----
Jennie's POV:
"Jennie, gising". Naghahalucinate lang ba ako o talagang ginigising ako ni Jisoo. Hindi muna ako kumibo. Ang bigat pa ng mga mata ko e. Gusto ko pang matulog.
"Ano ba Jennie Kim gumising ka" Inalog nya ulit ako pero this time mas malakas at nararamdaman kong nayayamot na sya.
"Ano ba yun? Inaantok pa ako e". Gumulong ako palayo kay Jisoo na nakapwesto sa kaliwang side ko sabay takip ng kumot.
"You're all over the news. . . may nakakita sainyo ni Kai kagabi ".
"Anoo!?" Napabalikwas ako ng upo at agad kong hinarap si Jisoo. Inabot nya saakin ang phone na hawak nya.
I was reading the article when i saw na may attached photo din pala. I gasped. It was really us, last night.
"Alam na ba ng lahat?. " Nagpapanic na ako. Wala akong pakialam sa iba.. iisang tao lang ang concern ko. " Alam na ba ni Lisa??"
"Hindi pa.. tulog pa sya until now. Kami palang ni Chaeyoung ang nakakakita." Nakikita kong worried din si Jisoo.
Hinawi ko ang kumot at bumaba ako ng kama. "Saan ka pupunta?? " habol saakin ni Jisoo.
"I need to explain to her, personally. " Dapat ako muna ang mauna bago nya makita ang article.
"Kay Lisa lang talaga?? Pano kami? " she looked puzzle. Tumayo din ito at hinawakan ang kamay ko. "Tara puntahan natin sila."
"Is Chae with her?" tanong ko habang naglalakad kami palapit sa kwarto nila.
"Yes to make sure na wala syang malalaman muna. . ".
Dahan dahang pinihit ni Jisoo ang knob ng pinto kasabay ng maingat naming pagpasok.
Si Chaeyoung agad ang nakita namin. She was sitting right next to Lisa who is laying facedown. Sumenyas sya saamin na wag kaming maingay.
"Tulog pa din?? " halos wala nang boses na tanong ni Jisoo. Mukha namang tulog pa ito. Nakatayo kami malapit sa paanan ng kama nila.
Nagkibit balikat lang ito. Nakahinga ako ng maluwag. Out of all people sakanya lang ako mahihirapang mag'explain. Pero bakit nga ba??
I moved over to Lisa's side. I quietly switch on her bedside lamp to look for her phone. Nagulat ako ng makita kong naka'on ang screen nito habang nakapatong dito ang kamay nya. I looked closely and froze. We we're late. She already saw it.
Yayakapin ko na sya ng bigla kong marinig ang hikbi nya. Gano katagal na kaya syang umiiyak.? Napakahina lang ng hikbi nya pero ramdam ko na pigil na pigil nya ito at ayaw nyang ipadinig.
"Jennie, nasa sala ang manager mo. Labas na muna tayo". Bulong ni Jisoo. Hinawakan nya ang balikat ko at inalalayan ako sa pagtayo. "Chae ikaw na muna bahala jan a."
Nag'thumbs up naman ito. Naglakad na kami palabas ng kwarto ni Jisoo. Hindi ko pa naman nasasarado ng tuluyan ang pinto ng marinig ko ang boses ni Lisa..
.
"Chaeyoung!!" sabay hagulhol nito.
It hurts me.
----
Chaeyoung's POV
Limang minuto nang nakasampa si Lisa saakin habang umiiyak. Patuloy ko lang na hinihimas ang likod nya. Ayaw kong magtanong. Ayaw ko na ding dagdagan ang nararamdaman nya.
.
"Chaeyoung??". Bigla itong tumigil sa pagiyak. "Mali ba ang masaktan ako? Mali ba na umiyak ako??
"Hindi. Mas mali kong hindi ka iiyak at idedeny mo sa sarili mo na hindi ka nasasaktan." Umayos ito ng upo at hinarap ako. Ganto naman talaga si Lisa, parang bata. Kapag nagsimula na syang umiyak matatagalan syang patahanin. "Bakit ka ba nasasaktan?"
