NovelToon NovelToon

Arranged Marriage With Hot Nerdy Guy (Tagalog)

Arranged Marriage With Hot Nerdy Guy

This work of fiction names, characters, businesses, places, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious of manner. To any resemblance of the actual person, living or death, or actual events are purely coincidental.

This story is unedited so expect typo graphical errors, wrong spelling and grammatical errors.

I'm young and still learning how to write properly so please bear with me. And if you're looking for a perfect and heavy story don't continue reading this. Thanks!

-----

Isang dalaga na puno ng kompyansa sa sarili.

Dalaga na tinitingala ng lahat.

Dalaga na iniidolo ng karamihan.

Dalaga na kilala bilang isang matapang na babae.

At dalaga na ma-a-arranged sa isang kasalan na minsan ay hindi nito naisip na mangyayari.

"Too bad at first, but too good in the end"

Expect the unexpected love.

----

PROLOGUE

"Anjan na Siya"

"Pababa na"

"Witwiw"

"I'm excited to see my inspiration every day"

"How to be his boyfriend? I want to apply"

Binti pa lang ang kita sa babaeng pababa mula sa pulang sasakyan, pero puno na ng bulungan ang nasa paligid nito at alam na rin nila agad kung sino itong pababa mula sa pulang sasakyan. Sikat na sikat siya, paano nga bang hindi makikilala?

"She's so hot"

"May boyfriend na ba siya?"

"I want to be her husband someday"

"She's so gorgeous"

Sunod lamang ang tingin sa dalaga ng mga estudyanteng nasa paligid niya nang makababa ang dalaga sa kotseng sinasakyan nito kanina.

Parang model itong naglalakad sa hallway na diretso lamang ang tingin.

"I want to be like her"

"How to be pretty as her?"

"She looks like a barbie"

"She's pretty as always"

Hindi lang puro kalalakihan ang humahanga rito, pati na rin ang mga kababaihan. Artista at Prinsesa ang tingin sa kanya ng mga estudyanteng nakakasama nito sa campus dahil bukod sa mala artistahin nitong mukha at pangangatawan, matalino at talented rin ito. Marami mang humahanga sa kanya, hindi pa rin mawawala ang mga naiingget sa kanya.

Siya si JADE MADISON AUSTRELE mula sa mayamang pamilya. May mala artistahing kutis at pangangatawan, minsan pa ay napagkakamalan itong may lahi dahil sa kulay asul nitong mata. Queen yan ang tawag sa kaniya ng karamihan sa mga estudyanteng nasa pinapasukan nitong eskwelahan. Isa siyang spoiled brat princess ng kanilang pamilya at yan ang pagkakaalam ng mga estudyante doon. Sa Campus nila ay maraming takot sa kaniya, walang nakakahawak sa kaniya (maliban sa mga kaibigan nito) dahil sa angking nitong taray at pagiging matapang, wala itong kinatatakutan dahil siya ang kinatatakutan. Pero sa kabila nang ganyan niyang ugali, may mabuti rin naman itong puso.

At dahil sa business ng kaniyang pamilya ma-a-arrange siya sa isang kasalan na minsan ay hindi niya ginusto at hindi niya lubos na maisip na mangyayari. At ang masaklap pa, sa nerd siya maikakasal.

Ano na lang kaya ang sasabihin ng iba kung malaman nila iyon? Na ang isang sikat at hinahangaan ng lahat ay maikakasal sa isang nerd a si ELTON JOHN EFRAIM CARTER.

 

 

------

If you want to find me on my social medias account, you can find me on;

Instagram: vnx.astxrism

Twitter: bxbbly_blaiir

-----

Keep reading po!

 

 

 

 

 

 

Chapter One

JADE

Puno ng mga estudyante ang paligid habang naglalakad ako sa corridor at hindi sa pagmamayabang pero pansin ko na sa akin sila nakatingin. Sanay naman na ako sa mga titig nila pero minsan ay hindi ko parin maiwasan na hindi mailang baka kasi mamaya may dumi ako sa mukha kaya sila nakatingin.

"Jade!"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na narinig ko, and there he is. I saw my boyfriend tumatakbo palapit sakin.

He's Jordan Sittie, a famous basketball player here on our campus and he is my boyfriend.

"I miss you,” He smiled at me, I smiled back.

Pawisan ito, katatapos niya lang ata mag training. Tss, masyadong nagpapalakas, malakas naman na siya. Hindi lang sa basketball, kun’di pati sa’kin.

