This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to a person, living or dead, or actual events are purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative work form or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
This story is contained mature scene and not suitable for people below 18 years old. Read at your own risk. You are not obliged to read the story. Any destructive criticism will be deleted.
Wild Waves| Copyright@2020
August 13, 2020-
DISCLAIMER: Not professionally edited. Bear with the typos and errors you'll encounter. Hindi pa ito tapos but I'll update every Saturday or Sunday. Please leave your comments and vote. Thanks.
01 LOCKED
"Ahh" impit ko ng nagtangka ako bumangon. Masakit ang kaliwang tagiliran ko maging ang ulo.Luminga-linga ako sa paligid pero sobrang dilim tanging ilaw lang sa ulanan ko.
Pilit akong bumangon sa kama kahit na nangingig ako sa sakit ng ulo at tagiliran. May pumatak na luha sa mata ko dahil sa sakit nararamdaman ko ngayon. Nang nagtagumpay akong bumangon at nakaupo sa gilid ng kama muli akong luminga-linga sa paligid. I was in a dark room!
Kinabahan ako dahil hindi ko alam kung saan to. I want to shout to seek help, but I keep myself quiet not to make any noise dahil hindi ko alam kung ano ang nag-aantay sa akin. It was new to me; I don't remember this place at all!
Gamit ang nanginginig na mga paa sinubukan kong tumayo.
"Ahh!" Napabalik ako sap ag-upo dahil sa kirot ng tagiliran ko. Gusto kong umalis sa lugar na 'to. Parang hindi magandang nandito ako. Hindi ko rin matandaan kung kailan ako napunta ako dito o kung bakit ako narito.
Pilit kong hinakalungkat sa utak ko ang mga huling pangyayari pero kahit isa ay wala akong maalala. Everything in my mind was blur! Everything!
Sino ako?
Who I am? ****! Anong pangalan ko? Ano 'tong nangyayari? Napapikit ako sa biglaang pagsakit ng ulo ko. Naluha ako dahil sa pinaghalong kirot at sakit ng ulo ko sumabay pa ang takot sa dibdib,
Hindi ko matandaan lahat. Wala akong maalala kahit na ano!
Napahawak ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko parang mabibiyak sa dalawa!
"H-Help! Please help me! P-Please!" sinubukan kong muli bumangon mula sa pagkakaupo. Kahit masakit ang tagiliran. Impit dahil sa sakit ang lumabas sa bibig ko. I bit my lower lip and close my eyes as I landed on the floor. Nanghina ako. Nanghina ang mga binti ko sa panginginig.
"H-Help!" sigaw ko habang umaagos ang mga luha sa mata ko. I want to leave this place badly! Sana isang panaginip lang ako pero ang hapdi sa tagiliran at ulo ko ay totoo!
"H-Help me!" umiiyak na ako. Gumapang ako sa sahig upang puntahan ang isang butas na may kaonting liwanang. Butas iyon ng doorknob!
Isa-isang pumatak sa sahig ang mga luha ko. Para akong isang baldado ngayon dahil sa itsura. Hawak ang tagiliran naramdaman kong basa iyon. Tumigil ako sa pag gapang saka tinignan ang kamay kong nakahawak sa tagiliran.
Dugo! May dugo! Bumuhos pa ang luha sa mata ko. Ano ang nangyari sa akin? Bakit may dugo. Pinagpatuloy ko ang pag gapang upang marating ang doorknob. Ang dugo mula sa tagiliran ko at kamay ay nagmantsa sa sahig. Nanghilakbot ako lalo dahil sa kalagayan.
Mas lalo pang sumakit ang ulo ko pero pinilit kong marating ang doorknob that probably the way out of this room. I need to get there pero parang anlayo pa! Parang sobrang hirap ang makapunta doon.
Unti-unting nawalan ako ng lakas dahil sa nangyayari sa akin ngayon. Sana isang panaginip lang ako pero hindi! Pain and agony, I feel right now. It feels like I am dead and only waiting for satan to get me here.