Bakit ko nga ba tinatanong? I know deep inside na gusto ni Lisa si Jennie romantically. Hindi lang nya siguro narerealize dahil masyado kaming close. Pero ako, halata ko yun.
She's a kissing monster. Alam namin yun. Pero the way Lisa kisses Jennie iba yun. There were times they almost kissed on the lips. We'll it almost happened to us also but with Jennie the intensity is on a different level.
"Chaeyoung. . " She cuddle on my side. Nahihirapan ata syang iexplain ang nararamdaman nya. "Hindi ko alam ang rason pero nasasaktan ako. . .Jennie is dating someone. ."
Naramdaman kong nabasa ang manggas ng damit ko. Umiiyak ulit sya. Hikbi at paputol putol na hinga ang naririnig ko. "Just cry Lisa. Let it out. "
She cried. She's crying like her heart was broken for the first time. It took a while but suddenly she stopped.
She took a deep breath. "As long as Kai is making her happy.." Umayos sya ng upo at hinarap nya ako. Bumuntong-hininga muna sya. .".. I'll be happy for her". Then she smiled.
It was a sad defeated smile. A deceiving smile. Out of all her smiles it was my least favorite. It was her saying, ..
"It's okay ". She just read my mind. I moved to hugged her. "Thank you Chaeyoung.. " I just found myself crying too.
---
Jisoo's POV:
Lumabas muna ang manager ni Jennie pagkatapos nitong makatanggap ng tawag galing kay Big Boss. Kaya may oras pa kami para makaisip ng sasabihin sakanya.
Tahimik lang si Jennie na nakaupo sa tabi ko. Kanina pa sya hindi nagsasalita. Pagkatapos nyang marinig ang sigaw ni Lisa kanina nagsimula na syang mag'space out.
I touched her chin. It was wet. Hindi ko man lang napansin na knina pa pala sya umiiyak. Masyado akong nagfocus sa iyak ni Lisa kanina na dinig na dinig ko dito sa kinauupuan ko, hindi ko namamalayang nagpipigil na pala itong katabi ko.
She grabbed my hand. She squeeze it softly. " Kung gusto mong umiyak-- "
And that's it. Kumawala na nga sakanya ang mga luha na kanina pa nya pinipigil. Pinatong nya ang mga mata nya sa kamay ko. Dama ko ang pagaagos ng mga luha nya. She's in pain, deep pain.
Katulad ni Lisa, Jennie is a crybaby. Iyak lang sya ng iyak hindi nga lng nya pinapahalata. She always cry in silence.
Pero iba ang iyak nya ngaun.
She's crying like she betrayed someone, like she cheated.
Naguguluhan tuloy ako kung ano ba sa dalawa ang iniiyakan nya; yung nalaman na ng lahat ang tungkol saknila ni Kai o yung nalaman ni Lisa ang balita.
But i guess mas concern si Jennie sa huli.
We've been living together for almost 6 year now and we're like sisters. We are her outlet whenever she misses her family.
Alam na alam na namin na Lisa was the clingy one. She can cuddle, hugged and we even let her playful kisses slide everytime na maglalambing sya.
Pero Iba yata ang kaso nilang dalawa. I always find it weird pero hindi ko nalang pinapansin although alam kong yun din ang iniisip ni Chae.
"The company will handle the situation now don't worry. " Nakalapit na pala si Manager Kim saamin. " In the meantime tatawagin ko muna yung dalawa para makapagbriefing tayo ng mga dapat nating gawin."
Natigilan si Jennie sa pagiyak nang malamang makakaharap na nya si Lisa. Mabilis nyang inayos ang gulo nyang buhok at umayos ng upo.
"Jisoo-ssi". She looked at me sabay nagfinger heart. "I'll be fine". I know she's not.
Ayaw lang nyang makita sya ni Lisa sa ganung sitwasyon.
"I'll fix myself first." Tumayo ito at tinungo na ang banyo.
+++++++++
Jennie's POV:
Napasalampak ako sa toilet seat pagpasok ko ng banyo. Nanghihina ang mga paa ko. Patuloy pa din sa pagbuhos ang mga luha ko.
