NovelToon NovelToon

Written In The Stars ( Tagalog )

Prologue

ISANG HALIK….

Sabi sa alamat, halik ng isang dalaga ang tanging makakapaggising sa misteryosong prinsipe na mahabang panahon nang natutulog sa isang mahiwagang kastilo. Marami nang kababaihan ang nagtangkang hanapin ito. Pero tanging si Prinsesa Zari lamang ang matapang na humarap sa malupit na mangkukulam na siyang nagbigay ng sumpang bumabalot sa buong kaharian.

Gamit ang espandang minana pa niya mula sa kanyang Amang Hari ay nagawa niyang saksakin sa mismong puso ang naturang mangkukulam.

Humandusay ito sa maalikabok na sahig.

Duguan.

At nangingisay-ngisay pa habang unti-unti nang nalalagutan ng hininga.

Nang masiguro na ni Prinsesa Zari na wala na itong buhay, saka na niya naisipang hanapin ang kinaroroonan ng prinsipe. Hinalughog niya ang bawat sulok ng kastilo. Halos lahat ng silid roon ay kanyang pinagbubuksan. Wala siyang pakealam kung puno man iyon ng mga alikabok, makita lamang niya ang prinsipeng matagal nang naghihintay sa kanya.

Nakarating na siya sa pinakaitaas ng kastilo kung saan may nakita siya roong isang silid. At hindi na siya nagdalawang-isip pa na bukas iyon. Nang sumilip siya sa loob ay nakita niya ang prinsipeng mapayapang nakahiga sa kamang pinalilibutan ng mga tuyong sanga ng rosas.

Humakbang siya papasok ng silid.

Nilapitan niya ang prinsipe.

Pinagmasdan niya ito.

At hindi niya maiwasan ang mamangha rito dahil para lang itong isang anghel na natutulog na walang kamalay-malay sa mga nangyayari.

Napakaamo ng mukha nito.

Matangos ang ilong.

Mahaba ang mga pilik-mata.

At mamula-mula pa ang mga labi.

Sinubukan niyang hawakan ang kamay ng prinsipe upang suriin kung may buhay pa ito. At saka siya nagpakawala ng matamis na ngiti nang makaramdam siya ng init na nagmumula sa palad nito.

“Ang lambot at ang bango, amoy-rosas!” buong pagkahanga niya. Parang wala na nga siyang balak na bitawan ang kamay ng prinsipe hanggang sa isang pamilyar na tinig ang kanyang narinig.

“Mahal na Prinsesa…” sabi ng boses ng isang lalaki, “…Ang halik mo, Mahal na Prinsesa. Ang halik mo lamang ang tanging paraan upang magising ang Mahal naming Prinsipe.”

“B-big brother?” tanong niya habang panay ang paglinga-linga sa paligid. Iyon ang natawag niya sa misteryosong tinig dahil kaboses nito iyong boses sa isang sikat na reality show.

Hindi rin naman lingid sa kanyang kaalaman ang tungkol sa sumpang bumabalot sa Mahal na Prinsipe at sa buong kaharian nito. Pero siya nga ba talaga ang itinakdang babaeng makakatanggal ng sumpa? Maswerte ba siya o malas? Maswerte, dahil magkakaroon na siya ng kasintahan? O malas, dahil wala na siyang ibang pagpipilian kungdi ang isuko ang unang halik niya sa isang lalaking hindi naman talaga niya lubusang kilala.

“Hindi ‘yan magigising kung tititigan mo lang!” parang galit pang pagsita ng misteryosong tinig.

“Opo-Opo!” pagsuko niya sabay taas pa ng dalawang kamay.

Muli na niyang tinignan ang prinsipe, at napabuntong-hininga muna siya bago niya unti-unting inilapit ang kanyang mukha sa mukha nito.

Hayan na…

Malapit na…

Ilang inches na lang…

Ilang centimeter na lang…

ITUTULOY...

Chapter One

...CHAPTER ONE...

