NovelToon NovelToon

Agana-Moon University

• DISCLAIMER •

Magandang umaga, tanghali, hapon at gabi

Gusto ko lang sabihin na bago ka pumunta sa susunod na parte nitong istorya ay basahin mo muna ito.

Ginawa ko itong istorya na ito dala ng aking malawak na imahinasyon at dala na rin ng wala akong magawa sa aking bahay kaya naisipan kong gawin ito at binabalaan kita kung matatakutin, mainipin, at may sakit ka sa puso ay wag mo nang basahin ang istoryang ito.

Meron itong parte na may masasakit, malalaswa at masasamang salita at Kung ano ano pang masasamang bagay kaya kung ayaw mo o sensitibo ka sa mga nabanggit ko ay wag ka nang tumuloy at pumunta na lang sa ibang storya.

inuulit ko matutong ilayo o iiba ang fiction sa reality dahil magkaiba sila, sinasabi ko lang ang mga bagay na ito dahil baka kasi ay ganoon ang ginagawa mo pag nagbabasa ng iistorya pero hindi kita masisisi dahil sarili mong desisyon iyan.

Ito ay Pinaghalong action, romance, thriller, mystery, kaunting Drama at Komeito at may mga gagawin din akong mga bagay bagay sa mga karakter o takbo nitong storya, depende na iyon sa aken kung ano ang gagawin ko, kung gagawin ko ba o hindi, kung maibigan ng isip ko ay baka mangyari nga na baguhin ko ang takbo nitong storya at hindi rin ako naglagay ng mga Plot, karakter, framework at iba dahil gusto kong kayo na mismo ang makatuklas kung sino o ano ang karakter at ang iba pa kaya kung pursigido ka talagang basahin ito ay humahanga ako sayo.

Marami na kong nasasabi at first time ko palang magsulat kaya kung may mali man ako or pagkakamali ay pwedeng pwede mong sabihin ng maayos at malinaw para matama ko ito, di ko alam kung may magbabasa ba nito sa hinaharap pero gusto ko lang sabihin na salamat sa magbabasa nito at sa mga magbabasa pa nito dahil pinaghirapan ko itong gawin kahit na nagsusulat lang ako ay nahihirapan din ako, well lahat naman tayo pati na ang mga writer's dito.

At kung matapos mo naman ang istoryang ito ay pwedeng pwede mo itong ibahagi sa mga kakilala mo na mahilig magbasa ng ganitong klaseng libro o storya kung iyo ay depende sayo at kung ayaw mo naman ibahagi ay ayos lang din, nagpapasalamat pa din ako sayo dahil binasa mo ito.

Ayun lamang at sa muli, kung ayos lang sa iyo ang mga sinabi ko dyan ay maari ka nang tumuloy sa susunod na parte nitong storya at ang masasabi ko lang sa iyo ay sana magustuhan at tangkilikin mo pa ang Istoryang ito.

Maraming salamat sa pagbabasa nitong mahaba at mahalagang parte nitong storya sana ay hindi ka napagod o nainis sa pagbabasa nitong maikli kong pagpapahayag

masyadong mahaba pero wala akong magagawa dahil utak ko na mismo ang nagsasabi na gawin mo ito,gawin mo iyan

at di ko alam kung may magbabasa nitong storya ko pero sana ay meron naman, yun lamang salamat sa pagbabasa nito! Love lots

readers, bye!

|• Synopsis •|

Isang malaki at matayog na paaralan, isa ito sa pinapangarap ng mga ibang mag aaral na nag aaral sa tipikal na paaralan na may malaking pangarap.

para sa nakararami ay napakaperpekto nito at wala nang tatalo pa dito,maraming tao na ang sumubok na makapag enroll o pumasok dito pero iba sa mga ito ay hindi nakapasok o natanggap ng paaralan dahil sa ibat ibang klaseng rason na sila lang ang nakakaalam.