Lisa's cry is resounding in my head. Gaano ko ba sya nasaktan? How can I face her again? What should I say?
I stood up and face the mirror. I found myself devastated. "I should be happy.. hindi na namin kailangan magtago pa ni Kai. Tama, tama.. Mahal ko sy-.." Damn! Sino ba ang niloloko ko?!
My phone rings. Kai is calling. I wanted to be sure. I need to take his call.
[Baby. . Are you ok?], he sounds worried.
"Yes". I dropped my tone.
[Have you seen the news? Don't worry, I already asked my manager to confirm the rumor.]
"Why!? Nag-usap na tayo kagabi di ba?"
[Kaya nga. I'll confirm it for you, di ba ito yung reason kung bakit ka nakipag-reak kagabi. . natatakot kang malaman nila ang tungkol sa atin.]
"Kai. . "
[Don't worry baby everything will be okay. Sa una lang mahirap kapag nasanay na ang lahat at makita nilang masaya tayo.Matatanggap din nila tayo]
"Pero kasi. . "
[Trust me. inaatay nalang namin ang announcement ng agency mo bago kami maglabas ng statement regarding this. I'll call you later. I love you..]
"I-- " He hung up.
Big Boss is my last resort. Alam kong hindi sya papayag. Tama tama..
*knock knock
"Jennie?? Mag-uumpisa na ang meeting. Labas ka na dyan."
"Sige po, Manager Kim." I fix my hair and let out a big sigh. Then I smiled. A painted smile.
Lumabas na ako ng banyo. Nakita kong nakaupo na silang tatlo sa sala. My heart skipped a beat when my eyes. Lisa, Chaeyoung, Jisoo, and I assumed na akin ang space sa tabi ni Jisoo.
I walked past Lisa. Nakatungo sya kaya hindi ko makita ng maayos ang mukha nya.
Damn this heart.
---
Chaeyoung's POV:
Kumpleto na kaming apat dito sa sala. Ilang minuto na lang ilalabas na ng YGE ang statement nila.
It was a big hit. Simula kaninang umaga hindi na natigil ang notification sa SNS account ko. Maraming positive at negative feedbacks akong nababasa. Pero mas lamang ang negative.
"Lisa. ." I reached her hand and she immediately responded. Inayos nya ang upo nya at sumandal sa balikat ko.
"Chaeyoung. ." she said.
"Ohh?"
"Wag ka munang magdadate a.." Nagkatinginan kami ni Jisoo. alam kung nadinig din nya ang sinabi ni Lisa. "Ikaw din Jisoo'nnie.."
"Bakit naman? " tanong ni Jisoo.
"Hindi ko pa kaya...mag-isa." mahinang sagot ni Lisa.
"Ahhh.." sabay kaming napayakap ni Jisoo kay Lisa. That's our Lisa, the ever possessive pagdating sa amin.
The youngest among us. The strongest in front of the camera but the weakest when curtains fall.
"Okay everyone heto na naglabas na ng statement ang YGE." then Mr.Kim turn on the tv. Umayos naman kami ng upo.
Lisa grabbed my hands. Kinakabahan sya at nararamdaman ko yun.
"We received an official email from YGE about the Jen-Kai issue last night." anunsyo ng MC ng isang morning show.
Pagkatapos noon ay nagflash sa screen ang kopya ng email habang binabasa nya ito.
"YGE along with Kai's agency, we confirm the said issue to the public."
Kasunod nito ang mga tili ng studio audience na dinig na dinig namin sa background.
"Is true and official."
Natigilan kaming lahat. Walang umiimik, walang nagdiwang. Pero kitang kita namin ang pagwawala sa kasiyahan ng mga studio audience.
Bumalik ang kamalayan ko ng maramadaman kong humigpit ang hawak ni Lisa sa kamay ko. She bowed her head and I can hear her weak sobs again. Saka nya marahang pinunas ito. Hindi pa nga sapat ang palad nya, inilapit pa nya ang ang mga mata nya sa balikat ko.
"Chaeyoung." she whispered. She sounds very tired and exhausted physically and emotionally. "It freaking hurts. Normal pa ba to? It's tearing me apart."