Eww cheesy.

"I miss you too!"

We're about to hug nang mabalik ako sa reyalidad na maraming estudyante ang nakatingin sa’min kaya naman lumayo ako nang konti kay Jordan.

Duh? Bakit ba sila nakatingin pa rin? What? They think they are watching a love story? Tss.

Humarap ako sa kanila at tinaasan sila ng isang kilay. Mabilis naman silang kumilos papasok sa kani-kanilang silid-aralan. Napairap na lang ako sa hangin.

Mga chismosa..

My boyfriend laughed, "Ano na namang ginawa mo bakit sila nawala?"

Humarap ako sa boyfriend ko saka kinurot ito sa pisngi. "Magpalit kana at bumalik na sa klase, okay?"

Tinalikuran ko na siya at naglakad patungo sa classroom. Narinig ko pa siyang tumawa. He’s so cute when he laugh! I check my wrist watch para malaman kung anong oras na. Bawal ako ma late at never pa akong na late kaya naman bawal mangyari ‘yon ngayon.

7:49 AM good to know, hindi pa ako late kaya naman binilisan ko ang paglakad bago pa maging 8 ang oras dahil simula na iyon ng klase namin.

Hindi ko naman pinansin ang mga titig nila at dumiretso na kung na saan ang upuan aking upuan.

"Bakit ngayon ka lang?" Hindi pa man ako nakakaupo nagtanong na agad tong si Dana, she's one of my friend and the other one is Roan. We're seatmates too.

"Malamang syempre nakipagkita pa yan kay Jordan” Singit ni Roan. Hindi na ako sumagot pa at pareho silang inirapan saka umupo sa gitna nilang dalawa.

***

"By the way, your Mom called earlier pinapasabi na susunduin ka." ani Roan habang nasa kalagitnaan ng klase.

"Lagi ka namang sinusundo diba? What's new?" Dana asked. I’m curious as well.

"Iyon din ang ipinagtataka ko,e." ani Roan.

"E, kung tumahimik kaya kayong dalawa kasi nagkaklase diba?"

Sabay naman silang umiwas ng tingin sa’kin at ibinalik ang focus sa prof namin na nasa harap.

Ano na naman kaya ‘tong pakulo ni Mommy, ano na naman kaya ang kailangan niya? Napabuntong hininga na lang ako sa kakaisip at hindi na makapag focus sa klase. Bakit ba kasi kailangang sabihin sa’kin ‘yon habang nagkaklase kami? Roan talaga. Haist.

***

Natapos na ang pangatlong subjects, naglalakad na kami ngayon nina Dana at Roan sa hallway patungo sa food court ng school.

"Hindi ko pa ata nakitang pumangit si Jade kahit isang beses lang."

"Siguro kung ganyan ako kaganda, magugustuhan na ako ng crush ko."

"Halos lahat ng mga lalaki dito sa campus ay interesado sa kanya."

"Tignan mo ‘tong mga lalaking ‘to kulang na lang tumulo ang laway."

"Hays, Jade, kailan ka ba hindi mapag-uusapan dito?" Tanong ni Dana.

Siguro naririnig din niya ang bulong-bulungan sa paligid habang naglalakad kami. Hindi ko alam kung bulong talaga ‘yon kasi rinig na rinig naman.

"Oo nga, hindi ba sila nagsasawa pag-usapan ka?"

Napatigil ako sa paglalakad, gano’n din ang ginawa nila at tinignan ako. I crossed my arms.

"Bakit? Don't tell me naiinggit kayo?" I asked.

Yeah, too harsh pero ganyan talaga ako sa kanilang dalawa, or must I say sa lahat?

"Come on, Jade, of course not." Depensa ni Dana. Ofcourse, hindi dapat.

"Good. We're friends tho so you don’t have to be insecure. For sure, ‘di lang ako ang pinag-uusapan ng mga yan, mas lamang lang talaga ‘yong akin." Pagbawi ko.

Totoo naman, minsan naman ay naririnig ko rin silang pinag-uusapan ng iba kapag magkakasama kami. And to tell the truth, Dana and Roan have beautiful faces. Of course they should've, hindi naman ako magkakaibigan ng hindi ka level ng itsura ko.

"Let's go, gutom na rin ako." I smiled at them at nagpatuloy na sa paglalakad. Sunod lamang ang tingin sa amin ng mga estudyanteng nadadaanan namin.

