Paalala: True story po ito pero nananatili pong nakatago ang mga totoong pangalan, tirahan at kung ano pang personal na information tungkol sa mga karakter ng kwento. Kung may pagkakaparehas man sa ibang story, aba malamang ho, hindi lang po sila ang may gantong kwento at takbo ng buhay. ;) Maraming Salamat po.
READ AND ENJOY.
Prologue:
Nagmahal ka na ba sa isang tao ng sobra sobra?
Naranasan mo na rin bang umasa na meron kayong tunay na pag-ibig na nararamdaman para sa isa't isa?
Tumagal ba kayo o naghiwalay rin kaagad dahil sa isang nang-gulo ng kung anong meron kayo?
Sino may kasalanan?
Yung taong mahal mo o yung taong bago niyang mahal?
O baka naman ikaw mismo?
Paano ka naka-move on?
Haha! Ang dami kong tanong ano?
Ganyan talaga pagka lahat ng tinanong ko ay naranasan ko sa buhay pag-ibig ko.
Bakit ba naman kasi nausong magmahal eh edi sana pa-relax relax lang ako ngayon at hindi umiiyak ng dahil sa pag-ibig na yan.
Sabi kasi ng unang tao na inibig ko, hindi masamang magmahal ng sobra. Ayun, naghiwalay rin kami kaagad. Ang kaso nga lang, bata pa ako para maintindihan kung ano ang sinabi niya nung panahon na yon.
Kaya nung nagmahal ako sa pangalawang pagkakataon? Sinigurado kong mararamdaman niya ang sinasabi ng unang lalaki kong minahal ang tunay na pag-ibig.
Ang kaso nga lang, ako lang ata ang nagmahal ng sobra.edi ano napala ko? Heto, umiiyak sa harap ng taong hindi ko inaakala ay magiging ka-close ko.
Ang nakakatawa pa, bestfriend niya ang iniiyakan ko.
Nagsilbi siyang kakampi ko kapag magkaaway kami ng bestfriend niya na boyfriend ko.
Mali. Ex-boyfriend na pala.
Ilang lingo na kasi siyang hindi nagpaparamdam at kahit siya na bestfriend e wala ring balita sa taong mahal ko. Pero ngayong pasukan nanaman, malaman laman ko lang na may iba na siya habang kami pa.
Ang sakit ng ganun hindi ba?
Ang mas masakit pa nito, ang ipinalit niya sakin o sabihin na nating isinabay sakin, ay tinuturi kong kapatid.
Ang drama ng love life ko diba? Kaya tinitigilan ko na ngayon palang ang pag-ibig na yan.
Wala akong mapapala kundi sakit lang.
Wala na kong balak na pumasok sa relasyon. Mas maigi kung mag-isa lang ako sa buhay. Ay teka. Pangit rin ata yun!
Mas maganda pala kung wala ako sa relasyon at habang buhay na makikipag-laro sa pag-ibig.
Tama. No strings attached sabi nga nila.
At least dun, hindi ako masasaktan. Hindi ako makakasakit. Hindi ako iiyak. Wala pang sakit sa ulo! Puro kasiyahan lang.
Pero bigla ako napaisip dahil ngayon ko lang rin ito napansin.
Iba ang kilos ng taong nasa harap ko ngayon.
May kuryente sa bawat paghaplos niya sa mga luha ko. May kuryente sa bawat hawak niya sa mga pisngi ko. May magic..
Na hindi ko dapat nararamdaman.
Mali eh.
No strings attached nga diba?
Baka naman ito na ang simula nun? Tama. Baka nga. Hindi nalang ako magpapadala sa agos dahil ayoko na talagang umiyak sa mga taong hindi karapatdapat sa mga luha ko.
Priceless ang mga luha kong ito kaya bakit ko sila kelangang iyakan?!
"You know what? You've been talking to yourself for awhile now." Napatingin ako ng masama sa taong nasa harap ko ngayon at may mga mapang-asar siyang ngiti. Ewan ko ba kung bakit ganto itsura nitong nilalang na to. Sobrang attractive niya at sobrang daming babae ang nagkakandarapa sa kaniya.
Wag niyo ng tanungin kung ilan.
"Well, you know what? Thanks for ruining my 'moment'." Pataray kong sagot sa kaniya at tumawa lang siya tsaka tinapik ang ulo ko na parang aso. Mabilis pa sa alas kwatro ang paghawi ko sa kamay niya at lalo lang siyang natawa.
Sa laking tao ba naman niya kesa sakin e malamang, no match ako sa lakas niya.
"Hahaha! You're so tiny." Napa-snort ako sa sinabi niya at tinapakan ko ang paa niya. Ayun naman pala, dun mag-rereact eh.
Alam ko na. Next time hindi ko papakealaman ang kamay niya. Deretso ako sa pagtira sa paa niya. hahaha!
"Aray! Seriously?!" pagalit niyang tanong sakin at hindi ko naiwasang hindi matawa dahil sa yung pagtapak lang pala ng paa niya ang makakapagpatabingi sa kayabangan niya.
"Haha! Sa liit kong to yun lang pala makakapag-alis ng yabang mo? Haha!" tinuturo-turo ko pa siya habang nakahawak ako sa tiyan ko.
Hindi ko alam kung bakit siya ngumiti pero ito yung klase ng ngiti niya na kinababaliwan ng mga babae. Lahat ng babae.
Ang problema nga lang, hindi ako kasama sa mga babaeng iyon. At kahit na kelan ay hindi ako bi-belong.
Masyado bang confident? Ganun talaga lalo na't sumumpa ako sa hangin na kahit kelan hindi na ako magmamahal. Tsaka para ibigin ang tulad niyang lalaki? What?! Are you serious? No way.
Siya ang pinaka-sikat na player sa school namin ngayon.
Sadyang naging magkaibigan lang kami dahil sa bestfriend niya.
Parang dati lang, endless na tuksuhan ang natatanggap namin sa isa't isa pero heto kami ngayon at sobrang close na. Pag sinabi kong 'sobrang close', ibig sabihin literal na close.
"Dun ka nga! Pwesto ko to eh!" tinutulak ko siya ngayon dahil sa napaka-kulit niya at pilit na sumisiksik sakin sa couch ng kwarto ko.
Opo nandito kami sa kwarto ko.
Naisipan niya kasing i-cheer ako dahil sa nangyari. Kaya heto siya at ginugulo ang natahimik ko ng buhay na muling umingay dahil sa lalaking to.
"Whaaat~? No! Gusto ko dito kasi nandyan ka." Malandi niyang sagot sakit at I swear! Nakaramdam ako ng goosebumps sa mga pinagsasasabi niya!
"YOU ARE SUCH A FLIRT!" pagalit kong sabi at pinaghahampas ko rin siya. Movie marathon kami ngayon ng Harry Potter series kahit na ayaw niya sa palabas na to. Ako daw pumili eh kaya heto no choice siya sakin ngayon! MOuhahahaha!
Ang saya ko na ano? Ganun talaga ako mag-move on. Hangga't maaari hindi ko iniisip na nasasaktan pala ako. Iniisip kong magiging okay lang ang lahat dahil talaga namang magiging maayos ang lahat.
Kaya ko ito.
Ako pa ba?
Sa ganda kong ito?! Char lang! hahaha!
Mabigat magbuhat ng upuan no. Nevermind nalang sa pagbubuhat at mananahimik na ako.
Mas mabuti kong manunuod nalang ako at hahayaan ang malandi kong katabi. Since libre niya naman lahat ng pagkain eh pagbibigyan ko siya sa kalandian niya.
Sana lang sa pagbibiro niyang ganyan e walang masaktan.