Hindi ako kumibo. The plain sight of her, pains me too. I guess it's my hidden desire to protect her and fight away all of her demons the way she helped me fight mine. I just squeeze her hands. Alam na nya yun.
"Lisa." tawag ni Chu at lumipat ito sa tabi ni Lisa. "Andito si Mr. Kim."
It's a warning from Chu and Lisa got the message.
She immediately fixes herself., wipes her tears, fixes her hair, straightens her back, and flashes her big iconic smile.
Nilingon nya si Jennie and she took a deep breath and released it in a big heavy sigh.
"Congratulations Jennie. Best wishes," she said with her lively baby voice. " Please tell Kai too.."
halos hindi nya mabanggit ang pangalan nito as if a big lump of air is stuck in her throat.
This is how they trained us. To fool ourselves and how to professionally suppress our emotions. Heck, that training.
Nilingon ko si Jennie, pero katulad namin pati sya ay gulat na gulat sa nakita nya. Her eyes were fixed on the screen that is now black. Her mouth is half-open. Parang hindi siya na-inform sa mga nangyayari. Those eyes, her famous cat-like eyes are now blank, emotionless, almost dead.
Hindi ba ito ang gusto mo unnie, ang maging malaya. Bakit parang hindi ka masaya?
Naibulong ko na lang sa sarili ko.
----
JENNIE'S POV:
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig at nakita ko.
"It is true and official". Paulit-ulit na naririnig ko sa isip ko ang mga salitang iyon.
"Kai and I are now exposed. We no longer need to hide our relationship. Everything is normal now. These are the norms. The must. A girl dating a boy, that's what the freaking society wants! Pwede na kaming lumabas na magkaholding hands, pwede na kaming mag date--" said the other side of my brain.
"Pero bakit hindi ako masaya?"
This is what I wanted. This is the perfect plan to escape the confusion I have in mind. My preferences. The worst is my sexuality.
"Congratulations Jennie. Best wishes," biglang alingawngaw nang boses ni Lisa sa tenga ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko napaghandaan ang sakit. Hindi ko sa kanya na-ipaalam. Hindi ko na alam. Litong-lito na ako.
" Please tell Kai too.."
Damn him! He's not really letting go.
"Congratulations Unnie," said Chaeyoung.
"Congratulations Jennie," said Jisoo.
I heard them. Pero hindi ko sila kayang harapin. They knew me well. Isang maling kilos ko lang malalaman na nila na naguguluhan na ako.
"Okay girls, Big Boss is on the line. Gusto nya kayong makausap. . " sabay loudspeaker ni Manager Kim sa phone nya.
"Good morning girls, especially to you Jennie. ." kahit nasa linya lang ng telepono damang dama ko ang tension na nais nyang ipaabot.
"Well as you know we said yes about JenKai issue last night kahit na wala kaming kaalam alam na may ganun na pala. . "
"Dahil na din sa pakiusap ng side ni Kai." Tahimik lang kami. No one bothers to intervene. "He was so responsible. He personally . . "
Isang malaking buntong-hininga na lang ang binitawan ko.
" Jennie. ."
"Yes po. . " I tried so hard not to crack my voice, . " nakikinig po ako"
"I am so proud of you. Kai told me na you were about to end your relationship last night for it might affect your group's image. . in the end sila pa rin talaga ang iniisip mo.."
Kai misunderstood me. Hindi yun ang gusto kong iparating sakanya. He got it all wrong.
"But still he insisted na gawing official ang relationship nyo despite the negative feedbacks na naririnig nya. You found a real gentleman. Now. . just promise me one thing. ."
"Ano po yun. . ??"
"Be nice to him and make this relationship work," Is that a command?!
"This will be the first and only relationship the company will confirm. Please review your signed contracts for reference." Those final words are so threatening.
I know the rules so well. I memorized them all. It's just that I run out of ideas.
"Big Boss. . " I froze. My heart knew that voice.
"Ikaw ba yan Lisa?" tanong ni Big Boss
"Tatanggapin ko na po yung international project," direktang pahayag ni Lisa.