May mga ilan ding mga masweswerteng tao ang inalok ng paaralan para mag aral dito, upang mas humusay o tumalas pa ang kanilang talento o isip.

wala pang isang nagtangkang sirain ang imahe ng paaralan dahil sa hindi malamang dahilan, walang may alam, walang nakakaalam at walang makakaalam kundi ang mga namamahala dito.

Ngunit lingid sa kaalaman ng iba ay meron isang sekretong ilang daang taon ng tinatago ng paaralan na ito, kasing luma ng paaralan ang sekreto at magkasing tibay ang sekretong ito at ang istraktura ng paaralan.

_______

Sila? tanong na unang sumagi sa aking isipan habang nakatitig sa mga mukha ng mga ito at biglang may kung anong bumara sa lalamunan ko dahilan upang wala akong masabing kahit isang salita.

Hindi ako makapaniwala, hindi ko kayang tanggapin at hindi ko matatanggap, bakit sa dinarami rami ng tao... sila pa? bakit? bakit?!

Pakiramdam ko ay parang bibigay na ang tuhod ko at parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang sakit ng nangyayari sa aken ngayon, hindi! hindi! panaginip lang ito.

Tinapik tapik ko ang pisngi at ang buong mukha ko at nagbabasakali na panaginip lang lahat ng ito, baka pinaglalaruan na naman ako ng panaginip ko pero hindi... ayaw.. bakit ayaw? panaginip lang to! gising! Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang dahil sa nararamdaman ko at mas humigpit pa ang kapit ko dito, pahigpit ng pahigpit.

Umiling ako, hindi totoo to! panaginip lang to! bakit ayaw?! magising ka na! Saad ko sa isip ko habang nakapikit ng mariin.

Muli akong dumilat at walang pinagbago, nandito parin ako at nakatayo parin sila habang nakatitig sa aken kaya nagsimulang uminit ang gilid ng mata ko ng tumingin ako sa mga mata nila na ngayon ay walang emosyon at may bahid ng kung anong madilim na aura.

Nanatili akong nakatingin sa mga mata nila na nakatingin lang sa mga mata ko kaya mas lalong tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan,hindi ko alam kung anong nagawa ko para gawin nila ito sa aken.

" Bakit? " Unang salitang lumabas sa bibig ko habang nakatingin sa mga mata nila pero di sila nagsalita at nanatili lang na nakatayo sa harapan ko na parang estatwa kaya napahagulgol ako dahil doon, hindi ko na kaya… ayoko na… ano bang ginawa ko?

patuloy lang ako sa paghagulgol gamit ang natitira kong lakas ay unti unti akong tumayo habang nakatingin sa ibaba dahil hindi ko sila kayang tignan, hindi ko kaya.

Tumalikod ako tsaka lumakad upang makalayo sa presensiya nila na hindi ko alam kung anong klaseng presensiya ang bumabalot sa kanila, hindi ko na kakayanin pang harapin sila dahil sa nangyari,hindi nila ako sasagutin dahil sino ba ko? Wala lang ako sa kanila at alam ko na iyon.

Magpapakalayo ako kung kakayanin ay pupunta ako sa malayong lugar kung saan hindi ko sila magkikita o makakasalubong man lang, gusto kong magbagong buhay at kalimutan ang mga memorya ko dito at pangyayaring ito.

kailangan kong itago ito sa kanila at ayokong malaman nila ang sitwasyon ko dahil kaya ko naman buhayin ang sarili ko ng wala sila, kakayanin ko para lang makalayo sa kanila.

Habang papalayo ako ng papalayo ay siyang pag dilim ng paningin ko at medyo nahihilo narin ako dahil sa di malamang dahilan, anong nangyayari saken? Pinilit kong wag ipikit ang mata ko pero mas malakas ang pwersa na nagsasara dito kaya kusa ng sumara ang mata ko at doon na dumilim ang paningin ko,naramdaman ko na lang na nasa sahig na ako.

Gising parin ang diwa ko pero tulog ang katawan ko, hindi ko magalaw ang mga kamay at paa ko na para bang may kumokontrol dito, pilit kong binubuksan ang mga mata ko dahil gusto ko ng umalis sa lugar na ito, kailangan ko ng lumayo…….