Naintindihan niyo ba ibig ko sabihin?
Mahirap kasi magmahal ng taong konektado sa taong minahal mo rin bago siya. Lalo na't mag-bestfriend sila.
--
End of Prologue.
This is my first story and please don't expect too much ha.
Paalala: True story po ito pero nananatili pong nakatago ang mga totoong pangalan, tirahan at kung ano pang personal na information tungkol sa mga karakter ng kwento. Kung may pagkakaparehas man sa ibang story, aba malamang ho, hindi lang po sila ang may gantong kwento at takbo ng buhay. ;) Maraming Salamat po.
--
Chapter 1: Meeting You
"Wow! Will you look at that? Such a beautiful sunset isn't it?"
Sabi ng kaklase kong si Mitchelle. Ang ganda ng sunset e! "Hala! Picturan ko nga! I'll make this as a wallpaper in my lovely flip-flop phone." Pambihira ang yabang ko. Uso pa kasi mga dituping cellphone nun e. Ngiting-ngiti pa ko. Para kong tanga.
Habang kumukuha ako ng magandang anggulo, dumaan siya.
As in siya! Si first love! Hyperventilate na this!
Hala! Humarap siya sakin at nagsalita kaso ang problema hindi ko marinig. Bakit ganun?
"Ava!" Tinatawag niya ba ko?!
"Ava! Hoy! Babae!"
"Avaaaa!!"
Napadilat ako sa sakit ng mukha ko. Panaginip lang pala. Ang matindi pa, nahulog ako sa kama dahil lang dun.
Ay mali, hinulog pala ko ng magaling kong kapatid na si Liam.
William Montenegro ang fullname pero I prefer on calling him Liam. Chinito siya na may light-brown na kulay ng mata. Moreno si Liam pero bagay sa kanya. Bilugan mukha niya at may malalaking muscles sa katawan niya at FATS sa tiyan. Kissable daw lips niya sabi niya noon sakin. At kulay pink to, natural. Tama lang height niya para sa isang 17 year old na senior highschool.
Habulin siya ng mga aso. I mean, babae pala hindi ko alam kung bakit pero dahil siguro sa talents na meron siya at ang lakas ng sense of humor niya, infairness.
"For God's sake! Bumangon ka na kung ayaw mong iwan kita. We're late for school and it's the first day for this school year y'know!" Pasigaw na bati ng kuya ko. "Good morning ha. Pambihira pwede mo naman ako gisingin ng maayos, ihulog pa ko? Tama yan." pabirong sabi ko naman sa mahal na mahal kong kapatid.
Sa sinagot ko sa kaniya, nakita ko pa siyang umirap! "You know what, graduating kaya ako kaya hindi maganda kung late ako for the first day of my senior year! Come on, get up." Lambing talaga ni Liam.
Sumunod nalang ako para wala ng away. Well, sigurado pagka na-late kami nako Liam will kick me in my butt for sure. At lalo niya kong tatarayan. But I really love my brother even though he's a bully sometimes. Hoho!
Nagsimula akong kumilos dahil ayokong ipagsigawan nanaman ng magaling kong kapatid ang napakaganda kong pangalan.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin pagdating ko sa banyo bago maligo. Yung kulot kong buhok na hindi obvious dahil mukang bed head lang. Yung inaantok ko pang mata na pilit kong idinilat ng maayos at syempre tsaka ko inadmire ang kagandahan ko.
CHAROT!
Kaya kahit ano pa sabihin niyo, MAGANDA AKO! Hahahaha!
"Aviana Ruby Montenegro, first day ngayon at for sure may bagong students ibig sabihin big chances for new friends. Gagana ang cute charms ng height ko para makakilala ng bagong mga tao. Yes, you can do this Ava. Let's go!"
Paghihikayat ko sa sarili ko dahil, mahiyain ako. Sa tingin ko hindi ko parin maalis sa sarili ko yun dahil hindi ako confident sa looks ko. Actually, sobrang nako-conscious ako sa height kong hindi man lang umabot sa normal na height ng isang 14 years old.
Isa pa, yung buhok kong kulot na nagkataon na nauso yung kantang 'HOY HOY KULOT BAKIT MO SINULOT ANG SYOTA KONG HAROT'.
Oo, yun.
Napabuntong hininga nalang ako sabay tawa lalo na kung anytime pwedeng magalit si Liam sa bagal ko.
"AVIANA!!!"
Ayan, tulad niyan. lol
Pagkarating sa school, dumiretso akong auditorium kung saan gaganapin ang orientation, sinalubong ako ng mga nag-gagandahang babae.
Sus! Mga kaibigan ko pala.
"Goodmorning Aveee!" sigaw ni Karen sabay yakap sakin. She's such a jolly girl. Maganda siya maputi na big brown eyes na chic at manipis na labi. By the way, asset niya ang pagpapacute niya lagi sa mga boys at naka-salamin siya.
"Hi Aviana." sabi naman ng isa sabay kindat, si Cherry. Morena, matangkad, natural filipina beauty. Masyado siyang malake para sa isang 11 years old. Oo, 11 lang siya. Accelerated ang loko. Pero malandi tong babaeng to wag kayong papaloko sa innocent niyang looks! Hahaha!
"Oh! Hello girls!" bati ko naman sa kanila na may kasamang ngiting walang hanggan.
"Wait a minute. Where's Shanaia? And the boys?" Pagtataka kong tanong.
Si Shanaia naman ang isa sa mga kaibigan ko rin dito sa school. Tulad ko, mahilig siyang laging mag-isa at karamihan sa mga kaibigan niya dito sa school ay higher year. Kumbaga, masyado siyang mature para laging makisama saming tatlo.
Isa rin siya sa mga magagandang babae sa school namin. Mestisa. Kulot na natural blonde brown ang buhok. Idagdag pa na petite siya kaya sobrang popular niya sa mga lalaki. Rich kid pa at masayang kasama!
Sumagot naman si Cherry sa tanong ko. "Well, ang boys nandun na sa pwesto ng mga sophomores. At si Shanaia, nasa Cali pa."
"What? Cali? Anung salita yun?" Biglang tanong ni Karen. "Boba! California, Karen! California!" Sumbat ni Cherry sa kaibigan naming super curious. Natawa nalang ako sa kanilang dalawa dahil natural ng ganyan yang dalawang yan.
Habang nag-uusap usap kami at papalakad sa upuan namin, bigla kong may napansin. Natanaw ko sa peripheral view ko.
Cute na lalake. Mukang out of this country ang itsura. Tinitigan ko lang siya at napaka-cute niya kasi. Mestiso, light-brown buhok niya na ang lambot-lambot tignan. Ang kinis pa niya. Pustahan transferee to, unfamiliar siya.
He has such a nice pair of eyes, brown eyes pa. Para siyang naka-contact lens. Hindi na ko nakikinig kina Karen at Cherry. Nakatitig lang ako sa lalaking yun kasi sobrang cute niya kaya naman nang magtama ang mga mata namin at sandaliang nagkatitigan hindi ko man lang napansin na may mababangga na ako.
Pangalawa na ito sa araw na ito huh. Napatingin nalang ako sa kung sino man yung nabangga ko.
Ang kunot sa noo ko na kanina eh biglang lumitaw ng mauntog ako, lalong lumalim. Alam niyo ba kung bakit? Napikon lang naman ako sa malamanyak na ngiti ng nagbangga ko.
Aba! Si Seth! Seth Mason Anthony Lorenzo. The best example ng mga lalaking purong pinoy na sa hindi malamang dahilan e masyadong blessed ng good genes.