My eyes blur from all the tears coming down. Pagod na ako. Pakiramdam ko buong buhay ko ay lumaban ako para mabuhay. Tumigil ako sa pag-gapang at tanging impit lang ng iyak ko ang maririnig sa madilim, malamig at nakakatakot na lugar na 'to.
I heard a creak from a door opening. Nabuhayan ako ng loob. Tumingala ako sa liwanag na nagmumula sa pintuang unti-unting bumubukas at lumalamon sa kadiliman ng lugar na ito. Heaven! Is it heaven? Si sanatas na ba o si san pedro ang susundo sa akin?
Silhouette of a man came in from the door. "H-Help me, please?" I said but the man still standing from the door and I can't see his face even though there's a light.
"Please? I need help. Nasaan ako?" bumuhos ang mga luha sa mata ko. Mas lalong humina ang katawan ako. Parang kinakain ng dilim ang liwanag ganun din ang lakas ko.
"Yna! Yna! What is happening here?!" narinig kong sigaw mula sa labas ng pintuan. Bumukas ang ilaw sa buong kwarto.
Pumikit ako ng mariin dahil sa pagkakasilaw. Yna? Sino si Yna?
Pilit kong idinilat ang mata ko pero wala na akong lakas. Unti-unting bumagsak ang ulo ko sahig. Ramdam ko pa ang sakit non.
"Anong tinitingin-tingin mo dyan?! Tulungan mo ako!" muli kong narinig ang salita ng isang lalaki pero wala na akong lakas para Makita pa siya until I felt a hand that touch my neck and legs.
Sumilay na ang sinag ng araw sa katabing bintana ng aking kama. Everything was blur to me. Isang araw gumising na lang akong nakahiga sa kamang ito. I remember small details of what happened last night but some of it was blur like my other memories.
Hindi na ako nagtangkang bumangon dahil sa alaala kagabi. Bumabalik ang takot sa akin. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana na kita ang dagat.
Gusto kong alalahanin ang pangalan ko o kung tagasaan ako at paano ako napapadpad sa bahay na ito pero ayaw kong maramdaman ulit ang sakit na naramdaman ko kagabi.
Tinignan ko ang kamay at braso ko, ang paa at binti ko, there were scars all over my body. Sinilip ko din ang tagiliran ko and it is covered with medical badges. Masakit pa din iyon pero bearable naman.
Gumala ang buong paningin sa kwarto. There's a small painting of a flower hanging from the other side of the room. May isang pintuan sa gilid ko. Isang malaking cabinet na walang laman at ang side table ng kama ay isang vase na punong-puno ng mga makukulay na bulaklak.
Tumingin ako sa orasan, alas otso ang nakalagay mataas na ang sikat ng araw kita sa labas na maganda rin ang panahon kahit medyo makulimlim sa kanluranin.
May mga narinig akong mga yapak na paparating. A knock on a door until the slowly opening inside of my room. Kinabahan ako bigla dahil sa kaonting alaala na sumagi sa isipan ko. Tumaas ang balahibo ko! Lumunok ako ng dalawang beses dahil sa takot na nararamdaman.
I feel numb but at the same time pained. Parang kang patay pero buhay ka naman. Yung pakiramdam na tinatanong mo sa sarili na kung buhay ka ba pero kita ng dalawang mata mo ang katotohanan.
My system feels threaten. Sino kaya ang kumakatok? Ang nagbukas ng pinto at ang papasok? My mind is flooded with questions dahil sa takot.
Bumukas ng husto ang pintuan at iniluwa nito ang isang lalaki. Naalala ko ang nangyari kagabi. Siya ba ang lalaki kagabi na hindi man lamang ako tinulungan?
Agad akong napaatras sa ng kaonti sa kama ko. Siya ba ang lalaking iyon?
Unti-unting lumapit sa akin ang lalaki. My heart beats so fast and my breathing is not normal right now. Pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa matinding takot. Umusog ako pataas pero headboard na ng kama ang naramdaman ko sa likod ko.
