Loving You
Ang simula
Hello there I'm Anna Karina B. Flores 25 yrs old.
His name is Royjie Khen Palang-at, He's 27 yrs old.
Hindi kayo maniniwala pero ako ang kauna-unahang girlfriend nya at ako na din ang huli.
Syempre papayag ba ako na may makatuluyan siyang iba maliban sakin syempre hindi akin lang si Khen.
May mga kaibigan pala ako
Unahin ko nang ipakilala sa inyo si Ate Pao, siya ang kapatid ng boyfriend ko at siya din ang dahilan kaya nakilala ko si Royjie Khen.
Sunod naman ay ang FF ko (Friends Forever) ay si Biboy, Bakla nga pala si Biboy.
Miko
"ako ang pinaka maganda sa ating lahat na mag-kakaibigan"
Karen
Akalimutan ko pa lang ipakilala ang family friend namin na si Kuya Pabs or Si Joshua Pablo may Girlfriend na pala si kuya Pabs si Madeline.
O sya hanggang dito nalang muna.Kita kits nalang ulit sa Next Chapter.
Sana subaybayan ninyo ang susunod na kabanata ng Kwento kong ito.
Bonding
Kagigising ko lang ng may natanggap ako na tawag mula kay ate Pao.
Nag-aya siya na pumunta kami sa Tagaytay para mag staycation
kasama namin yung mga boyfriend namin at isinama din namin si kuya Josh, kasama din yung girlfriend niya.
Pinaalam ko kay mommy yung van na gagamitin namin papuntang Tagaytay.
Pumayag naman si mommy basta may lisensya daw ang magmamaneho.
Kaya si khen ang driver namin
At ayun nga nakasakay na kaming lahat sa van papunta na ng Tagaytay
5pm na nga kami nakarating
Kaya nag-dinner na kami pag-karating palang namin
At nung pumatak na nga ang alas sieyete naisipan namin na mag-bonfire sa tabing dagat.
May inumin din kaming dala puro hard drinks
May dala din kaming guitara kasi kakanta sila kuya Jp at kuya Mark.
Alas onse na ng gabi ng lasing na kami.
Nakita ko si khen na lasing na kaya pinahatid na siya ni ate Pao kay kuya Mark.
Sasama na dapat ako kay Khen ng pigilan ako ni ate Pao
pao
"Karen dito ka lang, Mag-papakalasing tayo ng sobra ngayon."
Mayamaya pa lasing na din ang iba sa amin
kasama na dito ang gf ni Josh
nagpaalam na nga si Josh na babalik na daw sila sa kwarto para makapag pahinga na ang girlfriend niya
Kaso pinapabalik siya ni Miko kasi nahalata raw niya na hindi umiinom si Josh
Pumayag naman si Josh na babalik daw siya kapag nakatulog na daw ang girlfriend niya
Mayamaya pa ay nakita na namin si Josh na pabalik na sa amin at tumabi sya sakin.
Joshua
"Shot na tayo Karen"
Sina ate Geline at Darryle ay nawala na.
Hindi ko napansin na wala na pala yung dalawa.
pao
kuha lang ako ng alak, maiwan ko muna kayo dyan
tumango naman kaming lahat
Natitira nalang ay si Miko, ang Boylet niya, si ate lenlen, kuya jp, ako at Josh
Halata naman din na lasing na si Miko at niyaya niya na nga ang Boylet niya na bumalik na sa kwarto nila.
Miko
Baby lasing na ako, balik na tayo sa room natin.
niyaya niya na ang bf niya na umalis
Tumayo na din sila ate lenlen at kuya jp at sabi nila mag lalakad-lakad daw muna sila sa dalampasigan.
Nang kami nalang ang natira ni Josh
Nag katitigan kami at nag-ngitian
Ang awkward naman pero nawala ng nagsalita siya
Joshua
Karen napaka-ganda mo talaga.
Hindi ko alam kung sa tama ba yun ng alak or hindi
Nagulat ako ng umangat ang kamay ni josh
Unti unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko
hindi ko alam pero hinayaan ko lang na lumapat ang labi niya sa labi ko
Hindi ko magawang itulak siya bagkus unti unti pa akong pumikit at gumanti sa mga halik niya
Naghiwalay ang aming mga labi
Joshua
"Karen, I need you like water."
habang nakatitig siya sa akin
Nangungusap ang mga mata niya kaya tumayo ako at hinatak siya.
Hindi ko na alam ang ginagawa ko, parang wala nako sa sariling hinatak siya
bahala na kung anong mangyari
Karen
"Please take me with you"
hindi ko alam pero nung mga sandaling to hindi ko naisip na nag-kakasala na ako kay Khen.