Paano nga ba siya nag-transform ulet? Nung 1st year kami hindi yan ganyan e. Nung summer class ata yun bigla siyang lumake at gumwapo. Mapagkakamalaman mo pang nagparetoke pero hindi. Napakagaling ng puberty talaga ng pagtama sa nilalang na ito.
Ang gwapo pa ng kinalabasan! And P.S. sophomores palang kami sa highschool. Ano nalang itsura niya once na nasa college years na kami? Juice colored! Babae magkabilaan sigurado at pila pila pa sila!
Yung closeness namin hindi ko masasabing okay kasi adviser niya ako noon sa panliligaw kay Karen. Oo, nanligaw nga siya sa isang Karen. Kaso, busted dahil gaya ng sabi ko noon hindi mala-dream guy ang itsura niya noon.
Mataas standards ng ate niyo. lol
"Ehem!" Nagising ako sa pagpapantasya ko dahil nakaka-distract sa pag-deday dream ang deep and husky voice na ito. "Aviana, okay ka lang ba? Makatitig? Nakakatunaw ano ba."
What a flirty tone of voice.
Napa-irap nalang ako pero hindi ko maiwasang di parin ngumiti. "Excuse me, Seth. Hindi kita tinititigan." Pataray kong sumbat. "Aww, okay. Matutuwa sana ako e." sabay hawak sa dibdib na kunwareng nasaktan at nakangiti pa.
Nagtawanan pa sila Bryan at Ren, mga ka-batch ko din sila.
UTANG NA LOOB. GUMWAPO LANG HUMANGIN NA?! Parang nung summer lang ang bait pa niya. Kaloka ha.
Sasagot na sana ko nang sumabat si Karen. "Umm..Hi Seth." Pagpapacute nito. "Oh! Hi there, beautiful." Kumindat pa ang baliw. Kinilig naman yung isa! Hindi ko maiwasang di umirap dahil sa ang landi nanaman ng aura na pumapaligid sakin.
Puro nalang sila love life! Sus meh! Nakakasira lang ng buhay ang pag-ibig na yan. Hahahahah!
"Kamusta ka naman. Seth?" bulong ni Karen kay Seth na rinig naman naming magkaklase.
Nagkaroon na sila ng sarili nilang mundo hanggang sa maisipan kong umalis nalang at kausapin ang iba kong classmates pero mukang nagkaroon rin sila ng ibang dimension. Tulad ni Cherry na kinakausap ngayon ng mga juniors.
"Oh my gosh! Not really!" May narinig akong palambing na tawa galing sa kaniya. Hindi ko naiwasang hindi mapairap sa loob loob ko. Hindi dahil naiinis ako sa mga classmates ko at iniwan nila ako pero naiinis ako sa sarili ko. Bakit hindi ko magawang kumausap ng mga tao?
Kahit pilitin ko na maka-get over sa mga experience ko dati feeling ko sa loob ko may something parin na gumugulo sa feelings ko.
Though I'm fine with being alone lalo na kung mas safe na wala ka ngang masasaktan.
Sa pagsisimula ng orientation, as usual kahit katabi ko ang mga kaklase ko feeling ko mag-isa ako.
"Here I am. Playing with those memories again~". Pfft, gosh. Sa sobrang lungkot ko napapakanta nalang ako sa isip ko, jusko.
"Um, hi." Napalingon akong bigla sa tabi ko nang may bumulong sakin. Nung una hindi ko pinansin yung pagtabi niya pero ngayon ko lang napagtanto ang presence niya. Siguro dahil sa sobrang busy ko mag-self pity kanina hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya.
Pero ngayon, sobrang feel ko lalo na nung napatitig ako sa napakaganda niyang brown eyes.
Natural ba to or contact lens?
Pakiramdam ko pa sa sobrang ganda nung eye color niya e tumigil ang mundo ko. parang teleserye lang ang peg, ganun!
"Ikaw?"
"Hm? What?"
Patay tayo dyan, English speaking ang lolo niyo. Nasan ba mga pack ng tissue ko pag gantong oras?!
"Umm, uh...hi. Hello." Pakaba kong sagot. "Do you know how to speak in tagalog?" Pagsasalita ko ulit kasi kinakabahan ako sa pagtitig niya. Duh!
"I'm Aviana. You can call me Ava." Hindi nanaman sumagot pero yung mga titig niya nakakatunaw. May something sa mga mata niya na hindi ko malaman at hindi ako makaalis ng tingin. "W-what's your name?" tanong ko sa kaniya at this time, sumagot siya. "I'm Matthew Collins." Nag-ngitian kami.
Kahit na patuloy ang orientation patuloy rin naman ang kwentuhan naming dalawa. Medyo funny kasi parang hindi namin first time na magkakilala. Ang maganda pa magka-edad lang kami at nagkakaintindihan.
Buti nalang English speaking kami sa bahay madalas dahil na rin sa arte nung kapatid ko. Praktis daw para sa college days. Tsk.
Nabanggit niya na last year siyang umuwi sa Pilipinas matapos manirahan sa Canada ng ilang taon rin dahil sa daddy niya na hinahanap nila doon. Hindi man niya sinabi sakin ang buong detalye pero sa kakabasa ko ng mga libro at pakikinig ng ilang radio drama, gets ko na ang mga happenings sa buhay niya.
"Matthew, pano ka nanirahan ng matagal don sa Canada kung hinahanap mo Daddy mo?" Natulala kaming parehas sa tanong ko at unti unti na umumbok ang pisngi ko sa hiya. LOL
Nagamitan ko siya ng tagalog.
"Ah. Yun ba? Nandun ako sa Tita Kath ko doon. Kasama ko din dun mga pinsan ko. Sabay-sabay kaming umuwi dito last year." Nagtatatango ako hanggang sa may bigla akong napansin sa kaniya.
Nagtatagalog siya!
"So...pinahirapan mo kong mag-english samantalang marunong ka palang magtagalog?" irita kong tanong pero sa tingin ko gets naman niya na sarcasm lang ang lumabas sa bibig ko.
Natawa na lang siya ng pigil nung sinabi ko yun. "You're so cute! Gusto lang kitang asarin." Patawa-tawa niyang sagot sakin. Dahil lang sa pagtawa niya ng may saya sa kabila ng history ng buhay niya, naramdaman kong kumurot ang dibdib ko.
Napakamasayahin niyang tao.
"Oh, what's this? May bago nanamang love team?" halos sabay na sabi nila Ren at Bryan na may abot tenga ang mga ngiti. Napailing nalang ako nang bigla silang sumingit sa usapan namin pero kung tutuusin, okay rin to dahil at least malalaman ni Matthew na mabuti at masayang mga kasama ang mga classmates na makikilala niya ngayon sa bagong school na papasukan niya.
First impressions are a must!
"Sinong love team?" seryosong tanong ni Seth na kung makatingin saming dalawa ni Matthew ay wagas. Sinamahan niya pa ng paglapit niya sakin ng sobra na nawawala na ang personal space ko.
"Wala ka na dun Seth." Sagot ko naman at hinayaan ko nalang yung kamay niya sa balikat ko. isa pa, halos nasanay na rin ako sa mga ganito niyang moves lalo na't moving on parin siya sa broken heart niya.
Though I don't think he'll move on. Nagpapa-cute na sa kaniya yung babaeng nam-busted sa kaniya eh. Wahaha!
"Oh I want to know, baby." Nagulat kaming lahat sa sinabi niyang 'baby'. Nagpabalik-balik ang lingon ko sa kaniya at ganun rin kay Karen. Pfft! Gusto ko matawa pero baka iba maisip nitong mga classmates namin.