“ZARI! ZARI!”

Napakislot si Zari sa kanyang kinauupunan nang maramdaman niyang may yumuyugyog sa kanya. At nang unti-unti na niyang idinilat ang kanyang mga mata ay naaninagan niya ang mukha ng kanyang Tita Edna. Wala sa loob na bumangon siya, sabay ang pagpunas ng kanyang bibig. Pakiramdam kasi niya, tumulo ang laway niya dahil sa magandang panaginip niya.

“Nandito na tayo!”

Bigla namang nagising ang diwa niya, sabay ang pagbaling sa bintana ng sasakyan.

Kasalukuyan nang nakaparada ang sasakyan ng kanyang Tita Edna sa isang bakuran na may napakadaming iba’t ibang klaseng halaman. Hindi na rin nawala sa kanyang paningin ang malaking bahay sa tapat. At kahit hindi pa niya ito nakikita sa loob, alam niyang napakaganda nito.

“Let’s go!” aya na ng kanyang Tita Edna, saka bumaba na ito ng sasakyan.

Sumunod naman siya. Nagtungo siya sa likod ng sasakyan kung saan inilabas ni Tita Edna ang dalawang bagahe niya.

“Ang laki-laki naman ng bahay n’yo, Tita!” buong pagkamanghang komento niya.

“Kaya nga eh. Iilan lang kaming nakatira d’yan! Tara na sa loob! I’m sure, hinihintay ka na ni Jhay-jhay!”

Nakangiting tumango na lang siya. At saka siya sumunod sa kanyang Tita Edna papasok ng bahay. Nasa pintuan palang siya ay para na siyang nalulula sa laki at ganda ng kanyang nakikita.

“Hey, Mr. Gerald? Where are you going?”

Nadinig niyang pagtatanong ng kanyang Tita Edna kaya napabaling ang kanyang tingin sa hagdaan kung saan nakita niya ang isang lalaking pababa roon. Para namang biglang bumagal ang takbo ng oras sa pagitan nila nang masilayan niya ang guwapong mukha nito. Kaagad niyang napansin ang matangos nitong ilong, at kissable nitong lips. Mabilis niyang naramdaman ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib habang unti-unti itong lumapit sa kanila.

“Mmmmmaaaaayyyyyy prrrrraaaacccttttttiiicccceeee kaaaaaammmiiii ssssssaaaaa baaaahaaayyyy niiilllaaa Ryyyyyyooooo…”

Slow-motion effect sa kanyang paningin ang bawat kilos ng lalaking ito. ‘Ni hindi nga niya naintindihan ang mga salitang binigkas nito, eh.

“Ka gwapo man sang lalaki nga ini!” wala sa loob kong bulong na ang ibig sabihin ay ‘Ang guwapo naman ng lalaking ito.’

“Hello?” kumaway-kaway pa ang naturang lalaki sa harapan niya na siyang dahilan para muling magbalik ang kanyang diwa sa kasalukuyang panahon at oras.

“H-hi!” bati naman niya sabay ang pagyuko sa harapan nito.

Bahagya naman natawa ang lalaki sa kanya. Pero ilang saglit pa ay muli itong ngumiti. At doon lumabas ang pantay-pantay nitong mga ngipin na parang isa itong endoser ng brand ng toothpaste.

“I’m Gerald Tamayo. Your Auntie’s Brother-in-law! Nice to meet you, Zari!” sabi nito. At naglahad pa ito ng kamay sa kanyang harapan.

Kahit loading pa sa kanyang utak ang sinabi nito ay nakuha pa rin niyang makipag-shakehands. Doon niya naramdaman ang mainit at malambot nitong mga palad. Parang palad ng prinsipe sa kanyang panaginip. Dahilan parang kumabog ng malakas ng dibdib niya.

“Nagpaalam ka ba sa Kuya mo?” biglang tanong ni Tita Edna.

“Yup!” nakangiting tumango naman si Gerald.