"Sino ka?! H-Huwag kang lumapit!" I shout so loud. Huminto siya sa paghakbang. Kita sa mukha ng lalaki ang pag-ibaba ng itsura nito. Kanina walang emosyon ngayon ay takot at awa.
"I won't hurt you," sambit ng lalaki pero hindi pa rin ako naniniwala. Kung siya ang lalaki kagabi ay wala siyang balak na tulungan ako!
Umusog ako pakaliwa, "Ahhhhh!"
"Shit!" agad na dumalo sa akin ang lalaki dahil nahulog ako sa kama. Hindi ko napansin na nasa dulo na pala ako ng kama.
He touches my neck and my legs at agad na binuhat. "Bitawan moa ko! Bitaw!" nagpupumiglas ako! Sino ba 'to? Killer ba 'to? Pinagsusuntok ko ang dibdib niya. Hindi ko napigilan ang pag-iyak dahil sa frustrations na nararamdaman ko.
Nilapag niya ako sa kama. Humihikbi na ako dahil sa matinding takot.
"You okay?" hinawakan niya ang kamay ko pero tinapik ko lang iyon.
"Huwag mo akong hawakan! Hindi kita kilala! Sino kaba at bakit ako nandito?!" hindi ko na napigilan pa ang umiyak dahil sa halo-halong emosyon.
"Hush. I won't hurt you. Please, hush?" tila pagod at awa ang nasa boses ng lalaki pero wala akong pakialam! Ang gusto kong malaman ay bakit nandito ako? Bakit wala akong maalala? Bakit?
A lot of questions that I want an answer pero ang lalaki ay tikom ang bibig na tumingin lang sa akin. Umupo siya sa gilid ng kama ko. Napayuko at inihilamos ang mga palad sa mukha.
"Sagutin mo ako! Sino ka at bakit ako nandito?!" kanina'y takot ang nananalaytay sa buong sistema ko ngayon naman ay galit. Gusto kong malaman ang mga kasagutan sa mga tanong ko.
"P-Please? P-Please tell me." Pagmamakaawa ko.
Tumingin sa akin ang lalaki at dahan-dahang lumapit. Wala akong lakas pa para umusog. Pakiramdam ko ay naubos ang lakas mo sa pag-iyak.
"Hush," hinawakan ng lalaki ang baba ko gamit ang kaliwang kamay. Pinagtama niya ang paningin naming dalawa. Ang isang kamay naman niya ay dahan-dahang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko.
"Gusto kong malaman ang lahat. Gusto kong umalis sa lugar na 'to," I said.
"You can't" hirap na hirap na sambit ng lalaki. Parang iyon ang pinakamahirap na salita ang nasabi niya sa buong buhay niya.
"Why? Why can't I leave this place? Sino kaba? Sino ka sa buhay ko dahil hindi ko alam kung pagkakatiwalaan kita o hindi?" hawak ang pisngi ko ay muling bumuhos ang mga panibagong luha mula sa aking mga mata.
"You will leave this place once you are ready." He said.
"I am ready! I can leave right now if you help me! We can leave this place!" pagmamakaawa ko sakaniya.
"No, you can't, you only leave this place until you remember everything," sa bawat salitang binibitawan niya ay parang kay hirap sakaniya.
Humagulhol lang ako sa iyak at muling sinubukang alalahanin ang mga nakalimutang alaala. Sinubukan kong isipin lahat.
"A-Ahh A-Ang sakit!" unti-unting dumaloy ang sakit sa ulo ko. Ito ang pakiramdam na naramdaman ko kagabi. Ang pakiramdam ng nabibiyak na ulo.
"Yna! Yna!" nanghihina akong tumingin sa lalaki habang hawak hawak ng dalawang kamay ang ulo.
"Ang sakit!" para akong pinapatay ng sakit ng ulo ko.
"Remedios! Bilis!" sigaw niya.
Narinig ko ang mga yapak ng pagtakbo hanggang sa unti-unting nagdilim ang paningin na tanging init lang ng katawan ng lalaki ang huling alaala na aking naramdaman.