Most of the students here calling me 'Queen'. Sila na mismo nag-bant’yag niyan and I don't know why. Well, okay lang naman sa’kin but then for me it's too much? Hmm... bahala sila we're all the same student lang naman dito pero siguro hindi mawala sa kanila ang pagkahanga sa’kin. I thanked my Dad and Mom for making me have this kind of face. I wandered kung anong itsura ko kung hindi sila Mom and Dad ang nagkatuluyan. Nagkibit balikat na lang ako.

Nakarating na kami sa cafeteria and we enjoyed the foods that we bought.

***

Our class for today ended just like that.

"Bye girls!" I said my goodbye to Dana and Roan.

Ang pagkaway lang ng palad ang nagawa ko bilang sign ng pagpapaalam kina Dana at Roan. Pinagmasdan ko pa silang dalawa bago sila maghiwalay ng landas, and me? Here, standing in front of the gate waiting for my Mom and driver to arrive.

"Is that Jade?"

"Yas, I'm sure she's waiting for her Mom."

"I wish I had a pretty face like her!"

"Me to--"

Nilingon ko ang dalawang babaeng nag-uusap ‘di kalayuan sa kinatatayuan ko. Sinamaan ko sila ng tingin hudyat para maputol ng isang babae ang sasabihin niya.

So noisy, nakakairita.

Tinaasan ko sila ng isang kilay dahilan para umiba sila ng pwesto.

Magchichismisan na nga lang ipaparinig pa sa’kin. Parang gusto ko na lang tuloy maging isang nerd para sa gano’n ay hindi ako nakakakuha ng maraming atensyon ng iba. Should I disguise? Hmm...

"A-uhm... Q-Queen?"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses sa kanan ko. I saw a guy student wearing a blue lace, meaning he's grade 12 student. He was holding a phone with black case, and there were three guys pushing him.

"C-can we take a s-selfie?" Itinaas nito ang cellphone niya tila inaabot sakin, habang nakayuko pa rin ang kanyang ulo. He's trembling, masyado ba akong nakakatakot?

Agad ko namang kinuha ang phone niya saka ni-swipe pataas ang screen dahilan para lumabas ang camera. Kita ko naman ang pagkagulat sa mukha ng lalaki.

I raised my brow, "Aren't you going closer?"

Pagkatapos ko sabihin yo’n, mabilis itong kumilos para lumapit sa’kin. I clicked the button one time, and hand the phone of one of his companion to take a picture of us.

Am I this kind now? Hindi ko naman gusto na katakutan nila ako. Masyado lang ata talagang dark ang aura ko kaya sila natatakot. Isa pa hindi rin naman kasi ako palangiti, ayoko ng ingay, at mas lalong ayoko nang dinadaldal.

"Babe!"

"Andyan na si Jordan, tara na!"

After hearing those words, the four guys left running. Then I turned my head to the left to see Jordan running towards me.

"Bakit nandito ka pa? Hatid na kita." He muttered when he got close to me.

Pawis na pawis ito halatang katatapos lang mag-training dahil aside that he's sweating, he is also wearing his jersey while carrying his bag behind his back.

Hinablot ko ang white towel na hawak niya na hindi naman kalakihan. Pinunasan ko ang mga pawis na lumalandas sa katawan at mukha niya.

"I'm okay, Mom is going to pick me up." I answered while wiping his sweat.

He nodded. "Okay, then I head first." He kissed my forehead.

"Take care, I love you." I nodded and gave his towel back to him before I answered.

"You too, I love you more." I smiled and kissed him to his cheeks.

Well I don't fucking care if there's sweat running down to his face.

He smiled back then we sent our goodbyes to each other. He said he'll text or call me once he got home, I just nodded at him as an answer then he started to walk.

And the next thing I knew was my Mom was already here inside her black car, seating in the backseat.

"Get in." sinunod ko naman ang sinabi nito.

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan saka umupo sa tabi niya.

Tahimik lang ang naging byahe, nakatingin lang ako sa labas ng bintana at pinapasadahan ng tingin ang mga nadadaanan namin hanggang sa marating na namin ang bahay. Pagkatapos iparada ang sasakyan sa parking lot, bumaba na kami ni Mom sa magkabilaang pinto ng sasakyan saka nagsimulang maglakad papasok.