May nangyari samin ni Joshua na alam naming mali
ililihim namin ito at ibabaon na lang sa limot.
hindi tama ang mga nangyayari.
The Truth
Bumungad saken ang liwanag na nanggagaling sa bintana
pamilyar na kwarto ang bumungad sakin.
Nagising ako sa kwarto namin ni Khen
nakabalik na pala ako ng hindi ko man lang namamalayan
Napatingin ako sa katabi kong nakayakap sa akin
malungkot ko siyang pinagmasdan at napatitig ako sa maamong mukha niya
Hindi ko alam pero gusto kong umiyak ng umiyak at manghingi ng tawad sakanya sa kasalanan na nagawa ko.
Mahal na mahal ko si Khen ng walang pag-aalinlangan
Pero bakit ko ito nagawa sa kanya?
Bakit ko nagawang pagtaksilan siya?
Hindi ko naman pwedeng sisihin ang alak na nainom ko
Lalong lalo hindi ko pwedeng sisihin si Josh sa nagawa namin dahil alam ko sa sarili ko ginusto ko din iyon
nagising ko ata siya sa hikbi ko
Ken
Ma'ko anong nangyari sa'yo?
hinaplos niya ang mukha ko na umiiyak
Ken
May nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan?
Umiling ako sa sunod-sunod na tanong ni Khen at yumakap sa kanya.
Karen
Khen, Ma'ko mahal na mahal kita.
umiiyak na sabi ko sa kanya
nagiguilty ako sa nagawa ko, paano kapag nalaman niya
O ni Ate Pao 'yong nangyari kagabi?
Paano na ang relasyon namin, mapapatawad kaya niya ako?
Ken
Karen lumabas na tayo para makapag breakfast na't alam kong gutom ka na.
Tumango ako at sabay kaming lumabas sa kwarto
Pag-dating sa restaurant kung saan kami kakain.
Nakita kong kompleto na pala ang lahat kami na lang pala ang hinihintay.
Miko
Hay naku! Karen buti naman at nandito na kayo. Gutom na kami lalo na ang baby ko.
sabay yapos niya sa braso ng boyfriend niya
Geline
ate karen dito ka sa tabi namin ni Lenlen
Nagulat akong napatingin ako kay ate Geline at tumingin ako kay Khen, ngumiti naman siya sa akin.
Ken
Sige lang ma'ko d'on ka na't dito na lang ako sa tabi nila Pao
Tumango ako sa kanya, at umupo nga ako sa pagitan nila ate Geline at Lenlen
Len
Ate Karen, kamusta ka pala kagabi?
Len
Nakatulog ka ba ng maayos?"
Makahulugang tanong ni Lenlen na ikinakaba ko
pakiramdam ko may laman ang mga tanong niya
Geline
Karen sa'n ka nga pala kagabi?
Geline
At sino 'yong kasama mo na kahalikan mo kagabi?
napaayos ako ng upo dahil sa sinabe niya
Geline
Alam ko hinatid na ni Kuya Mark si Khen kagabi sa Kwarto nyo?
para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko
Nakita ba nila ako kagabi?
Karen
uhmm ha? A-ano kamo?
nauutal nako at hindi alam ang sasabihin
Kinabahan at nanghina ako sa sinasabi ni ate Geline
Karen
Kagabi? D'yan lang, w....wala naman akong kasama kagabi.
Nakatingin lang si ate Geline sa akin na tipong binabasa ang hitsura ko.
Akala ko don lang matatapos ng bigla siyang bumulong sa akin na sakto lang na marinig ko.
Geline
Nakita ko kayo ni kuya Josh ate Karen, naghahalikan
mahina lang ang pagkakasabi niya, pero bakit parang napatigil ang mga kasamahan namin sa lamesa
Nagulat kaming lahat nang may nahulog sa sahig
Napatingin kami sa likod ni ate Geline
Para akong nawalan ng dugo nang makita si Khen.
Ken
A...anong sabi mo Geline?
Ken
"Tama ba ang narinig ko? Naghahalikan si karen at si josh!?
Dagdag niyang tanong at diretsang nakatingin kay ate Geline.
Ken
Hindi ako naniniwala, hinding hindi yon magagawa ni karen sakin
Bumaling siya akin at bakas sa mukha ni khen ang sakit at lungkot.
Napatayo ako sa sinabi niya.
Ken
Alam ko kung gaano mo ako kamahal karen
Ken
Sabihin mo na hindi totoo ang mga sinasabi ni Geline
Ken
Na nagsisinungaling lang siya at hindi ikaw iyong nakita niya
Pangungumbinsi niya sa sarili habang nakatingin sa akin.
Pero walang lumalabas na salita sa bibig ko at hindi ko alam ang sasabihin ko.