"What the heck, Seth?" naiinis kong sabi. Sinubukan kong kumawala at magsalita pero tinakpan niya bibig ko. "Oh. So sino tong kasama niyong mukang taga other planet?" Tanong niya sa kung sino man at parang may pagka-sarcastic pa ang mga sinalita niya.
Ngumiti ng konti si Matthew sa kaniya at tsaka sumagot. "Hi. I'm uh...Matthew. So, are you Ava's boyfriend or something?" Nanlaki mata ko sa narinig ko at alam kong ganun din ang iba naming mga kaklase.
What? Does it really look like that?! Hindi ba dapat mas open siya sa mga ganitong klase ng gestures lalo na't mga liberated mga tao sa ibang bansa diba? Or kaya niya naisip yun dahil alam niyang iba ang culture sa Pinas?
"No. Not really." Sagot naman ni Seth na may kasama pang smirk sa gwapo niyang muka. Gosh, parang awa. Ayoko sa mga tulad niyang gwapo na playboy! Gumwapo lang akala mo kung sino na! Yuck.
Nagsalubong naman ang kilay ni Matthew pero ngumiti siya ng mas malaki. "Oh. Kung ganun, pwede mo ba siyang ibigay sakin? Marami pa kasi akong itatanong sa kanya eh. You know, school stuff." Sagot nito.
Nagulat si Seth ng konti ng magtagalog si Matthew at medyo lumuwag hawak niya sakin kaya nakawala ako. "See you later dude." Tsaka kami umalis ni Matthew habang hatak niya ako. Ilibot ko daw siya sa buong campus since next week pa naman ang start ng regular classes.
Hindi na nakapagsalita si Seth. Ganun din sila Karen at Cherry. Pagkalingon ko sa kanila ulit, kinukulit ni Karen si Seth. Hindi ko alam kung ano pinag-uusapan nila pero galit ang expression ni Karen. Bakit kaya? Si Cherry naman natatawa. Nginitian pa niya ko.
Natapos ang buong araw ng wala kaming ginawa. Nagpakilala kami sa isa't isa kahit na si Matthew lang ang transferee samin. Isang private school ito kaya naman normal na samin ang konti lang ang estudyante. Isa pa, international school kami.
Pagdating ng uwian, malalaman ko nalang na yung magaling kong kapatid na kung makagising sakin kaninang umaga iniwan na ako't naunang umuwi. Pero if I know, kasama niya lang yung mga ka-tropa niya at naglalaro ng dota.
Tss, boys.
Madalas pa nga nilang kasama sila Seth pero sa pagkakataong to mukang hindi sila na-inform kaya naman sa kasamaang palad, kasabay kong maglakad pauwi tong bwiseth na to.
Oh, have I mentioned that we live in the same neighborhood?
"Aviana."
"Mm?"
"Ava."
"Baket?"
"Aviana Ruby"
"Ano yun?"
"Ana.~" Pakanta niyang tawag. Hindi naiwasang magsalubong ng mga kilay ko dahil sa tinawag niya sakin. "Seth, alam mong ayokong tinatawag akong 'Ana' di ba?"
Nanahimik nanaman kami hanggang sa mapadaan kami sa starbucks na nasa loob ng subdivision. Napatigil kami sa paglalakad at kamuntikan nanaman akong mabangga sa unggoy na kasama ko.
"Ava. Mauna ka ng umuwi. Punta lang akong Starbucks." Bigla niyang sabi sakin kaya napangiti ako ng may malisya.
"I guess you have a date to attend to, yeah?" sagot ko naman sa kaniya.
Hindi siya umimik at dumeretso lang siya doon. Napa-shrug lang ako ng balikat ko at sinimulan ko ulit maglakad.
Nilingon ko ang kapihan at sinubukang tumanaw ng mga tao sa loob. Pag may magandang babae dun, ibig sabihin siya ang date ni Seth. Hahaha!
Ang kaso nga lang, iba ang natanaw ko. Isang tingin ko palang siya agad ang nakita ko. Si Matthew.
Napatigil ulit ako sa paglalakad at napalingon sa lalaking ubod ng gwapo pero sagad rin naman sa yabang at confidence. Sinigaw kasi pangalan ko eh.
"Anaaaa! Umuwi ka na! Text mo ko pag nakatungtong ka na ng kwarto natin ha! I mean, kwarto mo! Ha? Ha!"
Pasigaw niyang sabi nakangiti pa.
Ang gwapo nga niya kaso naman masyado siyang feeler para sabihin at ipagsigawan na 'kwarto' daw namin? Yuck talaga yung taong yon. Napangiwi ako at tumango nalang sa kaniya.
Sa paglalakad ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapaisip nanaman ng mga bagay lalo na nung tinawag ako ni Seth kanina sa nickname na ayaw ko. Ewan ko ba, sinusubukan ata talaga ako nung lalakeng yun eh!
Kasalanan niya ngayon kung bakit ang senti nanaman ang feeling ko at naiisip yung first time kong ma-heart broken. Nakakatawa na ngayon isipin pero hindi parin magandang experience para sakin.
Pagdating ko ng bahay, agad kong ginawa ang mga dapat kong gawin.
Tulad nalang ng paghilata, pagkain ng tanghalian at kung ano ano pang kalokohan. Dahil sa ako lang ang nandito sa malaking bahay na to wala akong ginawa kundi ang kulitin ang mga help namin dito.
Sa tingin ko dahil sa anak ako ng nagpapa-sweldo sa kanila e tinotolerate nila ako. Maliban nalang siguro dun sa head maid.
"Manang, ano ulam?" tanong ko sa kaniya at sinamaan niya ako ng tingin habang humahagikgik naman yung mga mas bata sa kaniya. Nakatambay kasi ako sa breakfast table habang pinapanuod ko silang mag-ayos ng mga na-grocery nila.
"Miss Ava, kakatapos mo lang kumain ng meryenda gutom ka nanaman ba?" expressionless niyang tanong sakin at nag-shrug lang ako. Ito ang resulta ng wala akong magawa at sa tingin ko na-iimbyerna na siya sakin.
Tahimik akong lumabas ng kusina at sakto naman ang pagtunog ng doorbell sa pagtunog rin ng cellphone ko. Tumingin muna ako sa phone ko syempre dahil baka si Liam at nagsasabing pauwi palang siya kahit na half day kami ngayon dahil sa first day palang naman.
Pero napangiwi ako nang makita ko ang contact number ni Seth.
Sus, kanina pa ako nag-message sa kaniya na nakauwi na ako pero ngayon lang siya magrereply at isang smiley face lang ang sagot niya? Nice ha.
Balak ko sana siyang replayan pero nang magsunod-sunod ang doorbell, dun ko na-realize na baka walang tao sa gate. Lumabas ako at sumilip sa guardhouse tsaka nakita ang sign na naka-bathroom break sila.
Jusko, ano to sabay silang nag-cr ganon?!
Sumilip ako sa intercom at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Seth at Matthew na magkasama. Teka, nananaginip ata ako eh. Kanina lang sa school parang hindi sila magkakasundo pero ngayon mukang ang cozy na nila sa isa't isa. Lol
Teka anong ginagawa nila dito?
Binuksan ko ang gate bago pa ulit pumindot si Seth sa doorbell. "Hi boys. Anung meron?" bungad ko sa kanila pero hindi ako kaagad nakapag-react ng bigla akong abutan ni Matthew ng chocolate.
At hindi lang ito basta basta dahil isa itong Ferrero!
"Matt, ano to?" Kinikilig ako deep inside pero ayokong ipahalata lalo na't kakakilala ko palang sa kaniya. Pfft! Baka sabihin niya masyado akong feeler!