Imahe agad ni Dad na nakaupo sa sofa ang sumalubong sa akin. I ignore his stare and walk towards him. Aabutin ko na sana ang kamay nito para sana magmano nang bigla itong may ibinagsak na mga papel sa lamesa kaya naman naudlot ang pag-abot ko sa kamay niya at nanatiling nasa hangin ang kamay ko.

I looked at the papers before standing straight.

So, ‘yan ang rason kung bakit ako sinundo ni Mom? Heh, no doubts.

"Did you already know your scores Jade Madison Lantesa Austrelle?!" Daddy shouted out of anger.

Hindi ako sumagot, nanatili lang ang tingin ko sa ibaba.

He stood up and put his hands on his waist, "Didn't you hear me?! Hindi ka lang bobo ngayon, bingi ka pa?!"

Mom and Dad had their high standards which I can't reach. I had my limits, I can't be as smart as Kuya Jeil nor intelligent as my parents. Even if I do everything to reach their standards and be good as them I can't be like them. This is me, I am not like them. This is only what I can do, what's wrong with that? Why can't they accept it? I am only Jade Madison Lantesa Austrelle not Jeilord Amorphous Austrelle, Marigold Freise Lantesa-Austrelle or even Jeil Andrew Lantesa-Austrelle.

I am just me.

"Aren't you going to answer Madison?! Explain it to us!" Mom pointed to the papers scattered on the table.

 How could I explain if I couldn’t open my mouth, Mom?

Instead of answering those questions from Mom and Dad, I start to cry, I can't hold back these tears anymore.

"Huwag mo kaming daanin sa pag iyak mo, sagutin mo kami!" Dad exclaimed.

Can't you just lower your standard, ha? Mom, Dad?

"Why did you got a wrong answer here?! It just a simple question Madison!" Umalingawngaw ang boses ng ina ko sa buong bahay, mababakas mo talaga sa mukha nito ang galit. Sa tingin ko nga ay nakatingin na sa amin ang ibang mga katulong para silipin kung ano ang nangyayari.

I took a deep breath, "I've only got 2 wrongs in World history, 1 in gen mathematics. There's only 3 wrongs in total in all of my subjects. What's wrong wi--"

Dad cut my words before it went finished.

"Only 3? Did you hear yourself ha, Jade?! Zero was different to 3! Why can't you just perfect your score to all of your subjects?!" Dad’s voice went higher even more.

Napapikit na lamang ako para pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

Yeah, Dad. Why can't I?

Why can’t I? I can’t because I am not you! I am not Jeilord Austrelle who can perfect those exams! And I am not Marigold Austrelle who's always in the rank 1! And I am not also Jeil Austrelle who's as intelligent as the both of you! You always said that I should be always on top, I must perfect all exams! You always see my mistakes, but can't you see my effort even once? I am always on top, people in school complimented me like I was the perfect person they've ever seen. But both of you couldn’t see it! And you two didn't see me as your daughter, Jade Madison but only a trash!

Those words I want to pull out but I don't have the guts to say it loud. I couldn’t shout and speak those words out.

Gusto ko ‘yan ipagsigawan sa pagmumukha nila para malaman nila kung ano ang hirap ko sa pag-effort para lang mapantayan sila, para ipagmalaki tulad ng ginagawa nila kay kuya. Ginagawa ko naman lahat para i-prove na kaya ko rin pero anong magagawa ko? Tao rin naman ako nagkakamali, ano bang mali doon?

"Go to your room!” Dad pointed his finger to the stair. “If you won't take the top place this 1st semester, you better be ready with your luggage and I will send you abroad!"

And now he is threatening me.

I took the papers and ran till I reached my room then cried as I locked the door.

I know I did everything I could but I think it's not enough. Should I study more? Go in the library thrice a day? And study again when I get home? It's that what they want?

Hinayaan ko lang na dumulas ang likod ko mula sa pinto para dalhin ako nito papa-upo. Wala akong tigil sa kakaiyak, ang papel na kanina'y maayos at diretso, ngayon ay lukot lukot na.

I won't let them send me abroad, I'll do everything to make myself into the top. I won't let anyone steal my throne. Just wait and see.

I am the Queen and I'm always at the top.

Chapter Two

EFRAIM

"Why would I have to transfer?" Walang gana kong tanong sa aking ina.

Nasa loob kami ng sasakyan habang ako ay nakatingin lang sa labas, pinapasadahan ng tingin ang mga nadadaanan namin.

