|Prologue|
Bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
"Ma'am, nandito na yung parents nyo." sabi ni ate Sam.
"Go, papasukin mo."
"Hi baby, long time no see." si daddy, tumayo ako sa kinauupuan ko at agad akong yumakap sakanila.
"I miss you mom, I miss you dad."
"May ipapakilala kami sayo." biglang silang kumalas sa pag kakayakap sa akin.
"And who the hell is that?!" pinagtaasan ko sila pareho ng kilay
"Your fiancee."
Nanlaki ang mata ko sa pagkakasabi nilang fiancee. For real!?
"WHAT!?"
"Sinabihan kana namin tungkol d'yan diba?"
"Eh? Wala akong maalala!" pagsisinungaling ko "Ayoko ng arranged marriage mom!" protesta ko
"Baby, para ito sa kompanya natin." bigla akong niyakap ni mommy. "Don't worry baby, he is a nice guy. Kaedad mo lang ito at lalong he's handsome." saka ito kumindat
Nangunot lalo ang noo sa mga sinasabi nila. Ayaw mag sink in ng mga sinasabi n'ya, ang hirap idigest!
"But--- I'm only nineteen mom!" sakwal ko pero pinandilatan lang ako nito ng mata. Dahil sa walang magawa ay napabuntong-hininga nalang ako.
"Where is he then?"
Nagkatinginan ng biglang bumukas ang pintuan.
"Hinahanap mo 'ko?"
Nabingi sa boses na iyon. Familiar ang boses n'ya. Halos hindi ako nakagalaw, hindi ko alam kung sya ba talaga 'yon. Damned! Wag naman sana.
"Namiss kita Kelley"
Lalo akong namula sa galit! Hindi ito maari, kialala nya ako?!
"Magkakilala kayo?" kumamot sa ulo si daddy animo nalilito
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, bigla akong tumayo sa kinauupuan ko at umarkong humarap sa gawi ng lalaki.
Halos malaglag ang panga ko ng makitang siya ang lalaking iyon.
"Ikaw?!" duro ko dito
Alam n'ya bang ako yung magiging finacee n'ya? O, bakit hindi sya nag protesta? Damned it!
"Yes." ngumiti ito
"So? Magkakilala nga kayo?" si mommy
"No!" sabi ko
"YES tita" pang diin nito.
Feeling ko umusok ang ilong ko sa gigil. Sa dinami dami ng pwede kong maging fiancee, bakit sya pa!? The heck!
"Mom, dad! No, hindi 'to maari ayoko!"
"What do mean baby!? Magkakilala naman pala kayo besides, advantage na iyon diba?" saka ito kumindat
Seriously? Pagkatapos ng ginawa nyang pagiwan sakin. Haharap sya sakin na parang wala lang!? Wow!
"DAMNED! BAKIT SYA!?" nanggagalaiting sabi ko.
"Relax baby." si mommy
How!? Like he didn't hurt me before!
"No!"
"Baby!"
"Hindi maari 'to mom! Bakit sa lalaking yan pa?!" saka ko ito dinuro ng dinuro
"Hmm?" tumingin ito sa kawalan "Well, Maybe we are destined to each other?" He and my parents chuckle.
Seriously? Like he didn't fool me before!
"Damned!" nasapo ang sarili kong noo
Wala akong sa sariling napasampak sa sahig. Feeling ko tuloy pinag kakaisahan nila ko. Tsh! Hindi ko sila maintindihan.
to be continued..
|01|
"Kelley!" sigaw ng dalawa kong kaibigan na si Feign, at Aira.
Friend ko sila since junior high school. We're best friend, triplets if I think so.