Bakit ganon hindi ko maitanggi ang mga nangyari?
Karen
Sorry Khen, so...sorry ma'ko. Patawarin mo ako hindi ko sinasadya
utal na sambit ko habang sunod sunod na tumulo ang luha ko
Hindi ko alam ang dapat sabihin, sumisikip ang dibdib ko sa mga nangyayare
Ken
Karen paano mo nagawa sa akin ito? Mahal na mahal kita
Sabay punas ng luha sa mata niya, tumalikod na siya' t umalis.
Naiyak nalang ako ng tuluyan
Naiiyak naman akong lumingon kay ate pao nang tawagin niya ako
pao
Halikan lang ba ang nangyari sa inyo?
pao
O may nangyari pa na higit pa sa halikan?
Tanong niya at bakas sa mukha niyang nasasaktan na din.
Karen
Hanggang doon lang kami ni josh
naiiyak kong sabi, mali man na magsinungaling pero ang hirap sabihin.
pao
Kasi kung halikan lang ang naganap sa inyo. Hindi ka iiyak ng ganyan
nagtatakang paliwanag niya sa akin at umiling iling pa
pao
Wala ba talagang nangyari sa inyo ni kuya Josh?
Ulit niyang tanong at binalingan na rin niya si Josh, na ngayon ay nagpapaliwanag na rin sa nobya niya.
Hindi ko na kayang itago pa, madami na kaming nasasaktan.
Pati ang nobya ni Josh ay umiiyak na din.
Karen
M-May nangyari sa amin ate Pao.
Iyak kong pag-amin sa kanila, natigilan si ate Pao,
Bakas sa mukha niya ang galit at sakit
Hindi na siya nagsalita, bumaling siya kina ate geline, lenlen at biboy
pao
Ate Gel, Len at Biboy, una na muna kami.
walang lingon itong umalis ng cafe, at iniwan akong akong umiiyak
Nasasaktan ako, sa isang iglap lang lahat ng importanteng tao sakin ay nawala
Nagulat ako ng lumapit sakin ang girlfriend ni Joshua
Madeline
Boyfriend ko pa talaga Karen?
naiiyak at nagsisisigaw nitong sabi
masamang nakatingin sakin, ito ang long term girlfriend ni Josh.
lumapit ito sa nobya at pinakakalma
Lumapit ito sa akin at nagulat ako ng sinampal niya ako
nakawala pala ito sa hawak ni josh
Napahawak ako sa pisngi ko, parang namanhid ang mukha ko sa ginawa niya
Madeline
Karen, akala ko mabait ka?
Madeline
by the way, josh is all yours!
Madeline
magsama kayong dalawa!
naiiyak netong sabi sabay alis.
Joshua
Sorry Karen. Mag-usap na lang tayo sa susunod.
Tarantang sabi niya at sinundan nito ang nobya
Napatulala nalang ako ng umalis silang dalawa.
Sumasakit na ang dibdib ko sa mga nangyayare
Miko
Ate karen, papaanong nangyari ito?
Miko
Hindi namin maintindihan, akala ko mahal mo si Khen
Nanghina na ako at hindi ko na alam ang sasabihin, niyakap ko na lang si Biboy at nagsimula na namang umiyak
Karen
Ff hindi ko na alam ang gagawin ko,
Karen
Paano na kami ni Khen?
Naiiyak at nanghihinang bulong ko sa kanya.
I feel so drained, kanina pa ko walang tigil sa pagiyak
Geline
Ate Karen nandito lang kami, pero kailangan mong tanggapin na nagkamali ka
Geline
Bigyan mo ng panahon si Khen na makapagisip, pareho ninyong kailangan yan
habang pinapatahan ako at hinahaplos ang likuran ko.
Kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko
Thankful ako dahil nandyan sila sa tabi ko
Siguro nga kailangan ko munang mag-isip at ganon din si khen, mahirap at masakit pero kailangan at sana maging okay din ang lahat
Karen
Masakit pero tama. Kasalanan ko ito ate Geline, Lenlen at Biboy.
Kumalas ako sa yakap namin Biboy.
May inabot na panyo si kuya jp at pinunasan ko ang luha ko
Kumalma na ko sa mga nangyayare
Napatingin silang lahat sa akin, nahihiya akong ngumiti sa kanilang lahat at tumango
Karen
Sige mauna na kayo. Okay lang ako
Karen
Gusto ko munang mapag isa
mas okay na din to para makapagisip isip ako on my own
Laking tulong pag nandito sila sa tabi ko pero naiintindihan ko na may kanya kanya kaming buhay
ako ang may gawa ng problema kong ito, kaya ako den ang mag aayos nito.
Download MangaToon APP on App Store and Google Play