I'm from Yelnut Acadamey, most of the students there are geeks and there where I belong. I don't know why, my Mom and Dad suddenly fixed the papers for my transferring. And they already had a specific school where I'm going to transfer. I didn't have a bad grades, so what's the purpose of doing that?

"Because your fiance is there." sa gulat sa sinagot ng ina ko, nalingon ko ito at kita ko ang malawak nitong ngiti.

Is she serious? Fiance? When did I proposed to someone? I'm not even attracted with anyone. And I'm only a Senior high school after all.

"F-fiance?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Sa ngiti niya ay mukhang hindi ito nagbibiro. Hinawakan nito ang palad ko na nakahawak sa hita ko.

Paano at kailan ako nagawang ipagkasundo ng magulang ko? At sa hindi ko pa kilala? Paano kung pangit yun? Siguro naman hindi, hindi ako ipapakasal ni Mom sa pangit. Yes I'm a nerd pero mapili parin ako. Hindi ko alam kung kailan ba ako na attract sa babae o kung may nagustuhan na ba ako. Sana nagbibiro lang itong katabi ko, ayoko pa matali sa ganitong edad, I'm only in the age of 18!

"Yes. She's gorgeous, has a good standing in grades and super popular in that school. She's almost perfect son!" Kwento ni mom na tila manghang manghang sa babaeng tinutukoy nito. Napailing na lang ako.

"You can't be serious." nasagot ko na lang saka ibinalik ang tingin sa labas.

Baka nagbibiro lang itong nanay ko. Bakit niya ipagkakasundo ang anak na katulad ko sa babaeng tinutukoy nito? She said that girl is almost perfect, so we're not match I'm a nerd tho. Iisipin ko palang na makita ako nun ay mandidiri na agad yun sakin. Bakit sa dinami rami na pwedeng maipagkasundo sa kanya, bakit ang isang katulad ko pa? Why does the almost perfect girl have to be arranged marriage with a nerd like me?

"Come on son, why don't you stop wearing that thick eyeglasses of yours? And fix your messy hair, and be handsome to her eyes, hmm?" Napairap na lang ako sa hangin, hindi ko parin siya nililingon.

So, seryoso pala talaga yung sinabi niya? Alam na kaya ito ni dad? Napabuntong hininga na lang ako sa naisip. Ofcourse he knew, hindi naman magdedesisyon si Mom ng walang tulong ni Dad.

Hindi rin nagtagal ay natunton na rin naman ang eskwelahan na tinutukoy ni Mom. The driver parked the car first in parking lot before we go to the head's office.

We are walking silently. Ramdam ko ang tingin sa amin ng ibang estudyante. Sino ba ang hindi mapapatingin? Maganda at mukhang model ang kasama ko samantalang siya naman ay kasama ang anak niyang nerd. Mom is in mid 50's but she looks in 30's. Bakit nga pala ang daming estudyante ngayon na pagala gala? Anong oras na ba?

Sinilip ko ang wrist watch ko at nakitang alas 12 na pala, siguro ay break time na kaya andaming estudyante dito sa hallway.

"Excuse me? Where's the head's office?" Tumigil kami sa paglalakad nang may makasalubong kaming estudyante at tinanong ito ni mommy.

"Diretso lang po kayo sa building na yun makikita niyo na po yung office." magalang na sagot naman ng babae.

Halos lahat ng estudyante dito, kung titignan ay puro anak mayaman. Tulad na lang ng isang babae na pinagtanungan ni Mom. Maganda, makinis ang balat, maputi, mahaba ang buhok, may mapupulang labi at maayos ang kasuotan, hindi na rin masama ang katawan nito.

What the F, Efraim? What are you thinking?

"Thank you, hija." nakangiting pasasalamat ng ina ko sa babaeng pinagtanungan niya pagtapos nun ay naglakad na kami.

"Dana!"

Rinig kong sigaw ng isang babae sa hindi kalayuan. Nilingon ko iyon, at may kasama itong isang babae na nakahawak sa braso ng isang lalaki, papalapit ata sila sa babaeng pinagtanungan ni mom. So Dana is her name? Alright.

"Kahit saan mo talaga tignan si Queen, ay napaka ganda niya."

"Hindi lang iyon, lagi pa siyang nasa top!"

"Beauty with brain ika nga."