02 LEANDRO THADDEUS DEL FRANCO
Weeks have passed and I am still here in this room-in this place. Isang malaking tanong pa rin sa akin kung sino ako at bakit ako narito.
Sinubukan ko ng magtanong sa mga taong narito, kay Remedios, ang matandang katulong pero wala siyang maisagot sa akin. Palaging inililihis ang usapan o kung hindi man ay umaalis na lang sa harapan ko and still my questions left hanging and unanswered.
Leandro Thaddeus Del Franco ang pangalan ng lalaki. He's always here and checking on me. Hindi ko siya pinapansin. Hindi pa rin ako mapanatag kapag nasa malapit siya sa akin. I feel unsafe.
Nakatingala lang ako sa kisame. Maaga ako nagising ngayong araw. Binuksan ko kanina ang bintana para makita ang pagbubukang liwayway ng araw sa dulo ng karagatan.
Bawat araw na nagdaan tanging ang buwan sa gabi at liwanag ng araw ang nakakasaksi sa kagustuhan kong malaman ang katotohanan.
"Kailan ako aalis dito?" sambit ko ng muling bumisita si Leandro sa kwarto ko dala ang pagkain ko sa umagang 'yon, inilapag niya sa side table saka umupo sa gilid ng kama. Umusog ako ng kaonti to give him enough space to sit.
"May amnesia ka, Yna" inihilamos niya ang kamay sa mukha. Natahimik ako sa sinabi niya.
May amnesia ako? Isang tanong na nagpadagdag pa sa dami ng tanong na nakaimbak sa utak ko. Isang luha ang tumakas sa mata ko.
"Bakit ako nagkaamnesia?" tumingin ako sakanya. Awa ang tinging ibinigay niya sa akin.
"Car accident" simple niyang sambit.
"Car accident pero bakit?!" hindi na napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil hindi niya magawang diretsuhin sa akin ang lahat. Dahil sa sinabi niya sinubukan kong halungkatin ang mga alaala kung kalian ako naaksidente.
Kaonting kirot ang dumaloy sa ulo ko. Napakagat labi ako dahil sa unti-unting pagdaloy ng sakit sa buong ulo ko.
"Hindi pwedeng ako ang magsabi kung ano ang nangyari," umiwas siya ng tingin sa akin. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at naglakad papunta sa harapan niya.
I slowly kneeled in front of him kahit masakit ang ulo ko. More tears are coming pero wala na akong pakialam kung ano ang itsura ko ngayon o kung mukha na ba akong kaawa-awa sa paningin niya.
Gulat na gulat siya sa ginawa ko, "Please? Tell me..." humikbi ako. Nagmamakaawa na sabihin niya ang katotohanan kung bakit nangyari sa akin 'to.
Hinawakan niya ako sa braso at pilit na itinayo pero hindi ako nagpatinag sa pagkakaluhod. "I am begging you. I want to leave this place and I want to know what happened to me."
Lumuhod na rin siya sa harap ko. Kahit hindi na malinaw ang mga mata ko dahil sa mga luha ay kita pa rin ang pinaghalo-halong mga emosyon sa mata niya.
Galit, poot, awa at pagmamahal ang mga emosyong iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit may pagmamahal doon. Hindi ko makuha bakit may emosyong ganoon sa mata niya. Sino ba siya sa buhay ko?
Leandro sino kaba sa buhay ko?
He uses his fingers to wipe away my tears. Pagkatapos ay dahan-dahan niya akong hinila sa mga bisig niya saka niya ako ikinulong sa mainit niyang mga yakap.
Nagpumiglas ako pero ang lakas ko ay tila nilalamon ng init ng katawan niya.
Hikbi na lang ang ingay na namamagatan sa aming dalawa.
"Gustong-gusto kong sabihin sayo ang lahat. Kung anong nangyari at kung bakit ka nandito pero ayaw kong maniwala ka sa sariling katotohanan ko. Gusto kong ikaw mismo ang makaalala sa lahat, sa katotohanan."
"Pero bakit?" I said.
"I don't want to lose you and I am doing this because I am afraid lose those precious memories you have," mas lalo akong umiyak sa mga nasabi niya.
