We all want our own happy ending to meet "the one" and live happily ever after .
But what if we've already met that person and didn't realize it? What if we've made too many mistakes and ended up hurting that someone? And what if we've passed up on chances to start all over again?
Could there still be a fairy-tale ending?
"Mama," I called. Dali-dali akong bumaba sa hagdan. Muntik pa akong mahulog nang sumabit ang paa ko sa huling baitang. I cursed silently as I searched for my bag.
"Princess Alexa!"Mama shouted
"I'm going."Nang makita ko ang backpack ko na nakapatong sa sofa, mabilis ko itong kinuha habang sinusuklay ang gulong-gulo at basa kong buhok.
"Aren't you eating breakfast?"
Saglit ko siyang nilingon."No," mabilis kong sagot. Pagkatapos ay tumakbo na ako palabas ng pinto.
"Alexa!"Mama yelled. Nakatayo siya malapit sa dining table habang bitbit ang tray na may sandwich at coffee.
Ganito ba talaga kapag one and only child? Overprotective much ang parents? Napailing na lang ako.
"I'm late. Bibili na lang ako do'n ng pagkain,Ma.Bye."
Nag mamadali na ako mag lakad papunta sa kanta para mag-abang ng tricycle.
Narinig ko pang sumisigaw si Mama at tinawag ang pangalan ko, pero hindi ko na lang siya pinansin.
Mabilis at malalaki ang mga hakbang ko. Mukhang masamang pangitain yata 'to. First day of school pa lang, late na agad ako huhuhu, bakit nga ba kasi pinili ko pang mag-uwian ngayong semester?
Nang makarating ako sa kanto ay dali-dali kong binukasan ang bag ko at kinuha ang journal ko. I checked my schedule.
My classes would be from 8:30 in the morning to 2:30 in the afternoon. I don't have a classes every Monday.
I would've smiled if not for the time. It's 7:00 in the morning already. Almost 2 hours ang byahe ko galing sa Cagayan de oro papunta sa Mindanao State University, Iligan City . Napailing ako. Nakakahiya sa professor ko.
Pero isang taon din kasi akong nag-dorm dahil sa pangit kong schedule. Sobrang na-homesick talaga ako no'n. I cried whenever I missed family celebrations. But now, I have a wonderful schedule. Sadyang inayos ko ito dahil hindi na talaga ako papayag na mag-dorm pa.
Itinago ka na ulit sa bag ko ang journal ko at tumingin sa kalsada, then checked my watch again. It's now 7:05. Oh no! Limang minuto na akong naghihintay, pero wala pa ring tricycle sa daan. Habang pilit kong tinitignan kung may paparating na tricycle, nakarinig ako ng malakas na busina mula sa kotseng pula na nasa giling ko. Napatingin ako rito at napatalon sa gulat.
"Hey! Are you nuts?!" I asked angrily while looking at the black tinted window of the car. Napakamot ako sa ulo dala nang matinding inis.
Dahan-dahang bumaba ang bintana ng kotse at dumungaw ang driver.
OMG! No way! Is this some kind of joke?
"Sakay na," seryosong sinabi ng driver habang nakatingin sa akin.
Would you look at that? It's the mighty Benjamin Copper the third, ang suplado kong kababata at kapitbahay.
Himala yata. Ano'ng nakain niya at inaalok akong sumakay sa kotse niya? Baliw ba 'to? Or was he asking me out on a date? OMG talaga. Napangiti ako sa walang kwentang idea na naisip ko na dala marahil ng gutom.
"Ano ba 'yan! Kung anu-ano na lang ang naiisip ko," I whispered to myself.
"Hey!" Kunot-noong sinabi ni Benji.
"Ha?" I blinked twice.
"Bingi ka? Sabi ko, sakay na!" Halos magsalubong ang dalawang kilay nya. Halatang naiinip na.
"Sino?Ako?Ako ba?"
Umirap siya. "Hindi,'yang poste sa tabi mo," he said sarcastically. "Sino pa ba'ng ibang tao dito?. Ikaw lang naman,'di ba?
"Ah.E papasok ako,e."Ngumiti ako nang pilit.
"I know," he said, as if he was talking to a stupid person.