“Baka hindi ka na naman umuwi, ah!” may galit na paninita ng kanyang Tita Edna.

“Practice lang, ate! Every Saturday Night lang naman ang gig namin! Dito ako magdi-dinner!” paliwanag nito, “Okay! I have to go na! Hinihintay na ako nila Ryo!”

Aktong magsasalita pa sana si Tita Edna nang nagmamadali na itong lumabas ng bahay. Wala na itong nagawa pa kungdi ang mapabuntong-hininga.

“Hay, mas inuuna pa niya ang banda kesa sa pag-aaral niya! Kapag nalaman-laman lang ito ni Papa, tiyak magagalit ‘yun!” napapailing na sabi pa ni Tita Edna.

“Siya po ba ‘yung nakakabatang kapatid ni Tito Felix? Bakit hindi ko siya nakita ‘nung kinasal kayo?” nagtatakang tanong ko.

“Nasa Canada kasi siya ‘nun, at si Papa at Mama lang umattend ‘nun sa kasal namin,” paliwanag ni Tita Edna, “Nang mamatay si Mama, three years ago, nag-asawa ulit si Papa. At hindi iyon nagustuhan ni Gerald. Kaya umuwi siya rito sa Pilipinas, two years ago. At dito siya ngayon sa amin nakatira. Iyon nga lang, gusto ni Papa na makapagtapos siya ng Engineering katulad nito, at ng Tito Felix mo. Pero sa nakikita ko, passion ni Gerald ang pagbabanda. Mas nauubos pa ang panahon at oras niya sa kanyang mga kaibigan. May usapan sila ng Tito Felix mo, papayagan niyang magbanda si Gerald basta huwag niyang pababayaan ang pag-aaral.”

“Ahhh…” napatangu-tango naman siya.

“Tara! Tara! Puntahan na natin ang pinsan mo! I’m sure, excited siyang makita ka ulit!” natutuwang hinila siya papasok sa isang silid kung saan bumungad sa kanyang paningin ang isang malaking LED TV. Halos malula siya sa makulay na screen habang abala sa paglalaro roon ang walong taong gulang niyang pinsan na si Jhay-jhay.

“Nand’yan na ang Mommy mo,” sabi ng isang babaeng naka-uniform na kulay blue na parang sa mga caregiver.

“Nandito na siya! Nandito na ang pinsan mo!” parang batang hinila-hila pa siya ni Tita Edna, “Say Hi to Ate Zari!”

Napatingin naman ang bata sa kanya pero muli rin itong tumingin sa nilalaro.

“Come,” hinila muli siya ni Tita Edna paupo sa sofa na katabi ni Jhay-jhay, “Pagpasensyahan mo na, ah?”

“Okay lang po,” ngumiti naman siya.

“Jhay, do you remember? Si Ate Zari, na laging nakikipaglaro sa’yo kapag nasa Ilo-ilo tayo? And from now on dito na titira si Ate Zari mo…” malumanay na paliwanag ni Tita Edna sa anak nito.

Katulad kanina ay saglit lang din itong napatingin sa kanila, pero muli rin itong tumingin sa nilalaro nito. Parang may sariling mundo ito. Maski naman kapag bumibisita ito sa kanila sa Ilo-ilo ay para itong may sariling mundo.

“Jean, okay na ba ‘yung kuwarto? Nalinis mo na ba?” baling ni Tita Edna sa babae.

“Opo, ate…” magalang naman na tugon nito.

“Oo nga pala, si Zari pamangkin ko. Zari, siya ang nag-iisa at all-around naming kasambahay, si Jean…” pagpapakilala ni Tita Edna.

Nagkangitian naman silang ni Jean.

“Bye the way, thirty-six years old na siya!”

“Po?” gulat naman niya dahil hindi niya akalain na mas matanda ito sa kanya. Kung titignan kasi ay parang mas matanda siya rito dahil may kaliitan ito.

...ITUTULOY…...

Chapter Two

...CHAPTER TWO...