"Namiss ko kayo." sabi ko saka ko sila niyakap pareho
"Pano kasi nasa America ka no'ng bakasyon kaya hindi tayo nagkita kita." Fiegn said
"I was busy, mom sent me there to observe other hotel, nakapa boring I swear." malungkot kong sabi sakanila
"Wow, in very young age nagagawa muna 'yon? Nakakabilib ka talaga Kelley." Aira said
"Nako, hindi naman hehe." sabay nguso ko animo nag papacute dahil nahihiya
First day of school. We are senior high school grade11 students here in FIS (Fountain International School)
Abala kaming nag kukuwentuhan ng mga friends ko tungkol sa mga lugar na pinuntahan nila noong bakasyon. Masaya ang bakasyon nila kaysa sakin.
Kwento sila ng kwento tungkol sa nangyare sa kanila, habang ako abala sa kakaisip no'ng nangyare sakin nung bakasyon. Sobrang boring na nga tapos may asungot pa kong nakilala
I remember that day.
📌📌F l a s h b a c k 📌📌
"Manong tope, what happen!?" inis kong tanong sa driver ko ng marinig kong may kumalabog sa bandang likuran ng kotse ko.
"Ma'am m-may nakabungko sa ko-kotse nyo." natatakot na saad nito
Nakunot noo akong tumingin dito, dali dali akong lumabas ng kotse para siguraduhin totoo ang sinabi nito.
"Fucked! Anong ginawa nyo!?" inis kong bulalas. "Arghhhhhh!" saka ko kinatok ng kinatok ang bintana ng kotseng bumunggo sa kotse ko
Biglang bumukas ang pinto sa driver set, lumabas ang isang lalaki na mukhang kaedad ko lang din. Gwapo ito, maganda ang light blue n'ya na mata, kissable lips at matangos ang ilong, perfect face!
Bigla akong napatulala sa mukha nito. Sobrang lakas ng dating halatang pilipino rin pero parang may halong american.
"What are you staring at?!" sarkastikong anito kaya naman dali dali kong inayos ang sarili ko
"Wow!" saka ako pumalakpak. "Staring?! Seriously? Look at my car, fathead!" sigaw ko dito
"Excuse me?!" tumaas ang kilay nito saka nilapit ang mukha n'ya sa mukha ko. "Fathead?! For your information, kayo yung bumangga sa kotse ko!"
"Tanga ka lang talaga! Halata naman ikaw, dinidenay mo pa!" saka ko ito tinulak at agad na bumalik sa kotse ko.
"Never mind na lang manong, ako na magpapaayos!" inis kong baling kay manong.
Kapal ng mukha nung bwesit na iyon!
📌📌End of F l a s h b a c k📌📌
Dahil sa sobrang inis sa naalala ko ay napapadyak ako.
"Oy Kelley, nakikinig kapa ba?" bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa ko
"Ahh sorry, may naalala lang." saka ako yumuko
"Tsh. Ano ba yan, kanina pa tayo nag kukuwento pero itong si Kelley mukhang may hindi sinasabi sa atin." nanunuksong tumingin sakin si Feign at Aira
"Pwede ba! Kaysa asarin nyo 'ko tara na doon sa Assemble Hall." tinalikuran ko sila pareho
"Luh? Anong nangyare do'n?" narinig ko na nagbubulungan sila.
Habang naglalakad kami papunta ng Assemble Hall ay hindi mawala saisip ko yung lalaking bastard na iyon! Tssh
"Kelley wait us." Aira said
Huminto naman ako sa paglalakad at hinintay ang dalawa kong kaibigan. Naiinis ako sa sarili ko, wala naman silang ginawa pero nagalit ako bigla.
"Kel, what happen ba kasi?" Feign said
"Ayoko munang pag usapan!" protesta ko sa dalawa. Hindi na sumagot ang dalawa, sa halip ay dumiretso na kami sa Assemble Hall.
"Oy, sila Kelley 'yon diba?" sigaw ng mga lalaki sa may harap ng Hall way
"Tara lapitan natin." tinignan ko lang ito saka ko tinaasan ng kilay. "Hi Kelley I'm Dave." ngumiti ito saka iniabot ang kanyang kanang kamay sa akin. Sa halip na abutin ang kamay nito ay nilagpasan ko lang. Ganda tayo e. Hahaha!