Napapikit ako ng matagal bago ibinukas muli ang mata dahil sa isang katok sa pintuan ko na nagpabalik mula sa alaala. Bumukas ang pinto saka pumasok si Remedios.
"Dadalhin ko lamang 'tong pagkain niyo," tinignan ko si Remedios. Nang naramdaman niyang nakatingin ako sakanya ay dali-dali niyang inilapag ang pagkain sa gilid ng kama.
"Kumain na po kayo" si Remedios. I want to try my luck this time and ask her again pero mukhang wala rin akong makukuhang sagot sakanya kaya tumango na lang ako saka ibinalik ang tingin sa kisame.
"Nasaan si Doc?" wala sa sariling sambit ko. Kita ko sa gilid ng aking mata ang pagsinghap niya at pagbuga ng hangin mula sa bibig.
Hinintay ko siyang sumagot ngunit tikom ang bibig niya ng hinarap ko siya. Andoon din ang pagdadalawang isip kung sasagot ba o hindi.
"Kausap po ngayon ni Senyor Leandro," Iyon lang ang sabi niya saka mabilis na umalis.
Walang gustong magsalita sakanila at sabihin ang katotohanan. Pumikit ako ng mariin saka dinama na lamang ang malamig na hangin galing sa labas. Ngumiti ako ng mapait. Naiiyak ako pero pinipigilan ko dahil pakiramdam ko ay sasakit na naman ang ulo ko.
Umatake ang sakit ng ulo ko pagkatapos naming mag-usap ni Leandro and he immediately call the doctor to check on my condition.
The doctor arrived and he injected me with pain reliever para mawala ang sakit ng ulo ko. And clearly, I remember what he doctor said habang nagkunwari akong tulog.
"From the car accident, nagkaroon siya ng head injuries which caused her to lose memories. May gamot ako as a pain reliever and I can't guarantee her fast retrieving of her own memories. Usually, it takes months-" sambit ng doctor and Leandro interrupted him.
Napatigil ako sa paghinga dahil sa narinig. Pilit kong pinakalma ang sarili kahit gusting-gusto ko ng magtanong.
"Months?" hindi ko man nakikita ang mukha ni Leandro ay bakas sa tono ng boses niya ang takot. Tears are forming in my eyes at kagat-labing pilit na huwag makatakas ang hikbi.
"Yes months. In her condition it takes months pero hindi sigurado kung ilang buwan niya bago maalala ang lahat ng alaala." Hindi na nakatakas ang hikbi sa bibig ko. Tinakpan ko ang bibig ko at isa-isang pinunasan ang mga luhang nahuhulog.
Agad na dumalo sa akin si Leandro and sit beside my bed. He patted my back like a child. "Hush. Everything will be alright, okay?" he said.
Hindi ako sumagot sakanya. Iyak lang ako iyak. He holds my hand na tila andoon ang lakas at gusto niyang i-share sa akin para maging malakas din ako but honestly pakiramdam ko I felt brave with his words and touch.
"Maiwan ko muna kayo" bumukas at sumara ang pinto kaya tanging kaming dalawa na lamang ni Leandro ang naiwan sa loob. Umiiyak pa rin ako at hindi ko alam kung matitigil pa ba to. Nanlulumo ako sa kalagayan ko and I don't know how to solve it and bring those memory back.
Iniwala ko sa isip ang mga sinabi ng doctor. Hinarap ko ang pagkaing nakapatong sa side table ng kama saka kumain ng tahimik.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. Ngayong araw ay napagdesisyon akong bumaba at magliwaliw sa magandang garden sa baba.
Dalawang linggo na rin akong nakakulong sa kwartong ito at tanging pagtanaw sa labas mula sa bintana ang ginagawa ko.
Pagkatapos ay unti-unti kong binuksan ang pintuan saka sumungaw ang ulo para tignan kung may tao sa labas ngunit wala. Lumabas ako at tahimik na isinarado ang pintuan. Tahimik rin akong humakbang dahil ayaw kong gumawa ng ingay.
