Si James ay isang matalinong estudyante pero astig at laging nauugnay sa gulo, ayaw niya kasi na inaagrabyado ng iba lalo na ang mga kaibigan niya. ayaw din niyang makakita ng mga taong binubully, at higit sa lahat ay ayaw niyang nalalamangan ng iba, lalong lalo na kay julius.
si julius naman ay isang gwapo at sikat sa pagiging perpekto,(perpekto sa sarili) gusto niya na laging nakaayos ang lahat, maayos na kwarto, maayos na libro, maayos na damit, dapat malinis at laging nakaplantsa, at dapat din ay maligo araw araw para mabango. Pagdating naman sa pagkain ay ayaw niya ng dairy products, allergy kasi siya at kapag kumakain ay dapat tahimik lang at dapat din ay gumagamit ng serving's spoon dahil kong hindi ay nawawalan siya ng gana. (meticulous right) namana niya kasi ito sa mama niya. Besides nagiisa lang siyang anak kaya lahat ng desiplina nakatoon lagi sa kanya. matalino din siya kasi ayaw ng mga magulang niya na matalo siya ni james.
Bago pa man sila isinilang, ang dalawang prensipeng ito ay nakatadhana ng talunin ang isa't isa. Ang kanilang mga magulang ay may sariling hardware business, at matindi silang nakikipagkumpetensya sa pamamagitan ng pagbaba ng presyo at pagnanakaw sa mga investors ng isa't isa. Kinamumuhian ng kanilang mga magulang ang isa't isa, to the point na kung saan ang mga batang lalaki ay humantong din sa isang kumpetisyon simula ng sila ay mga bagong silang na sanggol pa lamang. Inihahambing ng mga magulang ang kanilang mga anak sa lahat ng paraan, tulad ng kong sino ang naunang matutong gumapang, naunang naglakad, o kaya'y naunang nagsasabi ng mama at papa.
Nang maabot ng dalawang prensipe ang edad na 12, nagsimulang masira ang kanilang alitan sa isa't isa. Nagsimula ito ng ang nakababatang kapatid ni james, na si amber ay sumakay sa kanyang bisikleta at hindi sinasadyang mapunta sa isang lawa. Natakot si james ng makitang nagsisimula ng malunod ang kanyang kapatid at dahil sa takot na iyon ay hindi siya nakakilos, bigla namang tumalon si julius sa tubig para tulungan si amber, napadaan lang sana ito sa lugar ngunit biglang nagulat ng makita ang batang babae na nalulunod habang nakatingin lamang ang kanyang kapatid. dahil sa pangyayaring iyon, nagbago ang pananaw ng dalawa sa isa't isa, sa mata ng lahat sila parin ay magkaaway ngunit hindi na nila talaga kinamumuhian ang isa't isa. Sa kanilang ikasiyam na baitang, ang mga batang lalaki ay inatasang mapunta sa parehong music band at doon sila ay nagiging mas malapit pa, Sa puntong ito, unti-unting umuunlad ang damdamin ni julius para kay James.
Pagkaraan ng apat na taon, muli na namang naglaro ang tadhana para sa dalawa. Si james ay naging class president ng Faculty of Engineering, habang si julius naman ay class president ng Faculty of Architecture, at ang dalawang faculties na ito ay nagkataong all-time rivals din sa lahat ng bagay. Si james at si julius ay sapilitan na naman na maglabang muli. Nang malaman ito ni amber, ay hiniling niya na sana ay huwag ng gumawa pa ng anumang pinsala si james para kay julius dahil ito ang nagligtas sa kanyang buhay sa murang edad.Nagpasiya si james na kausapin si julius upang magmungkahi ng kasunduan. Iminumungkahi ni james na magpalitan na lamang sila ng impormasyon tungkol sa kanilang mga grupo upang maiwasan ng parehong mga faculties ang digmaan. Si julius, na ayaw ng makipagtalo pa ay sumasang-ayon sa ideya at doon ang kanilang lihim na relasyon ay nagsisimula na. Mula noon sila ay hindi na magkaaway, pero hindi rin naman magkaibigan ngunit sa puntong iyon, ang lahat ng bagay ay pwedi ng magiba.
Sa pagpapatuloy ng kwento....
Nagyaya ang gropo ni james na kumain sila sa bagong restaurant at pumayag naman ito.
"promise magugustuhan niyo don" ang sabi pa ni Drake (si Drake ang best friend ni james)
"bakit maganda ba??" tanong ni jon
"sobrang Ganda, at masarap pa" sagot naman ni Drake
Habang nagkakatuwaan ang gropo ni james sa daan patungo sa bagong restaurant... Abala naman si james sa pagtext kay julius na nagsasabing pupunta ang gropo niya sa bagong restaurant.
" patay!! Hindi pwedi,, nandito na kami ngayon, sa iba nalang kayo pumunta." reply agad ni julius sa text niya
" hindi pwedi,,, malapit na kami oh, kayo nalang ang umalis" text ni james
" hindi pwedi... Kumakain na ako ngayon, tingnan mo oh" sagot ni julius sa text at nag send pa ng pagkain niya bilang evidence.
Napansin ni Drake si james na laging nakatingin sa cellphone niya.
"hoy sino yan huh... Bagong TextMate o bagong jowa, ayieeh" ang sabi ni Drake
" ahm guys parang gusto kong kumain ng noodles ngayon pwedi bang, sa iba nalang tayo pumunta, diyan nalang sa malapit gutom na ako eh" biglang sabi ni james
Nagkatinginan naman ang mga kasamahan niya sa isa't isa. At nakikita sa hitsura nila ang pagtataka na tila ba ay may something...
" siguro may kakilala ka doon anu?" mabilis na sabi ni Kristoff
" wala.." mabilis din niyang sagot
" o baka nandon yong bagong girlfriend niya" mabilis na tanong ni jon
" bagong girlfriend..... Tss gag+ wala... Gutom lang ako okay?? Kaya gusto kong diyan nalang sa malapit " Sagot naman ni james
Nagtaka naman ang mga kasama niya at nagtatanong kong may iniiwasan ba siya sa lugar na iyon pero nagdahilan parin siya na gutom na siya at gusto ng kumain
" okay libre ko na lahat " bigla niyang sabi
Nilapitan naman siya ng mga kasamahan na tila ba ay naiintriga sa kilos niya lalo na si Drake.
Kinakabahan si james at tila ba ay hindi na siya makahinga sa tingin ng mga kasamahan niya.
"sige dahil libre mo, dalawang mangko ang sakin" biglang sabi nalang ni Drake. Doon lamang nakahinga ng maluwag si james
" dapat may softdrinks din na pantulak" sigaw ni Kristoff habang naglalakad patungo sa bagong distinasyon
" oo na" sagot din James
"ba't ang bait mo ata ngayon ah" si jon
"Ngayon lang to okay" sagot lang ni james