"Ouch!" saka nagtawanan ang mga kaibigan nito.
"Ganda 'teh?" si Feign
"Aish! Alam nyo namang hindi ako interesado sa mga ganoong bagay." hinila ko sila pareho "Tara na late na tayo, baka hindi pa natin malaman kung anong section natin tch!"
Hinila ko sila papasok ng Hall. Sobrang daming estudyante ngayon, kompara dati.
"Buti nakaabot tayo." baling ko sa dalawa
"Alam mo, excited ka kasi." si Aira "Grade10 palang naman yung tinatawag na sectioning ah!" saka ako nito hinampas sa braso
"Whatever." I rolled my eyes
Naghanap kami ng mauupuan. Nang makakita kami ng pwesto ay dali dali kaming naupo at pinakinggan ang Dean habang inaannounce ang mga section ng kada year.
Sa sobrang likot ng mata ko kung saan saan nakakarating. Kung anu ano tuloy nakikita ko.
Phew! International School ba talaga 'to? Parang public lang e. Daming nag dadate kada corner ng hallway tsh! What happen people? Hmm.
"Excuse me, Cr lang ako." sabi ko sa dalawa
"Samahan na kita" presenta ni Aira
"Nako wag na samahan mo nalang si Feign, saglit lang naman ako."
Dumiretso ako sa banyo. Grabe ang haba ng pila, akala mo nasa mall sa sobrang haba. Fucked, ihing ihi na ko!
Dahil sa wala akong choice ay lumipat ako sa kabilang banyo. Gaya sa unang banyo, ang haba rin ng pila.
'Tsh! Whats happening here!?'
Sobrang dami naman tao ngayon. Wala nanaman akong choice kaya naman lumabas ako ng campus at dumiretso sa cafeteria sa tapat.
Hindi pa man ako nakakapasok ay nay humarang na sakin.
"Hi Kel."
"Ikaw nanaman!?"
Sinamaan ko ito ng tingin pero ngumisi lang ito.
"Tumabi ka nga d'yan! At kung pwede? Kung malakas ang trip mo sa katawan huwag mo 'kong idamay!"
Naiinis ako, pigil na pigil na nga yung ihi ko may epal pag humarang sa dadaanan ko.
"Kanina kapa ah!" saka nito hinawakan sa braso
Wtf! Nagdadalawang isip na talaga ko kung public ba 'to o private school sa ugali ng mga tao dito! Mga spoiled brat kasi! Damned
"Bitawan mo nga ko!" pagpupumiglas ko
"Nakikipag kilala lang naman ako ha?" nilapit ni Dave ang mukha n'ya sa mukha ko.
"Sinabi ng bitawan mo ko e!"
"E kung ayaw ko!?" mas lalo nya pang nilapit ang mukha nito dahilan para maglapit ang ilong naming dalawa kaya mag pupumiglas ako
Mygad ang ilong kong matangos nadikitan ng maduming ilong!
"Dude!" may humila kay Dave at sinapak ito ng nakahoodie na jacket.
Napasigaw ako sa sobrang takot.
"Stop it, Please!" suway ko ng biglang gantihan ng sapak ni Dave ang nakahoodie
Dahil sa wala akong magagawa sinigawan ko sila ng sinigawan pero hindi umipekto.
Naawang ang labi ng tanggalin ng lalaki ang hood sa ulo nya. Nakatalikod ito sa gawi ko, akmang n'ya sapakin nya ulit si Dave pero hinawakan ko ito sa kaliwang braso.
"Please stop it! Parang awa nyo na" pagmamakaawa ko
Natanaw ko si Dave, na nasalampak sa lupa.
Marahan humarap sakin ang lalaki.
"What the ****!" tanging nasabi ko ng makita ko ang mukha no'ng nagligtas sakin.
'Anong ginagawa nya rito!?'
to be continued..
|02|
"I-ikaw!?"