Iginala ko ang paningin ko sa buong bahay. Malaki ito at medyo luma na pero bakas pa rin ang pagiging engrande lalo na sa chandelier na nakabitin sa itaas sa gitna ng bahay. Nagsusumigaw naman sa kulay ginto ang paspiral na hagdanan pababa.
May dalawang kwarto sa gilid at ang kwartong aking tinutuluyan ay nasa gitna. Hindi lang iyon dahil sa kabilang bahagi mula sa aking harapan ay ang isang malaking piyano at mga nakasalansan na mga libro.
Hindi ko alam kung bakit naenganyo akong lumapit. Dahan-dahan ang ginawa kong hakbang hanggang sa makarating sa mga libro. Namangha ako sa dami nito. Mga klasiko pero mayroon ring mga bago.
Nanatili akong nakatayo doon at isa-isang tinignan ang mga titulo ng mga libro. Most of them are historical books pero ang ilan rin ay mga disyonaryo at libro tungkol sa medisina at mga hayop.
Ngumiti ako ng mapait saka ibinaling naman ang tingin ko sa napakalaki at makintab na piyano sa tabi. Walang kahit na alikabok ang naroon maging ang repleksyon ko ay kitang-kita.
Lalapit na sana ako pero hindi ko naituloy. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang biglaang pagsakit ng ulo ko and waves of memories came into my head.
"Alam kong kaya mo yan, Yna" sambit ng isang lalaki na may malambing na boses. Hinawakan niya ang kamay ko saka niya dinala sa labi niya at hinalikan ang likod ng aking palad.
Ngumiti ako sakanya ng malawak saka nagsimulang magtipa ng nota sa piyano. Napapikit ang lalaki. Tumingin ako sakanya at walang pag-alinlangang ngumiti.
Ramdam ko ang pagpulupot ng isang kamay niya sa aking baywang. Hindi ko maiwasang makaramdam kaba dahil sa kakaibang sesasyong dala ng init ng hawak niya.
Nagpatuloy lang ako sa pagtipa ng mga nota sa piano. Maganda sa tenga ang bawat musikang lumalabas at masarap iyon sa damdamin.
Pabilis ng pabilis ang pagtipa ko. Pabilis ng pabilis din ang buhos ng aking luha. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Masarap sa damdamin ang musikang nililika ng piano gawa ng bawat pagtipa ko pero pakiramdam ko ay unti-unting nawawasak ang puso ko.
Dumilat ako at isa-isang nahuhulog ang butil ng mga luha mula sa aking mata. Kasabay ng paghawak ko sa aking ulo ay ang pagsakit din ng aking puso.
Napaluhod ako sa makintab na sahig. Humagulhol ako sa hindi malamang dahilan. Hindi ko alam kung umiiyak ako dahil sa alaala bang bumalik sa aking isipan o sa pakiramdam na naramdaman sa mga naalalang iyon?
Nanghina ang katawan ko bigla dahil sa sakit ng ulo ko. Nanlalabo ang mga mata ko hanggang sa naramdaman ko ang pagbagsak ng aking katawan sa makintab at malamig na sahig.
Ang huling alaalang nakita ko ay ang mabilis na pagdalo ng isang mainit na kamay sa aking braso at beywang hanggang sa nagdilim na ang aking paningin at namanhid sa bawat sakit na aking nararamdaman.
"Maayos na ang lagay niya." Narinig kong sambit ng doctor. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko. Bumalik sa isipan ko ang nangyari.
"Okay kana?" si Leandro na nasa malayo at kausap ang doctor. Rinig ko ang mabibigat nitong hakbang patungo sa akin. Kita ko ang takot sa dalawang mata niya pero naroon rin ang awa.
"May nagtrigger lang sa utak niya kaya nangyari iyon." nakita ko ang pagngiti ng doctor sa akin. Medyo may katandaan na rin siya pero bakas ang pagiging isang matipunong lalaki.
Umupo si Leandro sa gilid ng kama ko. Hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko iyon binawi. Nagulat siya sa ginawa ko at agad na nag-iwas ng tingin.
