Kakauwi kulang galing eskwela ng maabutan ko sina mama nagkukwentuhan kasama ang mga kaibigan niya,
Nagmano ako kay mama at pumanhik ng marinig ko ang usapan nila, "Cindy anglaki na pala ng anak mo ano, abay parang kahapon lang e naglalaro pa iyan ng putik," turan ng kaibigan at kapatid ni mama, "Oo malaki na talaga, kaya lang hanggang ngayon wala paring kwenta,mas mabuti pangang magalaga ng sanggol kisa sa kanya ehh" sabi ni mama,
Ang sakit, napangiti nalang ako ng mapait at patuloy na pumanhik,
Sanay na ako sa mga salita niya, pero nandon parin yung sakit,
Umupo ako sa kama at tiningnan ang litrato nang buo kung pamilya dati na ngayon ay wasak na,
Hindi ako natulog nang gabing iyon, ganon lagi ang ginagawa ko sinusubsub ko sa trabaho ang utak ko para makalimutan ang mga masakit na salita na narining ko kanina lang,
Kinabukasan,
Buong araw akong natulog dahil sa pagod, at puyat na rin, hindi na ako nakapag almusal at pananghalian, pagkababa ko ng bahay ang bumungad sakin ay ang masamang tingin ni mama,
"abay kinarer mo talaga ang pagiging walang kwenta ano, hapon kanang nagising, ano pa ang magagawa mo, akala mo ba may katulong ka dito sa bahay, wala, wala kang katulong, palagi nalang cellphone ang hawak mo, palagi ka nalang nagmumukmuk diyan sa kwarto, palamunin ka nanga, wala ka pang kwenta," mahabang sabi ni mama,
siguro araw araw nalang siyang ganyan, siguro yan ang dahilan kung bakit iniwan kami ni papa,
Mahal na mahal ko si mama kaya di ko magawang sabihin lahat nang hinanakit ko sakanya, pero minsan kasi subra na,
Patuloy lang ako sa pagkain, hinahayaan ang masasakit na salita,
Pagkatapos kumain ay nag hugas na ako nang plato, tumahimik na din si mama,
"Ma, may project ako, kailangan ko ng pera,"sabi ko sa kanya nang gabing iyon, "Wala akong pera manghingi ka nang pera sa tatay mo,"sabi nito at tinalikuran ako,
Naiintindihan ko naman si mama, binuksan ko ang cellphone at tinawagan si papa, "Hello pa, kumusta kana pa, ayos kalang ba diyan,"tanong ko sa ama, nakangiti ako habang nagtatanong, simula bata palang papa's girl na ako,
"Hello anak, ok lang," sagot nito sa akin, "Pa ano kasi may project kasi kami ngayon at malapit nang i pass , baka naman meron kang pera jan padala ka naman,"sabi ko sa kanya, tumahimik si papa ,
"Sorry Nak, nag down kasi ako nang motor kaya, naubos ang sweldo ni papa," sabi nito, sanay na ako sa salitang yan, hindi na ako nag react,
Hindi naman kasi ako ang nagtatrabaho kaya, wala akong karapatang humingi, ibinaba ko na ang tawag,
Hindi ko alam, pero bigla akong naiyak, nang hindi namamalayan,
Pasahan na ng project pero wala parin ako, pinatawag ako nang guro ko at tinanong kung may problema ba ako,"
"Say, may problema kaba,? tanong ng guro sa akin, marami akong gustong sabihin, ngunit pinigilan ko ang sarili,
"wala naman maam, may financial problem lang ako ngayon," tumango naman ang guro, "Kung ganon i'll be giving a chance okay,"tumango ako at nagpasalamat,
Paguwi ko sa bahay naabutan ko si mama, nasa labas ng bahay, grabe ang tingin sakin na ikinatakot ko,
"Ma, magandang hapon,"magmamano na sana ako ng sinampal niya ako sa pisngi,
"Wala ka talagang kwenta, ano nalang ba ang gagawin ko sayo, kung sana hindi ka nalang nabuhay, kung sana pinalaglag nalang kita noon, wala sana akong problema ngayon, wala sana akong sakit sa ulo,kung naging kagaya ka sana sa anak ni........ may ipon na yung batang yun, tumutulong pa sa ina niya,"sigaw nito, na pati ang kapitbahay ay narinig nadin, "Ma may problema ba," hindi niya ako sinagot,
"Diba sabi ko manghingi ka sa tatay mo, bakit wala parin siyang pinapadala hanggang ngayon,"sabi nito,
"Ma, kasi umutang daw si papa ng motor kaya wala pa siyang pera ngayon, " sabi ko sa kanya na at yumuko ang sakit nang pisngi ko, pero mas masakit ang puso ko,
"Anong kakainin natin ngayon,wala na tayong pera," marami akong gustong sabihin ngunit nanatili akong tahimik,
pumanhik ako sa kwarto hindi ko alam pero, iba ang iniisip ko,
Hindi ko naman ginustong ipanganak ako sa mundo diba, wala naman akong sinabi na buhayin nila ako, bat ganoon, bat parang dapat pa ako magpasalamat sa mapait na buhay na binigay nila sakin,
I lost cried in silent, lagi naman yun,
I never wanted to live, wala akong kaibigan na pwede kung pagsabihan,
My mind become blank, all i know feel was the pain of living,
There word is sharper than knife,
feeling this everyday i become used to it,
I closed my eyes,
this feeling that i feel comfortable in the dark is frustrating,
__________________________________