Rinig kong usapan sa corridor 'di kalayuan sa tatahakin naming office. Who's queen? Pangalan ba 'yon o tawag lang nila sa babaeng hinahangaan nila? Queen? Really? Pfft, my mind wants to laugh.

"Good morning ma'am what can I help you?"

"I'm Mrs. Arlene Carter and this is my son, Elton John Efraim Carter."

"Oh so your son is the transfer student from Yelnut Academy and..." At nagpatuloy na nga sila sa pag uusap.

Nandito na kami ngayon sa head's office. Nakaupo kaming dalawa na mom sa harap ng lalaking kausap ngayon ng nanay ko. At para libangin ang sarili ay inilibot ko ang paningin sa malaking silid na ito. May malaking pangalan ng school sa likod ng lalaking kausap namin ngayon. Sa gilid kaliwa naman niya ay malaking vase na may halaman sa loob. Sa kanang bahagi naman niya ay mga picture ng mga estudyante na may pangalan. Hindi ko masyadong makita dahil maliliit lang ang letra. Pero isa lang ang napansin ko, ang imahe ng babae sa pinaka tuktok ng mga pictures ng 15 students. Siya yung babaeng kasama nung tumawag sa babaeng nag ngangalang 'Dana'.

"Hindi lang iyon, lagi pa siyang nasa top!" bigla kong naalala sa narinig kanina.

Is she the Queen?

Is there possible na ang tinutukoy ni Mom na 'almost perfect' na babae ay si--

"Son."

Nabalik na lang ako sa wisyo nang tapikin ako ni mom.

 

 

JADE

"It's like that we're having a new students here." sabi ni Dana na nilingon pa ang kausap nitong babae kanina na may kasamang... geek?

Kanina pa namin to hinahanap, tinaguan ba naman kami after ng Genmath kanina dahil siya ang pinaka mababang score sa na nakuha sa aming tatlo. Ang consequence lang naman ay ang manlibre ngayon break time, bakit parang ang big deal sa kanya nun e andami naman nitong pera. Hay nako Dana.

"We don't care, treat us! Let's go." at hinablot na nga ni Roan ang braso ni Dana at nag mamadaling naglakad papunta sa food court.

Napairap na lang ako. They are running now. Isn't bad to act childish in 17 years old? 'Cause my friends are acting childish. Err.

Nakarating na kami sa food court at hindi naman kami natagalan sa paghahanap ng mauupuan. Si Jordan na ang nagpresentang bumili sa counter ng mga kakainin namin. Kasama namin siya dito sa pwestong kakainan namin, samantala naman ang mga ka varsity player nito ay nasa kabilang desk, kalapit lang namin.

"Gwapo ba yung transfer?" Tanong ni Roan kay Dana na kinakalikot ang cellphone niya. Agad namang nakuha ni Roan ang atensyon niya dahil mabilis itong lumingon kay Roan.

Nagsisimula nanaman ang pang huhunting niya ng mga gwapo, psh. Bakit hindi na lang siya maghintay ng lalaki? Hindi yung siya pa ang hahanap sa mga yun. Ugh, this girl is having fun playing with guys. I wondered if there's already someone who takes her virginity away from her. But base on her story, she's only teasing guys and make them horny then leave after that. Sinong matinong babae ang gagawa nun? There's nothing but my bitch friend, Roannae Ignacio.

"Yes! He's wearing a thick glasses but honestly..." huminto sa pagsasalita si Dana at parang nag iisip dahil nilagay nito sa nababa niya ang kanyang hintuturo. "I didn't see his face clearly, hehe." pagpapatuloy niya sabay kamot sa ulo. Si Roan naman ay napairap na lang sa isinagot ni Dana.

Inabot ko ang dalang tray ni Jordan para tulungan itong ilapag sa desk. Nilagay ko sa harap nina Roan at Dana ang pinabili nilang pagkain kay Jordan. Wow ha? Am I serving them? Umupo naman sa tabi ko si Jordan na pawis na pawis, mukhang pinagkaguluhan siya doon ha? Kinuha ko ang panyo ko saka maingat na pinunasan ang mukha niya. Ngumiti naman ito sakin na siya ikinangiti ko rin.

"How could you! Tsk." inirapan nito si Dana saka padabog na kinuha nito ang kutsara.

Why? Is she disappointed? Kailan ba matututo ang isang ito? Naghahanap nanaman siya ng bagong bibiktimahin.