Halos mamaos ako sa sobrang gulat sa nakita ko. What the hell? Anong ginagawa nya dito. Totoo ba 'to?
Kunot noo 'tong humarap sakin, animo tinatandaan yung mukha ko.
"Wtf! Ikaw yung!?" mahinang bulong n'ya ng marealize n'ya kung sino ako.
Napaawang ang labi ito ng tinitigan ang mukha ko. Naamaze yata, sa ganda ko ba namang 'to? Hahaha!
"Sa dami dami ng pwedeng tulungan dito, ikaw pa!?" bumaling ito ng tingin kay Dave "You, soon of bitch! Stop fooling around."
Kunot noo ko itong tinignan. Sino ba sya sa akala nya!?
Ngayon ko lang narealize na nakahawak pala ako sa braso nito. Dahil sa sobrang kong hiya agad ko itong hinila.
"T-thanks!" saka ko sila iniwanan at tuluyang pumasok ng cafeteria.
Napahawak ako sa puson ko. Nataranta ko bigla dahil ramdam ko na talaga na lalabas na yung ihi ko.
Lintek! Nasan nga ba ulit cr dito. Tsss
"Excuse me, saan yung cr nyo?" tanong ko sa counter
"Do'n ho ma'am sa left side. Tapos liko lang kayo doon."
"Ah sige salamat."
Dali dali akong tumungo sa cr.
Habang nasa cr ako ay hindi mawala sa isip ko yung lalaking iyon.
Bakit sya naandito? Ahays. Anong bang paki ko?
Nang matapos ako ay agad akong nag hugas ng kamay at pumunta sa counter, bumili ako ng tatlong waffle at ice latte. Alam kong magtataka yung dalawa dahil natagalan ako. Daming asungot e.
Hindi pa ko nakakarating sa Assemble Hall naglalabasan na ang mga estudyante.
'Shit! Tapos na?!'
Hindi ako magkanda ugaga sa kakahanap sa dalawa. Kung saan saan na ko pumunta dito sa campus pero hindi ko sila mahagilap.
Saan ba yung dalawang iyon?! Tsk.
"Kami ba hinahanap mo?"
Halos mailaglag ko ang dala dahil bigla nalang silang sumulpot sa likuran ko.
"Nag babanyo ha?" pang aasar ni Feign
"Nagbanyo naman talaga ko!" I roll my eyes. "Haba kaya ng pila kanina e, ihing ihi na ko kaya sa cafeteria nalang ako dumiretso." paliwanag ko
"Okay, samin ba iyan?" hindi pa ako sumasagot ay agad na nila itong kinuha.
"Nga pala, anong balita? Classmates pa rin ba tayo?"
"Ikaw mag sabi Aira, tinatamad akong mag kwento."
"Anong nakakatamad sasabihin mo lang naman! Tsk" saka nito binatukan si Feign "Oo classmate tayong tatlo, medyo madami nga lang tayong magiging bagong kakilala madaming transferee usual mga anak ng artista at mga foreigner pa nga yung iba"
"Ah ganun ba? Edi masaya, madaming bagong makilala. So, tara sa classroom?" aya ko sakanila agad naman silang sumang ayon.
Kakaupo pa lang namin sa kanya kanyang upuan ng dumating agad si Ms. Vema teacher sa art na balita ko ay magiging adviser namin ngayong taon.
Hinanap ng dalawang mata ko kung nasaan yung dalawang empakta.
Mga abnormal na yon! Nasa likod, iniwanan ako dito sa harap.
Tinignan ko sila, sinenyasan ko na lumipat sa gawi ko pero hindi nila ko pinansin. Tawa sila ng tawa habang tinitignan ako.
Mga back stabber bullshet! Hehe char
"Good morning class."
"Good morning ma'am." kaming lahat
"So, how's the vacation?"
Kanya kanyang sagot ng mga classmates ko kaya naman medyo umingay dito.