"Baka chocolate Ana." Sabat ni Seth at nakaramdam ako ng kagustuhang sapakin ang gwapo niyang muka. Ugh. "Shut up."
"Woah! Easy baby. May regalo din ako pero wag na. Tinatarayan ako ng babe ko e." Sabi ni Seth na may kasamang pouty lips. Argh, gosh sobrang umay ako sa mga da moves niyang ganito!
"Thanks dito ha." Pagpapacute ko naman kahit na hindi ko sure kung kaaya-aya ang kinalabasan. "Ava, si Seth pumili niyan. Paborito mo daw e." Nakangiting sabi ni Matt habang sinisiko siya ni Seth. Nagkatinginan sila na para bang nag-tetelepathy.
"Pasok muna kayo." Pag-aaya ko naman. Nung una parang nag-alangan si Matthew na pumasok pero nang hatakin siya ng walang hiya na si Seth na nauna pa sakin sa bahay, mukang naka-get over naman na siya sa hiya.
Pinatuloy ko sila sa visitor's lounge samantalang dumiretso akong kusina. "Manang, may bisita ako. Ano pong dinner?" salubong ko sa head maid na sumilip at niliitan niya ng tingin si Matthew at ngumiti kay Seth.
"May pork steak dito. Ito gusto ng kuya mo. Nagtext sakin kanina. Pauwi na daw siya." Wow. Textmate sila ng kapatid ko? Ngumiti nalang ako dahil ayokong mag-comment pa sa ganun. Isa pa, siguradong aawayin lang ako ng kuya ko kapag may sinabi akong kalokohan tungkol don. lol
"Sige po. May bisita po ako, kasya po kaya yan saten?" Sabi ko. "Miss, dinamihan ko talaga yan. Tumawag si Seth kanina na pupunta siya dito." hindi man lang ako aware na close siya sa mga tao sa bahay na to. Pero kung tutuusin, nung mga panahon na down siya madalas sila dito maliban kay Karen.
Syempre alam na nga isama ko dito sa bahay yung bumasted sa kaniya diba? LOL
Maya maya, dahan dahan akong sumilip sa dalawa na busy kung magkwentuhan. Hindi ko sana sila gustong istorbohin lalo na't may narinig ako sa kanila na salitang 'ligawan'.
Hindi ako makikialam kung hindi ko biglang nadamay ang pangalan ko.
"Mahirap kasi eh. Kakakilala lang namin tapos yun agad? Hindi ba parang hindi kapani-paniwala?"
"Dude, mabait si Ana. Hindi yun judgmental. Well, hindi masyado pero..."
Sira ulo tong si Seth sisiraan pa ata ako nitong lalakeng to eh.
Binalak kong mangialam na sa kanila dahil baka kung ano pa ang masabi ng baliw na si Seth kay Matthew at manghinayang sa friendship na sinimulan namin sa araw na to. Pumasok ako sa lounge at naaninag ako ni Seth pero hindi man lang siya nag-react at hinayaan si Matthew na marinig ko ang lumabas sa bibig niya.
Na nadamay nanaman ang pangalan kong napakaganda.
"I don't know, dude. Ava's definitely my type pero di ko alam kung ano iisipin niya sakin kapag binanatan ko siya na gusto kong ligawan siya."
Napatigil ako sa paglalakad at nanlaki ang mga bilugin kong mga mata na napatitig nalang sa likod ng ulo ni Matthew habang pahapyaw-hapyaw rin ng tingin kay Seth na lumalaki unti unti ang pag-ngiti. Bwisit, sinadya niya to eh.
"Alam mo yun, pare? Well, I know that you know! You and Ava are close, somehow. She's kind, she's easy to talk with, she's cute and I heard she's an intelligent girl too! God, she's so my kind of girl!" napalunok ako ng sunod sunod nang lumabas nanaman yun sa bibig ni Matthew pero natigil siya sa pagsasalita nang makita niyang walang tigil ang paghagikgik ni Seth na kausap niya.
Nanahimik siya at sa tingin ko dun niya lang naramdaman na may kalokohan ng ginawa si Seth kaya naman nang lumingon siya sakin na may namumulang muka at ngiting may kaba, parehas kaming nagkahiyaan nang magtama ang mga tingin namin.
"Um, h-hey?" pa-awkward niyang bati sakin at tumango ako sabay yuko. Maya maya lang ay narinig na sa buong lounge room ang tawa ni Seth at hindi ko naiwasang hindi siya tignan ng masama.
Bwiseth talaga. Bagay sa kaniya name niya eh.
"You heard...everything?" tanong sakin ni Matthew at napaangat ako ng tingin tsaka ko na-realize na tumayo siya sa harap ko at konti nalang mawawalan nanaman ako ng personal space.
Gosh, no wonder him and Seth worked things out between them. Parang kanina lang nagkakaasaran sila pero ngayon magkasundo na parang mga itlog.
Tumango ako sa kaniya at sa hindi malamang dahilan, hinawi ko ang buhok ko sabay ipit sa tenga ko. Jusko, hindi ako to.
"M-medyo lang. Hindi, actually! Hindi lahat!" natataranta kong sagot at nang marinig ko nanaman ang bwisit na pagtawa nung isa, hindi napigilan ng kamay ko na senyasan siyang manahimik siya. Goodness, lakas mang-asar, napipikon naman ako! *sighs*
"Secret's out huh." Bulong ni Matthew at tumingala ulit ako sa kaniya sabay ngiti ng may awkwardness. "Yeah, well. Some of it are still safe!" sambit ko ulit at parang nagugulat siya sa tono ko. Hindi ko alam yung huling pagkakataon na nahiya ako ng ganito sa lalake.
"Um, so? What's your answer?"
Sa sobrang confused ko sa sumunod niyang tanong nataasan ko siya ng kilay at nagmukang sarcastic ang dating ng muka ko. Ramdam ko eh. Lalo na't humahagikgik nanaman yung baliw sa likod namin.
"Ava, can I court you?"
Sa oras na yon, ang gusto kong gawin ay sapakin si Seth dahil sa pagtuloy niyang pagtawa nang bitawan ni Matthew ang mga salitang yun.
Aren't things too fast?
---------
End of 1.
Here goes! Sana mag-comment kayo, hahaha!
READ AND ENJOY GUYS! :*
--
Chapter 2:
"Can I court you?"
Natapos ang usapang yun ng hindi ako nakasagot kaagad kay Matthew. Tama siya eh, hindi niya dapat ako tinanong nun dahil hinid ko rin alam ang dapat kong isagot.
Mabilis masyado ang flow ng oras para sa kaniya at ganun rin ng feelings niya. Paano ako maniniwala kung kakakilala lang namin tapos bigla niya akong tatanungin non diba?
Bakit kasi nakikinig siya kay Seth eh.
Natapos kaming kumain at nagkaroon pa ng konting introduction nang biglang dumating ang kapatid kong si Liam galing sa laro nilang mga seniors this school year. Hindi na nanlaki o nagulat pa siya nang makita niya si Seth na nandito sa bahay.
Edi sila na dota buddies diba?
Medyo na-curious lang siya kung sino si Matthew kaya naman pakiramdam ko kinabahan siya nang malaman niyang may nakakatanda akong kapatid at kung mamalasin nga naman siya, isa pang kuya.
Hahahaha, saya.
Please carefully note the sarcasm thank you.
Natapos ang gabing yun na ang usapan lang nila ay dota. Na out of place kaya naman umakyat ako sa kwarto ko pero yung tatlong lalake may ibang balak nun kaya naman naistorbo ako ng mga one hour mahigit rin bago tumawag ang mommy ni Matthew sa cellphone niya para pauwiin siya.
Kaya ang nangyaring pagbaba-bye?