Nawala bigla ang ngiti ko at napalitan ng pagkunot ng noo ko."So bakit mo ako pinapasakay?" Bakas ang pagkairita sa boses ko.Nandito ba siya para lang inisin ako?
"Alangang paliparin kita o sagasaan, 'di ba?"
"Aba't! Antipatiko ang--"
"Ano?Sasakay ka ba o hindi?" Nakamulagat niyang tanong.
"Ah, e...." Napakamot ako sa noo ko at napangiwi.Sasakay ba ako o hindi?
"Male-late ka na sa school,'di ba ? Kaya sumakay ka na," iritableng sinabi ni Benji.Binawi niya ang tingin sa akin and just looked straight ahead habang mahigpit ang hawak sa manibela.
Hindi ko siya maintindihan.Bakit niya ako isasakay e magkaiba kami ng school---taga -La salle Academy siya.
Nang hindi ako nagsalita ay bigla ulit itong tumingin sa akin."Ano?" pasigaw niyang tanong.
"Aren't you going to class?"I asked instead.
" Of course,I'm going.That's why you should hurry up and get in!" He gritted his teeth.
Nagmatigas pa rin ako at tinaasan siya ng isang kilay.Mahigpit ang kapit ko sa backpack ko.
"E hindi naman same way ang papuntang La salle Academy at MSU,'diba?"Halos pasigaw ko na ring tinanong.This guy's weird.Ang gwapo pa naman sana,kaso may pagka-tanga.
Sa totoo lang,dati hindi naman cold treatment ang ibinibigay nito sa akin. Close pa nga kami dati no'ng mga bata pa kami.Bakit hindi?Kami ang laging magkalaro at magkasama dahil magkasing-edad naman kami.Syempre,malapit din ang mga magulang namin. Pero nang mag-high school kami at pumasok si Benji sa La salle Academy ay bigla na lang siyang nagbago.Aba, ni hindi na ako pinapansin.Masyado na yatang mataas ang tingin niya sa sarili niya.
"Alam ko.Just get in the damn car and stop asking questions! You're wasting our time!" May pagbabanta sa tinig nito.
Dali-dali naman akong napasakay nang wala sa oras. Binuksan ko ang pinto ng kotse at umupo sa passenger seat. Pero pagkasakay na pagkasakay ko ay saka ko naisip ang pagkakamali ko. Bago pa ako makatanggi at makalabas muli ay pinaharurot na bito ang sasakyan.
What have i done?
Medyo natakot kasi ako sa boses niya. Medyo lang naman. Ano ba kasi ang problema niya?
And what did he just say? I was wasting our time? Our time? Bakit? Sina ba'ng nagsabi sa kanya na pasakayin niya ko sa kotse niya? He could have gone without me, for crying out loud!
I just shook my head. This guy is weird!
The whole time na nasa daan kame, we were not talking. The silence was really awkward, which made things a lot weirder.
Maya-maya lang ay natanaw ko na ang Mindanao State University of Iligan City.
Inayos ko ang bag ko."Dito na ako. Pwede mo na akong ibaba.Salamat," I said, suppressing my annoyance.
Dire-dretso pa rin kami hanggang nakapasok na sa MSU.
"Hey!" Saway ko rito."I said dito na ako," I repeated, sounding impatient.
Hindi pa rin ako pinapansin nito. Bagkus, nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho.
Tumigil ang kotse sa tapat ng Institutes of Health Lectures in Biomedical Sciences.
I singhed.'Ikaw pala ang bingi,e. Dito na ako. Salamat ulit." Umingos ako at dali-daling bumaba sabay sukbit ng backpack ko.
Sa pagkamangha ko ay dali-dali rin itongbumaba at kinuha ang bag niya. Sumabay ang mokong sa paglalakad ko.
Uh. What's happening?
Tumigil ako at hinawakan ang braso niya kaya napahinto rin ito. Hinarap ko siya at binigyan naman niya ako ng tingin na mukhang naiinis. Marami-rami na rin ang tao sa pasilyo. Abala sila marahil sa paghahanap sa kani-kanilang classroom.
Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa braso niya nang mapansin kong napasulyap siya rito. Humalukipkip ako,"Don't tell me ihahatid mo pa ako hanggang classroom?Wow."Di ko alam na gentleman ka pala.Salamat na lang.
You don't want to accompany me.I can go on my own,"pagtataray kong sabi.
Hindi ako pinansin nito at nagpatuloy lang ulit sa paglalakad.
I gasped.Aba! This fk freak! Iniwanan ba ako dito?
Napapadyak ako dala ng matinding inis at t'saka hinabol ko yung tukmol. Dire-diretso lang ang tukmol habang nakasunod ako.Napansin ko na rin na lahat na yata ng madadaanan ni Benji na babae ay napapatingin sa kanya. Aba, at mga kinikilig pa!
Pero sa totoo lang, putting my annoyance aside, may itsura naman talaka si tukmol ay mean si Benji. Okay, let me rephrase my sentence: gwapo naman talaga siya. Kaya lang kasi, ang sama ng ugali niya! Umagang-umaga e bwesit na agad ang araw ko!
I checked my watch again : 8:46 a.m.
I shrugged.Not bad.Aabot pa ako sa first class.Sana lang late si sir.
Napatingin ako sa lalaking naglalakad sa unahan ko. Mabilis naman pala na driver si Tukmol. Kung nag commute ako,e,malamang inabot na ako ng siyam-siyam. Baka tapos na ang first class ko, nasa byahe pa rin ako.
Nagulat ako nang bigla siyang huminto sa tapat ng room ko.
"What the heck?! Paano mo nalaman ang room ko?"Nanlaki ang mga matang tanong ko rito.
Hindi siya sumagot. He opened the door and entered the room. What is this freak doing? Is he crazy? Is he out of his fk mind?
Nagmadali na rin akong pumasok. I looked around the classroom para hanapin si Benji.
Kinawayan naman ako nito at itinuro ang bakanteng silya sa tabi niya.
Buti na lang at nakatalikod si sir, who was the same teacher sa Major Categories Of Bio-Compounds.
Mataas siya magbigay ng grades, pero ayaw niya sa mga estudyanteng laging late. Buti na lang, hindi niya kami nakitang pumasok sa room.
Tinanong ko 'yong babaeng nakaupo sa unahan ko kung nag nag-check na ng attendance.
Umiling ito.
I sighed with relief."Yes!" Then, hinarap ko na ulit si Benji.
"Hey! Ano pa ang ginagawa mo rito? Lumabas ka na. Lagot ka pag nahuli ka ni Sir. Akala ko ba nagmamadali ka na rin at male-late ka na? Umalis ka na," dire-diretso kong sinabi.
Ngumiti lang ito nang nakakaloko bago tumingin sa unahan.
What in the world is the matter with this guy? Sinamahan pa ako hanggang sa loob ng classroom? I am prette sur mapapahiya lang siya I already warned him, and I'm secretly pleased at the thought of Benji's humiliation. Napangiti ako sa idea.
"What's funny? he suddenly asked.
"You"
"Me?"
"Yes,you.Ha ha ha."
"Yes, Miss Dela Cruz? What's funny?" bigla singit ni Sir Edaros. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.Nakatingin na rin ang buong klase.
Namula ako bigla. Napayuko na lang ako at umiling."Sorry,Sir Edaros."
Tumalikod si sir at ipinagpatuloy ang pagsusulat sa white board.
"Now, who's funny?" Benji murmured with an evil smile.
Inirapan ko na lang siya. The nerve of this man!Gustung-gusto ko na siyang suntukin!
"Okay,who came in late? Raise your hand, so I can check your attendance." Iginala ni Sir Edaros ang tingin niya sa buong klase.
I suddenly froze.I felt all the color drained from my face.
Akala ko ba hindi pa nagche-check ng attendance?Nagulat na lang ako nang nagtaas din ng kamay ang babaeng nasa unahan ko. Ugh. Late din pala siya! I sighed, at walang-gana kong itinaas ang kamay ko. Lalo akong nagulat nang nagtaas di ng kamay si Benji.
"Okay,then, Miss Dela Cruz and....," pinasadahan na tingin ni Sir Edaros ang hawak na papel bago sinabing,"Mister Benjamin Cooper III, am I right?" OMG.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play