero bawi naman sa katalinuhan diba.
Joke! Pero hindi naman sa nagmamalakihan
Pero yun ang katotohanan.
At yung araw na biglaang nagkasakit ka(ako😂✌)
Walang kaklase na pumapansin sayo
Samantalang ako naghihirap sa sakit na dinaranas
Iniisip kung papaano ito malulunas.
Lumuluha, umiiyak na tahimik
Tinitiis, sinasarili ang sakit
Ayoko ipakita sa mga kaklase ko
Na nahihirapan ako
Ewan ko pero yun ang totoo
Nung araw na yun, masakit talaga ang ulo ko
Na parang kasukahin pa ata ako pero pinigilan ko.
Nung maamoy ko ang bagong pintura na upuan biglang nahilo ako
Kaya pumunta ako sa likod at nagpahinga doon
Noong mga oras na yun parang may hinahanap ako
Yung taong sekretong minamahal ko
Ngumiti ako nung pumasok siya sa Classroom
Kunting nawala-wala ang sakit ko
Okay lang kahit siya ang gamot dito
Makita pa lang na masaya siya at nakangiti, okay na ako.
Pinikit ko ang aking mga mata
Nagbabasakaling makapahinga
Nagulat na lang ako na may nagsalita bigla,
"Okay ka lang ****?" tanong niya
Ngumiti ako nung narinig ko iyon
Dahil kilala ko ang boses na iyon
Pero hindi ko pinahalata, nahihiya kasi talaga ako
Minulat ko ang aking mga mata at sumagot ako
"Oo okay lang ako" sinabi ko yun kahit alam kong hindi totoo
"Oo ka diyan!", agad niyang sagot.
At ang sabi ko "Oo nga! Okay lang ako! Uulitin ko pa ba talaga?!"
Heheh ayaw kong sabihin yun
Pero iyon ang lumabas at nasabi ng labi ko
Ayaw ko kasing makita nila na nahihirapan ako sa kalagayang ito.
Just always think positive na lang ako, gagaling to
At yun na nga umalis siya
Hindi ko alam kung saan siya pupunta
Yun pala ang luko, dumiretso sa tindahan upang bumili
Ng tubig at gamot para sa akin
Natuwa nga ako nun pero tumanggi ako
Kasi nakakahiya naman na siya ang bumili ng gamot
Pero naisip ko bestfriend nga pala kami
Sa isa't isa'y nagtutulongan
Sa anumang problema na dumaraan
Natawa nga ako nung hapon
Ikaw naman ang nagkasakit sumunod
Kaya pinuntahan kita sa Classroom
Nakita kitang nag-iisa
Gusto kitang tulongan kaso wala akong magawa
Sinabi mo sa akin na "Una na ako, Uwi na ako"
Pero "Hindi sabay na tayo!" sagot ko
Gusto talaga kitang tulongan nung time na yun
Kaya ang tanging magagawa ko na lang
Is that your wish will be granted.
Lumabas na ako ng Classroom at nagpaalam ng "Una na ako"
Pawis na pawis ka nun, gusto kitang tulongan
Kaso wala eh, bilhan sana kita ng gamot
Eh ang problema wala akong pera nung time na yun
Nung makita ko Girlfriend mo
Naisip ko na sabihin sa kanya baka makatulong siya sayo
Eh ang kainis nga lang kinuha ni R*** ang pwesto
Na ako ang magsasabi mismo
Nakakainis kasi gusto ko rin makipagbati
Sa nagawa ko at walang kamalay-malay na ito ay mali
Pero nangyari na eh...
Pinuntahan ka Niya at Kinomfort
At ngumiti naman ako sa nakita ko
Ang sweet ninyo sa isa't isa
Kaya nalungkot ako bigla
Naisip ko kung ano kayong dalawa
Kaya't tumalikod na ako't lumakad
Pekeng ngiti ang lumabas
Sa mukha kong ito dahil hanggang kaibigan lang
Pero mas okay na yun kesa sa maging malalim pa
Ang ating samahan bilang matalik na magkaibigan
Dapat na kitang kalimutan na minsan ika'y aking minahal
Mamahalin pa rin kita, pero kaibigan o matalik na kaibigan na lang
Maging masaya ka sana sa kanya
Kung saan ka masaya, mas ikakasaya ko 'to
I-susuport na lang kita sa bawat desisyon mo
Nandito lang ako sa oras na kailangan mo ng tulong
Huwag mong i-solo, i-share mo
Hindi mo yan kaya mag-isa
Dapat lagi kang may kasama.
Hanggang dito na lang.
Original Work by Me, Wilysha_Purple♡