Sa kabila ng pagpipilit ko ay hindi ko na kinaya pa ng lakas ang pakiramdam ko at unti unti nang nilamon ng dilim ang buong diwa ko.

|•Page 1•|

Kailan ba ang huling beses na natulog ako ng ganitong kahimbing? siguro mabait ang diyos ngayong araw na to, sana nga.

Lumakad ako papuntang banyo at naligo ng ilang oras dahil ngayon ang unang araw ko sa kolehiyo kaya ayaw kong malate kaya maaga akong nagising.

Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa kusina upang magluto pero naalala ko na wala na pala akong stock ng pagkain kaya napahinto ako, kailangan ko ng mag grocery

kinuha ko ang bag ki na may laman ng lahat ng kakailanganin ko para sa pag aaral sa kolehiyo.

Sinarado ko ng mabuti ang pintuan para walang makapasok ng magnanakaw o hindi kilalang tao at paglingon ko ay siyang pagdating ng isang itim na sasakyan, eto na siguro iyon..... wala na akong sinayang na oras at binuksan ang pintuan tsaka sumakay.

Agad naman itong umandar pagkasakay ko

kinuha ko ang bag ko at yinakap ito, humikab ako habang nakatingin sa bintana, matutulog na lang muna siguro ako,gigisingin naman ata ako ng driver.

Umidlip ako sandali dahil inaantok pa ako dala na siguro ay kulang pa sa aken ang walong oras na tulog, hindi ko alam kung bakit maaantukin ako siguro dahil to sa kakapuyat ko.

________

Nagising ako sa pagkakahimbing ng may tumatapik sa balikat ko kaya dinilat ko ang mata ko.

" Nandito na tayo" Saad ng driver at napaupo ako dahil doon, sinilip ko ang paligid at laking gulat ko ng makita kong madilim na ang paligid, Hala!! Ilang oras ba ko nakatulog??!

Bakit gabi na agad?!

" Wag kang mag alala sa gabi nag sisimula ang mga klase at maaga pa kaya mayroon ka pang natitirang minuto para sa unang klase mo" saad ng driver kaya napalingon ako dito, hayss... buti naman akala ko late na ko eh! muntik na kong atakihin sa puso.

" Ah, ganun po ba? Salamat po" nahihiya kong saad at ngumiti ng bahagya, tumango naman siya at napagpasiyahan ko ng bumaba, nakakahiya naman sa driver kung magtatagal pa ko dun.

Inilibot ko ang mata ko sa buong paligid, teka... Saang lugar ba ito? Bahala na, naglakad ako patungong pasukan o entrance nitong buong unibersidad para pumasok at napahinto ako dahil wala pa pala akong id, wait… yung papel.

Kinuha ko ang papel na nasa bag ko at nagpatuloy sa pagpasok, binigay ko sa guwardya ang papel at tumango siya kaya dumiretso ako ng pasok sa loob ng Unibersidad at isa lang ang masasabi ko, it's like a dream.

tinignan ko ang bawat estudyante na nag aaral, hindi na ako magtataka kung bakit maraming tao ang gustong makapasok sa unibersidad na ito dahil ang ganda at ang kakaiba ng Unibersidad na ito kumpara sa ibang Unibersidad,pinagpatuloy ko ang paglalakad papunta sa kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakatingin sa mga rosas dito sa hardin ng paaralan, hindi ko kase matiis ang halimuyak at amoy nila na nagpapakalma sa sistema ko

at sila rin ang paborito kong bulaklak maliban sa gumamela, may sinisimbolo kase ang mga bawat parte nitong rosas kaya siguro ay nagustuhan ko ito.

Habang pinagmamasdan ko ang mga rosas ay biglang humangin ng malakas dahilan upang mapalingon ako kasaba'y ng paghaplos ko sa aking braso, ang lamig... hinimas himas ko ang aking mga braso para makabuo ng init dito.

Napa angat ang ulo ko ng may maramdaman akong presensiya sa likuran ko kaya unti unti akong lumingon at nakita ko ang isang babae na nakangiti sa sa aken.

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play