"Ana! We're going h-...oops! Sorry. Nagbibihis ka pala."
"Damn you, Seth!"
I'll let you guys imagine the rest how that ended.
Di ko maiwasang hindi humugot ng hangin ng sobrang lalim.
"Hey, Ave! Ang lalim niyan ha." Bati sakin ni Karen nang makita niya ako sa waiting area. Naghihintay ako ngayon dito dahil hindi pa open yung assigned classroom para saming mga sophomores. Ewan, siguro tinanghali rin yung adviser namin ngayon. Lol
"Hey, good morning." Pa-boring kong bati sa kaniya at tinitigan niya ako. Humarap pa siya mismo sa muka ko tapos nagpa-cute na aakalain ko e naging kamuka ko na yung crush niyang classmate ng kuya ko. Gosh.
"Karen, stop that." Tahimik kong puna sa kaniya pero lalo pa siyang nag-twinkle ng mga mata niya halos maumay ako. Okay, she's a beautiful girl pero naman I don't swing that way! Di ko maappreciate ang ginagawa niyang yan!
Si Seth baka pwede pa!
"So, inadd mo ba ako kagabe?"
'Yeah, dude. Thanks! Akala ko snobbish ka pero hindi naman."
Speak of the devil pero kasama niya rin si Matthew, ugh gosh. What a great timing.
Hinawakan ko ang braso ni Karen sabay hatak sa kaniya paupo sabay turo ko sa direksyon nung dalawnag gwapo. "Ayan, dun ka sa kanila magpa-cute. Lalake hanap ko kaya walang effect sakin yang ginagawa mo." Bulong ko sa kaniya at naramdaman ko ang pagkurot niya sa binti ko.
"Lokaret ka! Hindi ko kaya yun no, gosh!" sabi mo lang yan pero kahapon wagas ka kung magpa-cute kay Seth.
Napabuntong hininga ako sa sagot niya at lalo akong namoblema nang dumating si Cherry na naghawi-hawi naman ng buhok niya sa harap namin. Nakita kogn bumusangot si Karen. "Oh, now you know what I feel earlier huh." Sambit ko at tumango siya sakin sabay hila kay Cherry na feel na feel ang paghawi ng mahaba daw niyang buhok.
Though, it's just extensions.
"What in the..."
"Sa kanila ka magpa-cute. Lalake hanap namin ni Ava."
Nagtawanan kaming dalawa nang makita namin ang muka ni Cherry na mukang naging determinado sabay lakad na parang model dun sa dalawang sobrang busy sa pag-uusap na mukang tungkol nanaman sa dota at hindi kami napansin dito.
Nagulat pa sila ng hawakin ni Cherry ang mga balikat nila. Nanlaki ang mga mata ni Matthew nang gawin niya ang ginagawa nito sa harap namin kanina pero si Seth hindi maipinta ang muka.
"Wow, what a way to ruin my morning." Rinig naming sabi ni Seth kay Cherry na sinabunutan ang perfectly kempt na buhok ni Seth. Oh no, code red.
Natulala si Seth sandali nang gawin ito ni Cherry sa precious hair niya at sabay kaway niya samin. Dahil na rin siguro sa hindi namin napigilan ni Karen ang pagtawa ng sobrang lakas dahil sa epic expression sa muka ni Seth.
"Let's go!!!" natatarantang sabi ni Cherry samin at tumayo naman kami ni Karen sabay takbo. Nalagpasan namin yung dalawang lalake. Nagkatinginan pa nga kami ni Matthew at ang nakakatawa ay para kaming nasa teleserye.
Slow motion tapos may music. Weird pero na-imagine ko yun kahit na nag-aapoy yung aura ni Seth na humahabol sa likod namin.
Tumakbo ang oras at malapit na lunch time ngayon. Medyo chill parin ang classes kaya wala kaming ginagawa pa.
Mukang naka-get over na si Seth sa kalokohan na ginawa ni Cherry sa kaniya kanina dahil kasalukuyan niyang pinapakilig yung dalawa. NAkisali pa si Ren at Bryan sa kanila kaya ang ending kami ni Matthew ang others.
I'm not really sure kung paanong nakisali sa mga trippings nila yung dalawa pa samantalang hindi naman sila flirt tulad nung bwisit na si Seth. Ugh.
Pakana niya to e kaya parang ang awkward tuloy ng aura namin ni Matthew. Kahit na hindi kami kasama sa usapan nilang apat, nakikitawa naman kaming dalawa. Sa totoo lang, pakiramdam ko wala ni isa saming dalawa ang gustong mag-open sa kung ano man usapan ang nangyari kagabi,
Parehas kaming hindi ready.
"Woah! Karen, anong ginagawa mo? Kayo ba ni Seth?" Tanong ni Ren kay Karen na may kasamang magulong expression. "No! No dude! There's no us!" Galit na sabi ni Seth bago pa man makapagsalita si Karen. Sabay kalas niya sa hawak ni Karen sa braso niya at lumayo.
Hindi ko alam kung tatawa ako o hindi.
Syempre! Naawa ako sa feelings ni Karen. I mean, todo pagpapapansin niya kay Seth tapos hindi naman siya pinapansin nito. Si Seth naman, nakakaproud! Alam na niyang iwasan ang taong minsan na siyang sinaktan.
Naalala ko itsura niya tuloy nung tinawag siyang panget ni Karen nung nasa freshman year kami, Pfft!
Oo, ginawa yun ni Karen. Nung mga panahon kasi na yun e hindi pa nasampal, nasuntok at nasipa si Seth ng tinatawag nating puberty. Oh yes, isa nga siya sa mga lalaking natamaan ng maaga.
Bigla siyang...BAM! Boom! Gumwapo! Yumabang!
"What the heck." Rinig naming bulong ni Karen sabay sabunot sa precious hair ulit ni Seth na may kasama pang sampal sa pisngi at nag-walk out.
"Argh! Ano bang meron sa buhok ko ngayon at trip na trip niyo?! F*ck, sh*t." pag-rereact naman nung isa na may kasamang tingin na masama sa babaeng hinahangad niya noon. Gosh, hindi ko alam kung kanino ako sa kanila makakaramdam ng ouch feelings eh.
Buti nalang walang mga teachers at maingay sa loob ng room. Walang ibang nakarinig ng pagmumura ni Seth kundi detention abot niya.
Hinawakan siya ni Matthew at umiling na para bang sinasabi na 'Wag mo ng sundan dude.'
Telepathy nanaman sila. Telepathy na naiintindihan rin naman ng iba. *shakes head
Naintindihan ko eh, bakit ba.
"That f***ing b**ch! Kainis! Buti nalang hindi niya ko sinagot. Magsisi siya ngayon. Sinayang niya kagwapuhan ko! Hindi ko na siya babalikan mga pare. Mas marami ng humahabol sakin ngayon at hindi ko sila ipagpapalit sa amasonang yon!" Napahalakhak nalang kami sa sinabi ni Seth.
Okay, we're all guilty for laughing.
Kahit yung ilang estudyante napatingin sa kaniya. Para kasi siyang nag-speech laban sa rebellion ng bundok hakarugi.
Sinamaan niya kami isa isa ng tingin. "What's so funny guys?!" pagdudugtong niya sa mga sinasabi niya samin. Sinubukan niyang ayusin ang buhok niya at haplos naman sa pisngi. Tumingin siya sakin at mas sinamaan niya ako ng tingin dahilan para matawa ako lalo.
"Haha! Seth, don't look at me like that." Sabi ko sa kaniya at nag-pout siya! Juice ko po, si Seth nagpapout! Matindi! Kinilabutan ako dahil sa kissable lips niya na masarap naman talagang halikan.