"Quiet class. Next week pa ang regular classes, may konting changing pa kaya hintay hintay lang tayo."
Halos marindi ako sa ingay dito, kaya naman kinuha ko ang airpods ko at inilagay sa tenga ko. Hindi ko pa napeplay yung music ay biglang nagsalita si Ms.
"Btw fountaineers, I want to introduce to all, Dylan Wells." biglang bumukas ang pinto.
'Wow, eksena ka men?'
Hindi pa nakakapasok yung special child ay nalaglag bigla yung pisteng G-tech ko!
Piste, nasan na punta iyon? Halos mabali ang leeg ko sa kakahanap.
Nagkagulo ang mga classmates kong babae.
The heck ano iyon artista?!
Nang maabot ko ang pen ko ay agad akong tumungo ng tingin sa harap.
'Anak ng!? Sya nanaman?!'
"Listen, galing sya sa America. Fil-Am, fluent mag tagalog kaya pwede nyo naman syang makausap." ngiting sabi ni Ms.
Napaubo ako ng makita kong gumawi ang mata nito sa gawi ako.
Awkward!
"So Dylan, kindly introduce yourself."
Ah Dylan? Whatever.
"Hi guys good morning, I'm Dylan Wells, sana lahat kayo ang maging kasundo ko" bigla itong tumingin sa mga mata ko.
Damned! Halos mapatingin sakin ang mga classmates ko sa ginagawa nyang pagtitig. Tsk ang trip ng isang to!?
"Don't worry I can speak Tagalog fluently as Ms. Vema said a while ago. You can talk me if you want" ngumiti ito
"See..." saka ito ngumiti, "Have a seat" tinuro nya ang bakanting upuan sa tabi ko.
Bigla akong tumayo.
"No! It's occupied!"
"What!? Ms. Lawson, treat your new classmate in a nice way!" sinamaan n'ya ko ng tingin
Hindi ko ito pinansin at nag matigas ako, kitang kita sa mata ni Dylan ang pagtataka at inis pero wala pa din akong paki.
"Ah Ms. kami po ang nakaupo dyan." biglang singit ni Aira kasama si Feign, "Doon ka nalang umupo Dylan." turo nya doon sa likod
"Very good Aira." papuri nito pero masama pa rin ang tingin sakin ni Ms.
Hanapin mo paki! Kahit lumuhod ka, ayaw kong maging seatmate ang hinayupak na mayabang na 'yon.
"May hindi ka sinasabi sa amin." banat ni Feign ng makaupo kami
"What the hell are you talking about!?"
"Wag mo kong maenglish english ha!? Ge kwento muna, naghihintay kami."
"Wow! Seriously!?"
Binatukan ako ni Aira "Sige Kelley! Deny pa hindi lang yan aabutin mo!"
"Tumigil nga kayo, wala akong ikukwento okay!?"
"O wala daw, humanda ka samin mamayang uwian." banta nilang pareho
"Whatever!"
Natapos ang maghapon na walang oras na hindi ako kinulit ng dalawa.
"Tama na sabi eh!"
Halos pumutok ang ugat ko sa sobrang pikon sa dalawa.
"Kung kanina kapa nag kwento edi sana kanina pa kami tumahimik" tumawa sila pareho
"Shut up!"
"Oy! Si Dylan." turo ni Feign hindi pa to nakontento tinawag nya pa ito.
"OY DYLANNNNNN!" sigaw ng gaga.
"Pota! Ang ingay mo!" tinakpan ko ang bibig nito pero huli na ang lahat dahil napatingin na ito sa gawi namin.
"Bitawan mo nga ko!"
"Tumigil nga kayong dalawa!" sigaw ni Aira "Tumingin lang dito, wag kayong oa!" she roll her eyes.
"Ako pa oa!? Baka yang si Kelley!" duro nya
"Tsh! Uwi na ko bahala kayo jan!" saka ko pinabusina ang kotse ko. "Ingat."
to be continued..
Download NovelToon APP on App Store and Google Play