"Duh, I'm only guessing." inirapan din nito si Roan saka nagsimulang kumain. At ako naman ay napailing na lang sa kanilang dalawa saka nagsimula na ring kumain. "At isa pa, halos lahat naman ng estudyante dito ay magaganda ang itsura 'no, tsk." dugtong pa nitong ni Dana.

Hindi na ba sila titigil? Iisang lalaki lang naman yun, ang dami dami dyan, e.

Hindi ko na lang sila pinansin, pinagtuunan ko na lang itong pagkain ko hanggang sa magsalita ang gwapo kong boyfriend.

"Why Roan? Are you hunting again? Hahaha." inirapan lang ito ni Roan at si Dana naman ang sumagot.

"Oo Jordan, ewan ko jan kay Roan, andyan naman si Arnold." ani Dana na dinamay pa ang ka team mate ni Jordan na si Arnold.

Matagal nang may gusto si Arnold kay Roan pero itong si Roan ay todo iwas kay Arnold. Si Dana at Jordan naman ay nagkakasundo sa pang aasar kay Roan about kay Arnold. At ako? Tiga pakinig lang nila ako, aside sa wala akong sasabihin, nakakapagod rin magsalita. But I ship them also. They're both good looking, they match each other. Ewan ko lang talaga dito kay Roan bakit ayaw na ayaw kay Arnold.

Pagkatapos namin kumain ay umakyat na kami dahil baka malate kami sa next subject. Hinatid kami nina Jordan at Arnold sa room since hindi naman namin sila classmate.

"You better go, baka malate ka pa." sabi ko kay Jordan.

Nandito kami sa harap ng pintuan ng room, sina Dana naman ay naka upo na sa kanilang upuan.

"Okay babe, study well. I love you." he kissed my forehead.

"I love you, too." I smiled.

"Oh my ghad are we watching a love story?"

"Jordan is lucky to be Queen's boyfriend."

"I'm jealous!"

"Eee so sweet~"

"Aren't they going to kiss? I'm waiting!"

"KIIIIISS!!"

"Kiss! Kiss! Kiss!.."

What the hell is wrong with them? Can't they mind their own business?

Dahan dahan kong nilingon ang mga chismoso't chismosa kong mga classmate dala ang pamatay kong tingin.

"Ki--"

They stopped from shouting as I glared. And they go back to their seats and pretending to do something. Tsk.

I looked back to my handsome boyfriend to give my go signal for him to walk, going back to his classroom. As he gone, the prof's arrival so that I go back to my sit and get my history book.

"We have new comer, come infront introduce yourself."

Napatigil ako sa pagbuklat ng libro nang marinig ang sinabi ng prof namin.

The new transfer student is in our section?

Ang section na kinalalagyan ko ay ang ranking section, na kung sino ang makapasok sa top 15 ay kinukuhanan ang mga estudyante ng picture kasama ang pangalan at inilalagay sa bulletin board at ididisplay rin sa head's office. This section is special, ang may 95 and above na average lang ang pwedeng makapasok sa section na to.

So this transfer student is pretty smart, isn't he?

Mula sa labas, ay naglakad papasok ng silid ang lalaking nakatungo ang ulo. May bitbit-bitbit itong tatlong libro na yakap yakap ng mga braso niya.

Huminto ito sa gitna saka nag angat ng tingin.

Matangkad, kutis na maputi, magulong buhok, makakapal na lenses ng salamin, maayos na yuniporme at makintab na sapatos.

Oo, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Siya ba yung kanina?" Bulong ni Roan kay Dana, tumango naman si Dana bilang sagot.

"You bitch you said he was handsome." she is calling Dana a bitch but she's the one who is a bitch. Is she forgotten?

"Speak" -prof

"Didn't I said I was guessing? Tsk."

"Did you two please shut up? He's going to introduce himself," and then they finally zip their mouth.

Kung matalino man ang isang to, hindi ako pwedeng magpadaig. Ayoko mapunta sa ibang bansa dahil hindi ko na abot ang standard ni mom at dad. At mas ayokong madaigan ng isang transfer student knowing that he's a geek. He can maybe go in 2nd rank but not in my place, the 1st rank.

Nakatitig lang ako rito at inaabangan siyang magsalita hanggang sa mapadako ang tingin nito sakin na siyang ikinaiwas ko ng tingin.

"I am Elton John Efraim Carter, transfer student from Yelnut Academy. I hope we can get along."

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play