"Ako na ang bahala sakanya." hinarap ni Leandro ang doctor at tumango naman ito bilang pagsang-ayon.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin pero tikom ang bibig ko. Wala akong balak na sagutin siya pero ang mga alaalang bumalik sa akin ay napabagabag sa akin.
"Maayos na." simple kong sambit saka tinalikuran siya. Huminga siya ng malalim. May sasabihin sana siya pero inunahan ko na.
"May bumali sa aking alaala." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Nag-igting ang panga niya ng napagtanto kung anong sinabi ko ay muli ay nag-iwas siya ng tingin sa akin.
"Xander," Mahina pero sapat na para marinig ko ang sinabi niya.
Humarap ako sakanya at kitang-kita ang galit sa mga mata niya.
"****!" Marahas niyang mura. Marahas rin siyang tumayo mula sa gilid ng aking kama at napasabunot sakanyang buhok sabay hilamos sakanyang mukha.
Kitang-kita ang frustration sa mukha niya. Andoon pa rin ang galit na hindi natitinag mula sakanyang mga mata.
"Ano pa? Ano pa ang naalala mo bukod sakanya?" Pumikit siya ng mariin bago ako ulit tignan.
"Pakiramdam ko...noong kasama ko siya sa alaalang 'yon ay masaya ako, masaya akong kasama siya habang nakaupo kami at tumutugtog ng piano," Nagpalakad-lakad siya sa harap ko. Mabibigat ang bawat hakbang niya. Nagbabaga ang galit sa mga mata niya pero may kumikislap roon sa gilid ng mga mata niya. Naiiyak na siya pero pinipigilan niya iyong bumuhos.
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko na kayang harapin ang mga mata niya. Matutupok ako at magliliyab na parang isang kahoy na puno ng gaas. Ayaw ko. Nakakatakot.
"Natatandaan mo ba ang mukha niya? Ano pang naalala mo?" Napalunok ako. Gusto ko mang sabihing oo ay hindi ko na ginawa.
Sa alaalang yon ay alam kong naroon ang sinseridad ng lalaki. Bakit masakit ang aking puso sa paglapat ng labi niya sa likod ng aking palad? Bakit ako umiiyak sa alaalang iyon?
Marahas ang ginawa kong buntong hininga saka nagsalita pero bigla na lang umalis si Leandro. Mabibigat ang mga hakbang na ginagawa niya saka marahas na isinara ang pintuan.
Napapikit ako dahil doon. Unti-unting bumalot sa akin ang nakakabinging katahimikan sa aking kwarto.
Madilim na ang labas nang iginala ko ang paningin ko doon. Ilang oras kaya akong nakatulog?
Pilit kong iwaglit sa isipan ang reaksyon ni Leandro. Bumukas ang pintuan at sumungaw doon ang ulo ni Remedios. Tumingin lang siya sa akin. Unti-unting niyang nilakhan ang pintuan para nakapasok ang buo niyang katawan at para na rin hindi matapon ang laman ng hawak niyang tray.
May katandaan na rin si Remedios. Kita rin ang mga puting buhok sa ulo niya. Sa mukha naman niya ay mga kulubot na rin pero mababakas roon ang kabaitan.
"Narinig ko ang nangyari. Hindi ko inaasahan. Humihingi ako ng paumanhin dahil hinayaan kitang lumabas-" hindi ko siya pinatuloy sa pagsasalita niya.
"Ako ang nagdesisyong lumabas. Gusto kong malibang sa ibang bagay maliban sa pagtanaw sa labas mula dito sa kwarto." Maagap kong sabi. Napayuko siya at marahang inilapag ang mga pagkain.
"Wala ka dapat ihingi ng paumanhin." dagdag ko pa. Tumingin siya sa akin saka naman ako ngumiti sakanya.
Ngayon lang ako ngumiti sa higit dalawang linggo ko rito. Kakaiba iyon sa pakiramdam. Nag-iwas ng tingin sa akin ang kasambahay. Nagmartsa siya palabas ng pintuan ng hindi ako nililingunan.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play