Ewan ko. Parang gusto ko ngang gawin yun eh ang kaso nga lang, naisip kong ayoko na rin. Hahaha! Eww, Seth cooties!
"Then don't laugh at me, you miniature girl." Napatigil ako sa pagtawa at nagtinginan kami ng masama. Sa kidlat na namumuo samin ni Seth, biglang sumingit si Matt. "Guys, stop that." Natatawa niyang sabi.
At syempre ako, nahihiya parin ako sa kaniya kaya napatingin ako sa sahig at sinubukang magsalita pero walang lumabas sa bibig ko. Kaya bago pa ako mapahiya, nilayasan ko sila.
Bwisit kasi si Seth! Parang nagkakatuwaan lang eh. Asar talo ang wala. Hmph!
"Ava! Wait!" pagtawag sakin ni Matt pero hindi ko siya nilingon. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko sa kaniya.
Kung paano ko sasabihin na ayaw kong magpaligaw. Tignan niyo yan, iba tuloy naisip ko. Kanina lang si Seth naiisip ko dahil sa kabaliwan niya ngayon naman si Matt? Ugh.
Bago mag-lunch break, inayos na ng mga teachers ang pwesto naming mga highschool.
Pinaglayo nila kaming mga sophomores. Pero sa kasamaang palad, katabi ko si Seth. Hindi siguro napansin ng mga teacher na magkatabi kami na dalawang sophomores sa isang row ng mga upuan.
Si Matt naman nasa kabilang side. Ka-row niya si Cherry pero nasa gitna nila si Manuel, isang 1st year. Si Karen naman katabi niya si Gerald. Crush na crush niya ito. Siya ang dahilan kung bakit di niya pinapansin si Seth noon.
Kaklase siya ni Liam parehas sila ng features ng kapatid ko pinag-kaiba lang maputi si Gerald at mas matangkad ito kay Liam ng ilang inches. Mas mataba ng konti si Gerald pero type na type ito ni Karen. Kaya lang hindi niya ineentertain si Karen.
Si Shanaia ang type niya.
Simpleng ganda kasi si Shanaia eh. Hindi katulad ni Karen na panay make up.
Speaking of Shanaia, ang tagal pa nga umuwi nung babaing yun sa Pinas. Every summer kasi lagi silang umuuwi doon para samahan ang daddy nila at family get together narin.
Si Ren at Bryan naman, nasa magkabilaang dulo din. Nasa gitna nila si Joyce Villas. Nililigawan ni Liam at kapatid ng Amasonang si Karen. Kabaligtaran niya ito. Yun nga lang, sa tingin ko kaya siya nagustuhan ng kapatid ko e dahil sa kamuka niya ang ex girlfriend ni Liam na sobrang mahal na mahal ng kapatid ko.
Teka nga bakit ba napunta dun? Samatanlang seating arrangement ang usapan kanina. Hahaha!
Pagdating namin sa cafeteria, agad agad naman kaming umupo sa pwesto namin lagi. Ewan ko ba, parang naka-reserve na ito para saming apat nila Karen, Cherry at Shanaia. Ang kaso nga lang, tatlo lang kami ngayon.
Ang bilis ng oras ko ano? Ganyan talaga pag walang love life. Masaya at walang iniintindi.
Sabay sabay kaming girls na kumain. Maaga kaming natapos kaya tumambay muna kami sa table namin. Kulang nalang talaga, magkaroon ng mga pangalan namin ang table at chairs tong pwesto naming ito.
Asan ba pentel pen ko nang malagyan.
"Girls, nakakainis si Seth." Umpisa ni Karen. "Bakit? Anong ginawa nya?" Sagot ni Cherry. Nanahimik lang ako. Siguradong hindi nila ko maririnig pag nagsalita ako.
"Eh kasi niyakap ko siya. You know, as a greeting ng goodmorning. And I want him to chase me again. Lalo na't ang gwapo gwapo na niya ngayon. Oh and by the way, Ava hindi ako nagagalit sayo kung tinatawag ka niyang 'baby' or 'babe'. Alam ko naman ang mga tipo niyang girls e. Kaya hindi ko titignan na kakompitensya kita."
Tuloy tuloy niyang sabi samin at muntik na akong ngumanga dahil sa pinagsasabi niya sakin.
Tinignan niya rin ako mula ulo hanggang paa. Hindi naiwasang kumulo ng dugo ko sa sarili kong kaibigan.
Napapa-wow nalang talaga ako sa tuwing lumalabas yung ugaling to ni Karen eh. Minsan naisip ko na gusto kong i-press sa salamin yung muka niya dahil sobra ang pagiging narcissist niya.
Ang ganda nga niya e yung ugali naman niya kamusta? Isa pa, ang hirap niya rin kung minsan intindihin eh.
Buti nalang talaga hindi niya sinagot si Seth! Juice ko. Hindi ko kayang pakisamahan tong babaeng to araw araw kung magiging sila ng unggoy na yun. Nagkatinginan nalang kami ni Cherry. May telepathy din kami. Hahaha! Ito ang wala kami ni Karen. *shakes head
"Karen, kasalanan mo din naman kung baket di ka na pinapansin ni Seth e. Pinaasa mo yung tao tapos hindi mo din pala sasagutin. Dinahilan mo pa na ang panget panget niya dati. Na si Gerald gusto mo. Na mas type mo pa si Manuel. Ga** ka e." Paliwanag ni Cherry sa babaeng para na naming kapatid na minsan hindi namin malaman kung mabuti siyang tao o hindi.
Umirap siya sa kung sino saming dalawa ni Cherry sabay tingin sa baba. "Girl, nagpakatotoo lang ako nung mga panahon na iyon." Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya.
Sa sobrang pagpapakatotoo niya, nakasakit siya ng tao. Oh wait, hindi pala siya nagpakatotoo talaga. Hindi niya kasi sinabi kay Seth noon na ayaw niya naman talaga magpaligaw sa kaniya.
Sa totoo lang, nakakaawa si Seth the Frenemy nung mga panahon na yun.
"Oo, Karen at dahil sa pagkakatotoo mo mas inentertain mo pa ngayon yung Manuel samantalang kakakilala mo lang sa kanya at pumayag ka ng magpaligaw tapos lalandi ka pa kay Seth ngayon? Ang Kati mo..." Binulong no Cherry yung huli niyang sinabi.
Nagkakwentuhan lang kami tungkol kay Manuel at Karen. Si Manuel na mas bata samin ng isang taon at na mas mukang type niya dahil sa tan-skinned siya dahil sa isa siyang magaling na player. Actually, oo totoo madalas nga siyang hiramin ng ibang sports club na meron sa school namin eh.
Oh wait, we only have 2 sports club. Lol
Nang mag-bell na. Pinauna ko na sila Cherry at Karen sa room. Naiihi na ako eh!
Agad agad naman akong dumeretso sa isang cubicle mahirap ng ma-late para sa after lunch lessons.
Pagkatapos kong mag-cr, nasalubong ko si Matt. Nanlaki mga mata ko at hindi ko alam kung bakit ko pinigilan ang paghinga ko. Nakayuko siya nung nakita ko siya pero nung mapa-angat ang tingin niya, bigla nalang tumakbo ang puso ko.
Oo tumakbo talaga, hindi ko na alam kung san siya nagpunta. Iniwan ako dito. Loko yun eh.
"Oh hi Ava." Pagbati niya sakin. Tinignan niya ako sa mata at ibinaling ko ang tingin ko sa sahig nang maisipan akong balikan ng senses ko na tumakbo kasama puso ko.
