He was 18 years old while I was just 15 years old when I first met him.
And we started dating.
He was 20 years old while I was just 17 years old when I said 'yes'
Years had passed nagkaroon ng aksedente-car accident to be specific doon nagsimulang maging itim ang kaniyang paningin pero hindi yan ang pipigil sa pagi-ibigan namin.
He was 26 years old while I was just 23 years old ng ikasal kami.
At nagkaroon kami ng dalawang anak- jhon and maze, oo nagkaroon kami ng anak kahit na bulag ang aking asawa and we become a happy family. Hanggang sa nagkaroon ng kaniya kaniyang pamilya ang anak namin.
Naiwan kaming mag-asawa sa ipinundar naming tahanan, hindi man niya makita ang kaniyang paligid ay naging masaya at kontento kami hanggang nagkaroon siya ng malubhang sakit.
He was 70 years old while I was just 67 years old ng iwan niya ako
Everytime na maaalala ko siya ay hindi magkanda mayaw ang aking mga luha. Month had passed at ito aniv na namin kahit mag isa'y sinelebrate ko parin dahil ito ang masayang araw namin. Habang ako'y nakatingin sa labas ng bintana'y may naramdaman akong yumakap sa akin at duo'y tuluyan ng lumandas ang mga makukulit kong luha.
"Happy aniv mahal" nakangiting bati ko
"Nakakamiss ang mga panahong andito ka pa, ang hirap ay kinakaya ang saya't lungkot ay pinagsasaluhan" lumuluhang ani ko ng mawala ang lamig at yakap ngunit muli kong nasilayan ang aking mahal sa aking harapan habang may silay na ngiti sa kanyang mga labi.
"Happy aniv mahal-hindi parin kumukupas ang taglay mong ganda, sayang at hindi ko manlang nasilayan ng kay tagal nung ako'y nabubuhay pa" may lungkot na boses na kaniyang sabi "pero ngayo'y araw-araw ko ng makikita dahil lagi akong nasa tabi mo at hindi ka iiwan" dagdag niya at sabay yakap sa akin
"Kahit na isa ka ng kaluluwa aking mahal ika'y mananatiling nakatatak sa aking puso't hindi ito mag babago.. My blind man" nakangiting ani ko kasabay ng paglaho ng aking mahal.