She's leaving me now?!?
---++--
Don't forget to hit vote.
----
Wordcount: 1301
Published : May 12, 2021
Chaeyoung's POV:
Napabalikwas ako nang upo. Nakatulog pala ako. Sa sobrang tahimik ng paligid hindi ko na namalayan na gabi na pala. Kung hindi pa ako nakaramdam ng gutom hindi pa ako magigising.
Hinanap ko agad ang phone ko. Grabe sa notification apaw na apaw na. Pero wala pa rin talagang tatalo sa kalampag ng gutom ko.
Hinawi ko ang kumot at bumaba ako ng kama. Pati pala sa pasilyo e patay ang mga ilaw. Dumiretso ako ng kusina.
"Lisa?! " asan kaya yung isang yun.
"Chaeyoung!! " muntik nang mahulog ang puso ko sa sobrang pagkabigla.
"Ano bang ginagawa mo dyan?! " Nakasalampak ito sa sahig habang nakaharap sa nakabukas na pinto ng refrigerator. Umandar na naman ang pagiging bata nito.
"Nagugutom na ako Chaeyoung wala naman akong mahanap na pagkain dito sa ref kundi yung isang tub ng ice cream dun sa taas" sabay turo nito sa nakabukas din na chiller box.
"Wag mong gagalawin yun. Bigay-"
"--Naubos ko na. "
"Baliw ka galing kay Kai yun. . padala nya un kanina. ."
"Alam ko nakita ko yung note. . okay nang ako ang nakakain kesa kay Jennie. " tumayo eto at sumampa saakin.
Naramdaman kong nagpipigil nanaman sya. Gusto mo ba nang ramyeon?
Fast Forward.
Hindi ko na alam kung paanong ang ramyeon na usapan namin kanina e nauwi sa ilang bote nang soju.
Kahit na sobrang ipinagbabawal ni Jisoo'nnie ang painumin ng hard drinks si Lisa e pinagbigyan ko pa din. Pakiramdam ko kasi kelangang kelangan nya ngayon ito.
Yun nga lang hindi ko na napigilan. Nagsimula kami nang tig'isang bote hanggang sa hindi ko na mabilang kaya eto ako ngaun nag'iisang biktima sa paningin ni Lisa.
Biktima? Hindi ko ba nasabi na bukod sa pagiging isip bata nito e may isa pang malalang sakit itong babaeng ito. Hahaha.
She's a KISSING DEVIL !!.
Devil kapag lasing sya at Monster naman kapag hindi. Difference? Malaki, haha. kapag Devil Mode sya ay wala sya sa katinuan. As in wala. Dahil ang target spot nya, someone's LIPS.
And tonight, it's my lips.
But that thought alone made my heart beat fast. .wait- Whatt!?. No hindi ako na'eexcite baka dala lang ng alak kaya ako nakaramdam ng ganito.
It can't be!.
"Chaeyoung!! ". The hide and seek was over she already found me. I stood up and looked at her for a slow moment i found myself smiling just looking at her childish smile.
Takte takbo!!
"Ahhhhhhhh!! Lisa !!! " Nahihilo na ako pero kelangan ko pa ring tumakbo.
Punong puno nang tawa at tili ang boung bahay. Yung tawa na akala ko matatagalan pa bago ko marinig ulit.
Takbo, tigil, tawa at takbo ulit. Ansaya lang nang pakiramdaman. Para kaming bumalik sa pagiging 15 years old. Habulan at walang pakialam.
Then I tripped.
It was a slow moment na kitang kita kong malapit na ang mukha ko sa sahig. But Lisa's reflexes are quick. She instantly grabbed my waist and twist me to change position with her. I closed my eyes and expected a heavy impact.
Then I felt her.
"Chaeyoung?? mas gusto mo bang i'kiss ang sahig kesa saakin?!. she laughed.
I opened my eyes and found myself on top of her. Our lips are just inches away. Her arms are all over me and she's laughing like nothing happened. damn.
The impact i was expecting was different from what I am feeling. The impact that hits my drunken heart.