“TARA, DOON NA TAYO SA MAGIGING ROOM MO!” excited na sabi ni Tita Edna.

“Po?” gulat naman ni Zari. At saka siya hinila paakyat ng hagdanan ng kanyang tiyahin.

Pagtungtong palang ng mga paa niya sa second floor ay hindi na niya maiwasan pa ang mamangha sa ganda at linis nito. At lalo pa siyang nagulat nang dalhin na siya ni Tita Edna sa kanyang magiging kuwarto. Bumungad sa kanya ang maala-prinsesang istilo nito. Napakaraming teddy bear sa paligid, at sobrang lambot ng kanyang kama.

“Sobra-sobra naman po ito, Tita!” nahihiyang sabi niya pero bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagkamangha.

“Ano ka ba? Hindi noh!” saway nito, “Actually, ito sana ang silid ng magiging anak naming babae ni Tito Felix mo. Kaso diba? Ilang beses na akong nalaglagan ng bata? But blessed pa rin kami kasi biniyayaan pa rin kami ni God kahit isang anak na lalaki.”

Hindi na siya umimik pa. Hindi na rin naman lingid sa kanyang kaalaman ang mga pinagdaan ng kanyang Tita Edna sa nakaraang pagbubuntis nito. Pero masasabi niya ng maswerte pa rin naman ito dahil mukhang nakakaluwag sa buhay ang napangasawa nito.

“Sana magkasundo kayong dalawa ni Jhay-jhay!”

“Gagawin ko po ang lahat!” confident na sabi niya.

“Pa-hug nga ulit!” hiling nito.

Niyakap naman niya ito.

“Ahhh…at last, may anak na rin akong babae!” tuwang sabi nito.

Damang-dama talaga niya ang pananabik ni Tita Edna na magkaroon ng anak na babae dahil sa mainit nitong pagyakap sa kanya. Siya rin naman sabik sa yakap ng isang ina, dahil maliit palang siya nang mamatay ang kanyang mga magulang. Bumagsak ang eroplanong sinasakyan ng mga ito patungong Manila noon.

Sa kanyang Lolo Berto at Tito Edmund na siya lumaki. Si Tito Edmund na isa ring biyudo, at may isang anak na babae, si Euphemia. Hindi naman siya tinuring na iba dahil nagawa siyang pag-aralin ng mga ito. Pero nang banggitin niya ang pangarap niyang maging isang Engineer, nagprisinta si Tita Edna na pag-aralin siya sa Manila. Maaga man siyang iniwan ng kanyang mga magulang, hindi naman siya pinabayaan ng mga kapatid ng kanyang Papa.

At iyon ang labis niyang pinasasalamat sa Diyos.

Kaya gagawin niya ang lahat, para masuklian ang kabaitan ng mga ito sa kanya.

“Feel at home, sweetie! Huwag kang mahihiyang magsabi sa amin kung ano ang problema, okey?” bilin nito

“Opo,” tumango siya, “Thank you, Tita!”

“O siya, maiwan muna kita para makapagpahinga ka na! Nakita ko kanina, antok na antok ka sa bywahe natin. Tinulugan mo nga ako, eh!” natatawang sabi nito.

“Excited po kasi ako masyado kaya hindi ako nakatulog ng maayos!” nahihiyang sabi niya.

“O, siya. Matulog ka na! Ipapatawag na lang kita kapag kakainin na hapunan,” bilin pa nito.

Matamis na ngiti pa ang binato sa kanya ni Tita Edna bago ito lumabas ng kanyang kuwarto. Nang mapag-isa na siya ay saka naman na niya tinawagan ang kanyang pinsan na si Euphemia para ipaalam rito na nakarating na siya sa bahay nila Tita Edna. Buong pagmamalaki rin niya pinakita rito ang magandang kuwartong binigay sa kanya ng tiyahin nila.

“Kainggit ka bruha! Matagal ko na rin kayang pangarap makarating ng Manila! Kaso kahit madalas kaming nag-aaway ni Papa, ayoko naman siyang iwan!” parang naiinis na sabi pa nito sa kabilang linya.