"Hi Matt." Sagot ko na walang halong kilig. Hindi po talaga ako kinikilig. Hanggang ngayon kasi, naiisip ko parin kung gaano kabilis ang magkaroon siya ng feelings sakin.
Tulad rin niya ba siya?
"Hinahanap kita kanina pa." napasalubong ang kilay ko sa sinabi niyang to at medyo inangat ko ang tingin ko sa kaniya.
Nag-ehem ehem pa ako bago magsalita. Baka pumiyok ako eh. Lol
"Oh. Is that so? Umm...may sasabihin ka ba?" tanong ko habang paikot ikot ang tingin ko sa paligid.
Napa-'ehem' lang muna siya sa tanong ko at tsaka nagsalita. "Umm... Ava. I want you to know that I'm serious about you. I really like you." Paumpisa niya.
Na-shock nanaman ako sa mga narinig ko. Hindi kaagad ako nakasagot. Mga ilang segundo muna lumipas bago ako makapag-isip ng sasabihin.
Hindi gumagana ng maayos ang utak ko kapag ganito ang usapan. Lalo na't sinabi niya pang seryoso daw siya sakin. Parang nakikita ko 'siya' kay Matt na sana magkaiba sila.
After 20 seconds...
Yes, binilang ko talaga. Bakit ba.
"Matt. I'm sorry." Bulong ko. Naglakas ako ng loob at tinignan ko siya sa mata. Nagtaas siya ng isang kilay niya at bumuntong hininga siya.
"Why are you saying sorry? You've done nothing wrong to me." Pagpapaliwanag niya. Huminga akong malalim dahil alam kong kailangan kong masabi ang rason kung bakit ko yun nasabi. Alam kong magtatanong lang rin siya lalo kapag hindi ako nagpaliwanag ng maayos.
Kinakabahan ako! Familiar ang feeling na ito! "Matt. You see, I'm not yet ready to trust in love...again." Sagot ko sa kaniya.
Nakita kong parang na-shock siya at alam kong nagsisimulang mabuo ang mga tanong sa utak niya. Sigurado akong sobrang curious na niya. "What do you mean 'again'?" Nagtataka na siya.
"Can we not talk about this now? I'm not in the mood to speak about 'him'. Not to you." Binulong ko yung huli kong sinabi dahil alam kong masakit ang mga salitang yun. Tumango tango siya sakin at bumuntong hininga ulit na para bang sobrang bigat ng dalahin niya.
"Okay. Whenever you're ready to talk to me. I'll gladly listen to your story. I'm always here for you." Hinalikan niya ko sa noo. Nagulat akong bigla kaya napalayo ako agad agad sa kaniya na may kasamang gulat na expression.
Gosh! Hindi pa tayo may pahalik-halik ka na sa noo!
Tumango na lang ako at nauna na ko sa room. Tumatambol ang puso ko sa ginawa niyang paghalik sa noo ko pero hindi ko masasabing kinikilig ako. Masasabi kong, kinabahan ako.
Teka, gawin narin nating present tense iyon.
'Kinakabahan' narin ako.
Baka kasi sa small gestures niyang ganun eh mapapayag niya akong manligaw siya sakin at mahulog sa kaniya. Na ayaw kong mangyari dahil hindi pa ako handing magmahal ulit. Nakakatakot.
Natapos na din sa wakas ang araw na ito. Araw na puno nanaman ng kaboringan. Nakakaantok lang. Kahit kausapin ako ng kausapin ni Seth, alam kong nainip rin siya sakin. Hindi ko siya sinasagot eh. Hahaah! Isa pa, wala nanaman kaming ginawa sa room. Nantrip lang yung mga teachers.
Binalak kong maglakad ulit pauwi at syempre inaasahan kong sasabayan ako ng frenemy ko pero hindi. Kaya nauna na ako. Ang kaso nga lang, sinabayan ako ni Matt. Heto nanaman ang awkward na aura samin. Pero ako lang siguro nakakramdam nun.
Ihahatid daw niya ko hanggang sa bahay naman. Si Seth? Ayon, dala dala niya motor ng kuya niya. May date daw siya. Hindi ko maalala yung pangalan na nabanggit niya pero parang sa letter 'M' ata nagsisimula yun eh.
Ah ewan. Di ko maalala.
Disappointed si Karen ng marinig niya yun kaya pinuntahan nalang niya si Manuel. Si Cherry, Bryan at Ren, nagtext sakin na hintayin namin sila sa Mini Stop at foodtrip daw kami. Nagka-detention kasi sila ngayon kasi nahuli at narinig silang tatlo na nagmumurahan.
Sa sobrang excite sa panunuod ng movie na sikat ngayon. Hindi ko naman sila masisisi kasi nung pinanuod ko rin yun at natapos sobrang dami ko ring feels eh. Yung tipong gusto kong ipagyabang sa mga tao na napanuod ko yun ng maaga at gusto ko sila ma-spoil.
I don't blame them.
Pero bine-blame ko sila ngayon kung bakit kaming dalawa lang ni Matthew ngayon ang magkasamang maglakad. Isama ko na rin si Seth na walang tigil sa mga bilnd dates niya. Ugh.
Isa pa, alam kong may tumatakbo sa isip ni Matthew lalo na't nakasalubong ang mga kilay niya na para bang ang lalim ng nasa isip. Alam kong tungkol ito sa binitawan kong mga salita kanina dun sa cr.
Idagdag pa na kinokonsensya ako ng sarili kong konsensya kung ano anong binubulong sakin na quotes. Nakakabaliw pero totoong may naririnig ako sa tenga ko. Nakakatakot pero pag nare-realize kong boses ko rin e pilit ko nalang na hindi pinapansin.
Kaso sa pagkakataong to, ang saya i-group message nung binubulong niya sakin eh. Pfft!
If you keep on looking at the past, you won't be able to see the present. Yep, I'll send it to everyone I know later. LOL
"Ava. What's wrong? Are you okay? Do you want to go home already?" Pag-aalalang tanong ni Matt. Nawala ang pakikipag-usap ko sa sarili ko nang magsalita siya na may tono pa ng pag-aalala.
"No. Matt. I'm perfectly fine. Just thinking some things. You know, 'the past'." Sabi ko. Bago ko pa marealize ang nasabi ko, nakasagot na siya kaagad. Napa-face palm nalang ako.
Bwisit. Paputol ko na kaya dila ko? -_-
Nag-lean siya sa table na nagsisilbing harang saming dalawa. "Ava. Please tell me what happened. I'm curious. I want to know everything about you." Sambit niya na may kasamang pag-aalala at determination sa mga mata niyang nag-gagandahang light brown.
"Matthew..."
"Please Ava. Please? I'll still love you with all my heart kahit ano pa yan." Nakaka-touch naman pero...love agad?! Ang bilis naman ng progress! Ano to teleserye?! Love at first sight lang ang peg, ganon?!
Napa-smirk ako sa loob loob ko dahil sobrang ridiculous ng dating kung totoo ngang ganun ang nasa isip ni Matthew. Hindi kasi ako naniniwala sa mga ganon eh pero kung tutuusin, may sariling utak ang bibig at dila ko.
"Fine I'll tell you since we're friends basta lang wag mo na ko kulitin." Sa sinabi kong ito, nag-ilaw ang mga mata niya at parang natuwa siya dahil makakalikot na niya ang buhay ko.
Kahit na pilit kong inemphasize ang salitang 'friend' pero mukang hindi yun yung focus niya eh. Masaya siya dahil babahagian ko siya ng first love ko.
"It may sound childish but...I fell in love when I was 13 and he's 14."
At nagsimula ang kwento ko tungkol sa first love ko.
--
End of 2.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play