"Don't be shy, you can kiss me ". 😁 then she playfully closed her eyes.
*ddum dumm
Ang landi talaga ng devil na ito kapag nalalasing. haha. I love the idea but i need to pull myself together.
"You wished". I quickly pushed her to the floor and stood up. Kelangan kong tawagan si Jisoo'nnie. Para hindi sila magulat kapag makitang naka devil mode nanaman si Lisa.
I ran to get my phone and immediately called Jisoo'nnie. Kaso hindi nya sinasagot. I tapped the voicemail recorder .
"Jisoo'nnie!! Please come home. I need your help ! Lisa is turning into a devil again"
Voicemail sent.
Exaggerated naman ata yung message ko baka biglang magsama nang pulis yun. Isa pa.
Start recording .
"Jisoo'nnie? kasi anoo.. ahmm. . nag' sujo kami ni Lisa-
"--Chae young . . ready ka na ba??" takte nakasingit pa si Lisa.
Voicemail sent.
Hala!?! bakit ko nasend. Isa pa isa pa. Last na to promise.
Hingang malalim.
< Jisoo'nnie !! malapit ka na ba? si Lisa kasi inaatake na naman ng sakit nya!>
Voicemail sent.
----
Jisoo's POV
Kakababa lang namin ni Jennie ng sasakyan nang makarecieve ulit ako ng voice message galing sa phone ni Chaeyoung.
< Jisoo'nnie !! malapit ka na ba? si Lisa kasi inaatake na naman ng sakit nya!>
"May problema ba? " hindi ko na namalayan na nasa likuran ko na pala si Kai at tila ba kanina pa takang taka sa mga voice message na nareceive ko.
Kakatapos lang ng maghapong press interview nila Jennie at Kai, dahil nga busy ang lahat ako na muna ang in-charge na sumama kay Jennie habang si Chaeyoung naman ang kay Lisa.
May isang late dinner acquaintance pa sana kaming pupuntahan kaso tinatadtad na ako ng voice messages ni Chaeyoung kaya nagdecide nalang kami ni Jennie na umuwi dahil hindi na rin kami mapakali.
"Dont worry Kai, girls stuff lang to " singit ni Jennie na bigla nalang pumwesto sa likod ko. "We'll take care of it "
"Are you sure? how about Lisa? may sakit ba talaga sya? " Kai took some step to stand closer to Jennie. Kanina ko pa napapansin na maghapon nang nagrereach out si Kai kay Jennie while Jennie is keeping her distance from him.
Weird. May problema ba sila? Kung kelan naman official na sila saka pa sila magkakalabuan.
Naramdaman kong hindi na komportable si Jennie. "Salamat Kai sa paghatid ah pasensya na din sa abala. "
"No worries Jisoo ako nga dapat mag'thank you sa pagaalaga kay Jennie. " nakangiting sagot ni Kai. Dahan itong humakbang palapit kay Jennie. Umatras ako nang konti para makabwelo sya.
*VOICE MESSAGE RECEIVED.
Nagkatitigan kaming tatlo. Nakita kong napangiti si Jennie. That playful smile came in an instant na kahit si Kai ay nagulat.
"Is that Lisa?" kunot noong tanong ni Kai.
"Yeah and she's a little possessive. . " wala sa loob na sagot ni Jennie. Lutang ata tong babaeng to.
"What?"
"She's like a little sister and a brother at the same time. . " singit ko. Baka ano pa ang pumasok sa isip nito ni Kai. "Medyo isip bata din kasi."
"Ahh I see, ganun lang siguro talaga lalo na kung matagal na kayong magkakasama. Masyado nang komportable. . " Umatras si Kai. Nakita kong nilingon nya ang balcony ng dorm sabay kaway.
Automatic naman kaming napalingon ni Jennie sa direksyon ng kinakawayan nito.
Lisa is standing right there and throwing death stares at us. Ibang iba ang aura nya. Suddenly Chaeyoung came out and threw her arms around Lisa and dragged her inside the house.
"Damn." Bigla na lang akong hinila ni Jennie papasok nang gate.
Galit?
----
Download MangaToon APP on App Store and Google Play