Natawa naman siya.

Saksi siya sa madalas na pagtatalo ng dalawa. Ito kasing pinsan niya ay may katigasan rin ang ulo kung minsan.

“Mag-ingat ka lagi d’yan! Huwag mo kaming alalahinin dito,” Bilin nito sa kanya, “Saka Goodluck sa Entrance Exam, ah! Galingan mo!”

“Yup! Yup! Yup! I’ll do my best,” tugon naman niya, “Gusto ko rin masuklian ang butihan nila Tito Edmund at Tita Edna sa akin balang-araw!”

“Sige na…” pagpapaalam na ng kanyang pinsan, “…May serve ako ngayon sa simbahan.”

“Sige,” pagpapaalam na rin niya saka na niya tinapos ang kanilang pag-uusap, “Ikamusta mo na lang ako d’yan sa mga kasamahan natin sa Choir ah! Pati kay Padre!”

“Okay!” ngumiti ito.

Matapos niyang makausap ang kanyang pinsan, naisipan na lang niyang ayusin ang kanyang gamit. Dalawang maleta lang ang bitbit niya, naglalaman ng limang pares na mga bestidang binili niya. At ang ilan ay ang kanyang ilang mga notebook kung saan nakasulat roon ang mga nilikha niyang tula. Pati ang nag-iisang wedding picture ng kanyang mga pumanaw na magulang.

Konti lang ang gamit niya kaya madali rin siyang natapos sa pag-aayos. Saglit niyang tinignan ang kabuuhan ng kanyang kuwarto, at nang mapagod ay humiga na siya sa kanyang kama. Pinagmasdan niya ang puting kisame, at kusang naglakbay ang kanyang isip patungo sa kanilang probinsya.

Ilang oras palang siyang nasa Manila, parang namimiss na niya ang kinalakihan niyang bayan.

Ang Lolo Berto niya.

Si Tito Edmund.

Ang pinsan niyang si Euphemia.

Ang mga kaibigan niya.

Mga dating kaklase.

Higit sa lahat ang crush niyang si Iking.

Hinding-hindi niya makakalimutan noong araw ng graduation nila. Inabutan siya nito ng bulaklak. Halos himatayin siya sa kilig ng mga sandaling iyon dahil sa dami-daming kaklase nilang babae na may gusto rito, siya ang binigyan nito ng bulaklak.

Pero bigla siyang napahinto nang muling sumagi sa kanyang isipan ang bayaw ng kanyang Tita Edna, si Gerald. Hindi mawala sa kanyang isipan ang guwapong mukha nito.

Wait! Kung hindi niya nagkakamali, nadinig niyang nag-aaral rin ito ng Engineering. Ibig sabihin ba nito, posibleng sa iisang school din sila mag-aaral?

Wala sa loob na napayakap siya ng mahigpit sa staffstoys na kamukha ni Pikachu dahil sa sobrang kilig. Lalo lang siyang na-excite sa darating na pasukan! Lalo lang din siya nagkaroon ng motivation na pagbutihin ang pag-aaral para sa darating na Entrance Exam!

Pero bigla rin siyang napahinto nang maalala niyang bayaw ito ng kanyang Tita Edna, nakakabatang kapatid ito ng kanyang Tito Felix, at tito ito ng kanyang pinsan. Hindi naman sila magdugo pero… Hindi ba magiging complicated ang situation?

Saka bakit ba niya iniisip na magiging complicated ang lahat, una sa lahat? Posible ba itong magkagusto sa kanya? Hindi siya maputi, laking probinsya siya kaya morena ang balat niya. Sasabihin din niyang may kalakihan ang kanyang mata. Sa katunayan, kwago ang tukso sa kanya ng kanyang mga kababata.

It’s really hurt.

Ayaw man niyang laiitin ang kanyang sarili pero iyon ang totoo.

ITUTULOY....

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play